NARINIG niyang umuungol ito mula sa backseat.
" Ang daya mo, uminom pa tayo hindi pa ko lasing!"
Napapangiti siya ng marinig iyon.
" Iinom-inom kasi,eh, hindi naman sanay," bulong niya sa sarili.
" Ano, Damon, ah? Suntukan na lang tayo, napakayabang mo,ah!"
" Mukhang ako ang laman ng panaginip niya ngayon,ah?" natatawa niyang sambit.
Maya-maya ay puro ungol na lang ang naririnig niya dito. Nang marating nila ang bahay nila ay hindi niya na ito kinaya pang buhatin pa. Nagising na ito ngunit hindi halos makalakad kahit inaalalayan niya na kaya matagal nila narating ang kwarto.
" Nasaana na tayo?Gusto ko pang uminom hindi pa ko lasing!" anito na luminga-linga sa paligid.
" Lasing na ko, Camilla hindi ko na kayang uminom," tugon niya.
" Ang hina mo naman pala pagdating sa inuman,eh, talo pa kita,ah?" humalakhak pa ito.
Hindi niya na ito sinagot. Nahirapan siyang alalayan ito dahil pagewang-gewang ito kung maglakad. Nang marating nila ang kwarto ay lalo lang ito naging mas agresibo kaya nawalan sila ng balanse, mabuti at sa kama sila parehong napahiga. Katulad nung una ay nakapaibabaw ito sa kaniya at nakapasubsob sa kaniyang dibdib. Hindi ito kumikilos kaya hindi niya alam kung paano ito ipupwesto ng maayos sa pagkakahiga. Hinayaan niya muna ito ng ilang minuto sa ganoong posisyon upang masigurong malalim na talaga ang tulog ng dalaga. Ngunit pamaya-maya ay kumilos ito at humarap sa kaniya. Malamlam ang liwanag ng kwartong iyon na tanging sa lampshade lang nagmumula ngunit kahit ganon ay naaaninag niya ang maamong mukha nito. Matagal itong nakatunghay sa kaniya na tila inaaninaw siya. Amoy pa niya ang mabangong hininga nito dahil halos gadangkal na lang ang layo ng mga mukha nila. Nanlaki ang mata niya ng dahan-dahan itong kumilos at marahan syang siniil ng halik sa labi. Hindi niya alam ngunit nagdulot iyon ng kakaibang kiliti sa kaniya nang maramdaman ang mainit na labi nito. Ang marahang paraan ng paghalik nito ay nagdulot sa kaniya ng kakaibang sensasyon. Napapikit na lang siya habang pinapakiramdaman ang pagkilos ng labi nito na naglalaro sa kaniyang labi. Hindi niya na napigilan ang kakaibang kiliti kaya gumanti na rin siya ng halik. Sinasalubong niya ang bawat halik nito. Ang marahang paghalik ay unti-unting naging mapusok hanggang sa hawak-hawak niya na ang pisngi ni Camilla na mukhang lango na talaga dulot ng alcohol. Marahan siyang kumilos upang mapailalim si Camilla hanggang sa nagtagumpay na nga siyang mapaibabaw dito. Lalong naging mapusok ang halik nila sa isat-isa hanggang sa yumakap na sa kaniyang leeg ang babae. Dinig pa nya ang bawat dampi ng mga labi nila na nagpainit lalo ng kaniyang pakiramdam. Kakaibang sensasyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, he's in ecstacy.
Ngunit bigla niyang naisip na nasa espiritu ng alak ang babae at malamang ay hindi nito alam ang ginagawa. Hindi niya dapat abusuhin habang wala ito sa sariling kamalayan. Bigla siyang natauhan at kumalas mula rito. Ngunit nanatili pa rin siyang nasa ibabaw at pinagmamasdan ang tulog na yatang babae. Napahinga siya ng malalim at dahan-dahang umalis sa ibabaw nito. Nalamukos niya ang buong mukha habang binabagabag ng konsensya. Hindi siya dapat nagpatangay sa ginawa nito.
