CREAM ANN "CARE to join me?" sumilay ang mala-pilyong ngiti ng binata. Napangiwi siya dahil sa dami ng binili nito gin na alak. Diyos ko! Ano bang gagawin niya sa lalaking 'to?! "Bakit ang dami n'yan? and for your information hindi ako lasenggera para samahan kang ubusin 'yan! Dapat umuwi ka na e," pataray na sabi niya. "H-Hey, I didn't say, help me to drink all of this. Just sit with me. Ang lungkot uminom pag wala kausap," nakangising wika ng binata saka mabilis na nilagpasan siya at pumasok na sa loob ng bahay nila. Aba, feeling homey na agad? Napapailing na lamang siya at saka sinundan ito. Naabutan niya ito nakaupo uli sa may salas. "Marunong ka magtimpla?" tanong niya habang nakatikwas ang kilay. Umiling ito. "No." Binuksan nito ang gin, ito na rin ang kumuha ng baso nito sa

