Chapter 54

1780 Words

ILANG araw lang ang lumipas mula nang ginawa niya ang page ng restaurant ay hindi niya akalaing ganoon na kadami ang followers nito. Namumulagat ang mata niya sa dami ng chats at comments at hindi niya alam kung paano iyon marereplayan isa-isa. May ilan pang nagre-request na gusto itong kunin bilang chef sa mga personal event. " Grabe, sikat na talaga siya," aniya habang nakatitig sa screen. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay dadagsa na lang ang maraming costumer kaya tingin niya ay kailangan niya nang maghanda para doon. Tinawag niya ang mga tauhan para ipaalala sa mga ito na kailangan nilang ihanda ang sarili sa magiging dagsa ng costumer. Mabuti na lang ay kahit papaano ay nadagdagan na sila ngunit sa tingin niya ay mahihirapan pa rin sila. Ilang oras lang ang lumipas ay hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD