TWIX POV MATAMIS na ngiti ang sumilay sa labi niya habang pinagmamasdan natutulog si Cream Ann at ang kanilang nila na si Rix. Bukas ikakasal na sila ni Cream Ann, at siguradong sigurado na siya na tama ang gagawin niya. Tama ang nararamdaman niya para sa dalaga. Hindi na siya magdadalawang isip pa, alam niya sa sarili na mahal na niya ito. Kinintalan niya ng halik sa noo si Cream Ann at si Baby Rix. Inilabas niya ang pulang kahita sa bulsa niya at binuksan iyon. Abot tenga ang ngiti niya, sabik na siya maibigay iyon sa dalaga bukas. Alam niya may wedding ring na naka-ready subalit iba pa rin itong singsing na pinasadya pa niya. May nakalagay pa na 'My Creamy' sa singsing. Mayamaya bigla tumunog ang cellphone niya. Isang unknown number ang tumatawag sa kaniya. Walang pag aalinlangan ni

