TWIX POV "OKAY ka na ba talaga?" nakataas ang kilay na tanong ni Reese sa kaniya. Isang buwan na nakalipas mula nang makalabas siya ng hospital at mula nang ikasal sila ni Cream Ann sa mismong hospital din. Maayos na ang kalagayan niya, naghilom na ang mga sugat niya sa katawan maging ang memorya niya ay paunti-unti na ng bumabalik. Napatingin siya kay Reese sabay balik uli ng tingin sa kulay bughaw na dagat na tanaw na tanaw mula sa kanilang lanai. Binili niya ito bahay malapit sa dagat para sa kanila ni Cream Ann at ng kanilang anak. "Yeah." Maiksing sagot niya. "Ba't parang tulala ka pa rin lately? Don't tell me, napapaisip ka pa rin sa kamukha ng ex mo? Akala ko ba sure na sure ka na sa feelings mo kay Cream?" Kumunot ang noo niya. "Of course, sure ako! At sino bang may sabi, in

