CREAM ANN NAPANGIWI siya nang makaramdam ng bigat sa bandang dibdib at hita niya. Pilit man niya gumalaw para maalis kung ano man iyon nagpapabigat sa katawan niya ay hindi niya magawa. Napadilat na siya saka napatingin sa may dibdib niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano 'yon, hindi pala ano kun'di sino. Ang damuhong Twix Donovan! Aba't paano kaya ito nakapasok sa kuwarto niya? At ang timawa ginawa pa siyang unan? Marahas na tinulak niya ang binata na nakaunan sa dibdib niya at nakadantay sa may hita niya. Bumagsak ito sa gilid ng kama. Sumilip siya. Tulog na tulog pa rin ang binata. Tsk tsk! epekto ng gin. Napailing siya. "Gapangero ka, ginawa mo pa akong unan!" singhal niya sa binata. Mabilis siyang tumayo at sinilip naman niya si Baby Rix na himbing pa rin ang

