CREAM ANN "THANK you so much, Attorney." Aniya saka malawak na ngumiti sa harap ng anak niya na si Rix. Magandang balita ang pinadala ng abogado niya sa kaniya tungkol sa annulment nila ni Miles. Mas mabilis ang proseso, mas maganda. Nang sa gayon matapos na ang anuman ugnayan nila kay Miles. "Good news, Pa. In just three months okay na ang annulment ko." Malawak siyang ngumiti nang makita ang Papa niya patungo sa kusina. "Mabuti kung gano'n, pero, Cream, ano bang balak mo sa mga nakatambak na 'yan," patukoy ng Papa niya sa mga karton karton na nakatambak sa gilid ng salas. Napabuntong hininga siya sabay iling. Mga padala iyon galing kay Twix. Samu't saring gamit ang pinamili nito at pina-deliver sa kanila. May mga bagong stroller, baby clothes, baby bottles, baby toys, sandamakmak n

