Lumipas pa ang ilang saglit ay nanatili pa ring nakahiga si Damon sa kandungan niya habang napapangiti naman siya habang pinagmamasdan lang ang lalaki. Nakaramdam siya ng kakaibang ligaya kaya hindi niya napigil ang sarili na haplusin ang pisngi nito pababa sa mapula nitong labi. Napalunok siya nang maalala ang paghalik nito sa kaniya kagabi, naaalala niya ang maalab na halik ng lalaki na tila gusto niya ulit matikman, gusto niya muling makulong sa bisig nito. Nabigla pa siya ng hawakan ng lalaki ang kamay niya matapos nitong magmulat ng mata. Nagtama ang mata nila na kapwa pa natigilan, ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso niya. Marahan itong kumilos para bumangon hanggang sa magpantay sila. Pigil niya ang hininga habang inaabangan at nananabik sa susunod nitong pagkilos, nanatili l

