TWIX POV NAPANGIWI siya nang pilitin niya umunat, masyadong mahigpit ang pagkakagapos sa kaniya. Napasulyap kay Andrea na nakasalampak sa sahig, yakap-yakap ang tuhod nito. "I feel like I'm giving up," bulong ng dalaga. "Don't be. Just hang on, makakaalis ka rin sa poder ng Tatay mo. I'll make sure of that." Kalmadong saad niya. Ilan sandali pa ay bumukas uli ang pinto kung saan sila nakagapos ni Andrea. Pumasok ang Tatay ng dalaga kasunod ang dalawang lalaki. "I have deal to you. I'll buy Andrea to you." Bungad niya agad dito. Tumaas ang sulok ng labi nito "Totoo ba? baka hindi mo kayanin ang presyo ng Andrea ko." Nakangising sagot naman ng matanda. He smirked and chuckled. "Try me. Name your price." Nagkibit balikat ito tila hindi naniniwala sa mga sinasabi niya. Kung pera lang