Maya-maya ay napalingon siya nang muli itong umungol at nagsimulang magtawag ng uwak. Hindi niya alam ang gagawin ng oras na iyon. Nagkalat ang suka sa higaan nito pati na rin sa damit. Hindi naman pwedeng hayaan niya na lang ito na naliligo sa sariling suka. Kaya naman napilitan siyang gawin ang isang bagay.
**
PARANG binibiyak ang ulo ni Camilla nang magising ng umagang iyon. Tanghali na ngunit nakahilata pa rin siya sa kama, mabuti na lang at araw ng sabado iyon at walang pasok. Sumagi sa isip niya ang mga nangyari kahapon, mula sa pakikipagbreak sa kaniya ni Mico at ang lahat ng sinabi sa kaniya ng kaibigang si Athena. Dahil nga pala sa sama ng loob kaya naisipan niyang pumunta sa bar ni Zeke para uminom.
Agad siyang bumalikwas ng bangon. Paano nga pala siya nakauwi ng bahay? Naningkit ang mga mata niya at pilit na inaalala ang nangyari kung paano siya nakauwi. May mangilan-ngilan siyang naalala at kasama na si Damon doon na nakipag inuman rin pala sa kaniya. Naalala niya rin na isinakay siya nito sa kotse hanggang sa maihatid nga siya nito sa bahay papunta sa loob ng kwarto. Maya-maya ay natigilan siya, lasing na lasing siya at si Damon lang ang naghatid sa kaniya dito sa kwarto. Natutop niya ang bibig ng maisip na baka may ginawa itong hindi maganda sa kaniya. Lalong sumakit ang ulo niya sa kakaisip. Nanlaki na lang ang mata niya nang mapansing iba na ang suot niyang damit, nakapantulog na siya. Ang naaalala niyang suot kagabi ay tshirt at maong pants paano nangyaring iba na ang suot niya?
Tila na praning siya sa naisip hindi kaya may nangyari sa kanila ni Damon habang lango siya sa alak? Pilit niyang kinalma ang sarili at pinakiramdaman ang katawan, wala namang masakit sa kaniya maliban sa ulo niya na parang mabibiyak.
Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto, iniluwa nun si Damon. Nakapangisi pa ito.
" Gising ka na pala, tara na kumain na tayo."
Napalunok siya ng laway bago nagsalita.
" Anong ginawa mo sa'kin?"kinakabahan niyang tanong.
" Oh, bakit anong problema?"
" Huwag ka ngang magmaang-maangan! Hindi ito ang suot ko kahapon,anong ginawa mo sa'kin,ha?! Pinagsamantalahan mo'ko habang lasing ako,'no?!" nanlalaki ang mata niyang singhal sa lalaki.
" Can you just calm down, Camilla?"nangingiti nitong tugon na ikinairita niya. " Lasing na lasing ka kagabi kaya sinundo kita. At yung damit mo puno ng suka kaya naisipan kong bihisan ka."
" A-anong sabi mo b-binihisan mo'ko?!" gusto niyang maloka sa nalaman mula sa lalaki.
" Oo, wala na kong choice,eh! Basang basa ka ng suka at pawis mo, ang bantot mo na, pati iyang kama mo puno na rin ng suka."
Nanlamig ang buong katawan niya na narinig. Gusto niyang takasan ng ulirat.
" Ibig sabihin nakita mo? N-Nakita mo na lahat?!" namumula ang mukha niya aa labis na pagkabigla.
" Nakita ang alin?" humalakhak ito.
Gusto niya nang maiyak nang mga oras na iyon.
" Sus, ano ka ba? Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng katawan ng babae. Pare-parehas lang naman ng itsura iyan, may malaki at maliit.May makapal at 'yung iba alaga sa ahit."
"A-nong s-sinabi mo?!" nauutal niyang tanong. Pakiramdam niya ay nanlaki ang ulo niya sa tinuran nito.
Kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa galit. Hindi siya makapaniwalang nakita na nito ang lahat-lahat sa kaniya.
