Hindi alam ni Damon ang gagawin ng mga oras na iyon, nanginginig si Camilla at mainit din ang katawan. Mataas ang lagnat nito na posibleng nagresulta kaya ito nanginginig. Sinubukan niya itong kausapin ngunit tanging ungol lang ang isinasagot ng dalaga. Hinubad niya ang suot na jacket at ipinangkumot ngunit nanatili pa rin ang panginginig nito. Natataranta niyang kinuha ang cellphone upang tawagan sana ang mama ni Camilla ngunit natigilan siya, masyado nang malalim ang gabi malamang ay tulog na iyon, isa pa malakas ang ulan kaya malabong maisama niya ito. Saglit niyang iniwan ang babae para tignan ang labas, malakas pa rin ang ulan kaya malabong madala niya rin ito sa ospital kaya nanlulumo na siyang bumalik sa kwarto. " Mama." Mabilis niyang nilapitan ang dalaga para hawakan ang kam