" Saka ano bang masama dun, eh asawa naman kita?" Ngumiti ito ng pilyo.
Namataan niya ang baseball bat at agad na kinuha para ihampas sa lalaki.
" Loko kang bwisit ka!"
" Hoy, teka ayan ka na naman,eh, mananakit ka na naman!" anito na tumakbo palabas ng kwarto kaya hinabol niya ito.
Hanggang sa makababa sila sa first floor ay hindi niya nilubayan ang lalaki.
" Camilla,anak?"
Napahinto siya sa pamilyar na boses na iyon, ang mama niya. Galing ito sa kusina at may dala pang sandok.
" Anong ginagawa niyo? Para kayong mga bata na naghahabulan diyan?"
" A-anong ginagawa mo rito,Mama?"
"Ako dapat ang magtanong sa'yo!" anito nang makalapit at piningot siya sa tenga. " At kelan ka pa natutong maglasing,ha?!"
" Aray, mama naman,eh, masakit!" daing niya.
" Ikaw bata ka, ano ba nakain mo at naglasing ka? Gusto mo bang maoperahan uli?! Tinawagan ako ng asawa mo kagabi at pinapapunta niya ko kasi lasing na lasing ka raw at basang- basa ng suka! Ano ba problema mong bata ka,ha?!"
Napatingin siya kay Damon na noon ay pigil ang tawa. Naisahan na naman siya ng damuhong. Napanatag siya dahil hindi pala ito ang nagbihis sa kaniya.
" Ma, ang sakit ng ulo ko, gusto ko ng kape," paglalambing niya sa Ina.
" Eh, paanong hindi sasakit iyan, eh, nagpakalasing ka!" anito at kinurot siya sa singit. " O siya, halina kayo at nang makakain na!"
Dumiretso sila sa kusina kasunod si Damon, naupo ito sa katapat niyang upuan. Panayan pa rin ang tawa nito habang nakatingin sa kaniya kaya sinipa niya ito mula sa ilalim ng lamesa.
" Aray! Bakit ba napaka bayolente mo,ha?"
" Tawa ka kasi ng tawa, napakalakas mong mang asar!" aniya habang pingot-pingot nito ang ilong ng lalaki.
Agad namang gumanti ang lalaki at mariin din siyang pinisil sa magkabilang pisngi.
" Hoy! Para kayong mga bata,ano bang ginagawa niyo?" saway ng kaniyang Ina nang makalapit at bitbit na ang plato na may lamang sinangag.
Parang bata namang tumigil ang dalawa at nag-agawan pa sa sinangag na niluto. Ang sinangag ng Ina ang pinakapaborito niya. Habang kumakain ay lihim niyang sinusulyapan si Damon. Nangingiti siya dahil kahit paano ay nagkakaroon na siya ng tiwala dito. Kung tutuusin ay pwede siya nitong gawan ng hindi maganda kagabi sa halip pinapunta pa nito ang Ina. Hindi naman pala ito manyak, mali pala siya ng pagkakakilala dito.
" Ah,Ma? Dito ka ba natulog?"
" Syempre naman, doon sa kama mo, hindi mo ba namalayan?"
" Huwag ka muna umuwi,ah?"
" Hindi pwede,anak. Maraming trabaho naiwan sa mansion, alam mo naman si Mrs. Romualdez bigla-bigla na lang sumusulpot!"
Nakaramdam siya ng lungkot na aalis pala agad ang magulang.
" Ikaw, Damon? Hindi ka ba papasok sa trabaho?"
" Hindi po, Ma. Ang totoo po niyan, ibibenta ko na po ang shares ko."
" Anong,Ma? Hoy mama ko iyan!"
" Ganon ba? Aalis ka na sa company nila?"
" Opo," sagot ng lalaki.
Mukhang tinotoo ng lalaki ang plano nitong pag-alis sa company para magtayo ng sariling resto. Lihim siyang napahanga dahil mayroon din pala itong abilidad sa pagtatayo ng sarili nitong negosyo.