Chapter 34

1856 Words
Hindi niya magawang mag pokus ng umagang iyon sa pag-aaral dahil sa nangyari sa kanila ni Mico. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa nitong makipaghiwalay sa kaniya. Buong araw siyang matamlay at tila lutang. Wala naman siyang magagawa kung talagang ayaw na nito, noon pa naman ay iyon na ang gusto niya ang makipaghiwalay sa lalaki bago pa man sila makasal ni Damon. Nang matapos ang klase ng tanghaling iyon ay nakita niyang nag-aabang sa labas ng classroom nila si Athena at hinihintay siya. Matamlay itong ngumiti sa kaniya. " Pwede ba tayo mag-usap?" Napatitig siya rito na tila lutang pa rin. Dumiretso sila sa labas upang maupo sa mga bakanteng bench para mag-usap. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito at parang seryosong-seryoso? " Lumipat na pala kayo? Sinabi lang sa'kin ni Tita." Tumango-tango siya bilang tugon. " May problema ba, bes?"tanong pa nito nang mapansing matamlay siya. " Wala, pagod lang. Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" Hindi muna agad ito nakaimik sa halip ay hinawakan siya nito sa kamay na tila naluluha pa. Kinakabahan siya baka kasi kung ano naman ang hilingin nito sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata niya na napatitig dito. " Actually, napag-usapan na rin namin ito ni Damon." Panimulang sabi nito. " Bes, after ng graduation natin i decided to leave. Pupunta ako sa Amerika." Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi nito,hindi kaagad siya nakaimik. " Pero hindi naman ako magtatagal! I just want to be independent, 'yung malayo sa anino ng mga parents ko para hindi na nila ako kontrolin. Naiintindihan mo naman ako, 'di ba?" " Iiwan mo'ko, Bes? Nagpromise ka 'di ba na aayusin mo 'tong ginawa natin? Pero bakit ka aalis, bakit mo kami iiwan? Ang daya mo naman,eh!"puno ng pagdaramdam na sambit niya. " Just give me two years! And after nun, babawiin ko na si Damon sa'yo, promise iyan, Bes!" Pagsusumamo ng dalaga. Tuluyan na siyang naluha sa sinabi ng kaibigan lalo lang bumigat ang kaniyang dibdib. Gusto niyang intindihin ang layunin nito sa pag-alis ngunit paano naman siya? Maiiwan siyang hindi man lang natupad ang mga pangarap sa buhay. Natapos ang usapan nila na iyon na hindi na siya gaano nakipagtalo dahil alam niyang hindi rin naman siya mananalo dito. Kilala niya ang kaibigan, ginagawa nito ang bawat napagpasyahan. Ang tanging panghahawakan niya na lang sa ngayon ay ang pangako nitong dalawang taon. Pagkatapos 'nun ay magiging malaya na siya. Nang pabalik na siya sa ay nakita niya si Mico sa labas ng kanilang room, kausap nito si Rochelle at mukhang masaya pa ang dalawa. Napagpasyahan niya na lang na 'wag nang tumuloy at umuwi na lang ng bahay. Tinamad na siya nang araw na iyon. Gusto niyang mapag-isa para makapag-isip. Ngunit sa hindi inaasahan ay dinala siya ng mga paa sa resto bar ni Zeke. Tama iinom na lang siya, magpapakalasing siya hanggang sa makalimutan niya ang hindi magagandang nangyari sa kaniya ng araw na iyon. Nagulat pa ang lalaki nang makita siya. " Bigyan mo'ko nung nai-serve mo sa'kin nung nakaraan!" aniya dito. Nagulat man ay tumalima ito sa sinabi niya. Wala pang gaanong costumer ng hapon na iyon dahil maaga pa kaya hindi pa gaanong busy ang binata. " Hindi mo yata kasama ang asawa mo?" anito at umupo sa tapat niya. Agad niyang tinungga ang hawak na baso at agad na napangiwi nang matikman ang lasa nun. Muli siyang humingi sa lalaki, gusto niyang malasing agad ng mga oras na iyon. " Hey! I just want to remind you, hindi iyan juice baka malasing ka kaaagad." Pinandilatan niya ang lalaki nang hindi ito kumikilos kaya napakamot naman ito ng ulo at sinalinan siya. " May problema ka ba? Don't tell me nag away kayo ni Damon?" tanong sa kaniya ng binata. Hindi nga pala alam ng lalaki na palabas lang ang pagpapakasal niya kay Damon, kailangan niyang mag ingat sa isasagot at baka madulas pa siya. Ang pagpapakasal pa naman sa lalaki ang dahilan kung bakit naghihirap ang kalooban niya ngayon. Hindi na nga niya natupad ang pangarap nakipaghiwalay pa ang nobyo sa kaniya. Ang lalaki na akala niya ay magiging forever niya ngunit ngayon ay iniwan naman siya sa ere. Lalong nagngitngit ang kalooban niya dahil doon kaya muli niyang tinungga ang hawak na baso. Muli siyang humingi sa binata at muling nilagok iyon. At isa pa, hanggang sa maramdaman niyang umiikot na ang paningin niya. " Tama na iyan, Camilla lasing ka na,eh!" Muling saway sa kaniya ng lalaki. " Hindi pa ko lasing 'no! Chill ka nga lang diyan, 'wag ka mag-alala babayaran ko lahat ng ininom ko, marami akong pera mayaman yata napangasawa ko!" saka siya humalakhak. Muling napakamot ng ulo si Zeke. " Hindi naman 'yun ang inaalala ko,eh. Bakit ba kasi mag isa kang pumunta dito at hindi mo kasama si Damon? Nag away ba kayo?" " Alam mo ang kulit mo, kanina mo tinatanong sa'kin 'yung lalaking 'yun! Gusto kong mapag-isa,eh, bakit ba?" asik niya dito. " Whoa! Ang sweet mo pala,ah?" tumatawang sambit nito. " Eh, ikaw, asan ang asawa mo? Bakit di ko siya nakikita?" " I'm a single." " Oh? Ayos, bago 'yun,ah? Samantalang dati hindi kayo magkandaugaga sa papalit palit ng girlfriend ng bestfriend mo! Anyare?" " That was a long time ago and i'm matured enough. Let's say nagbago na ko," nakangiting tugon ng binata. " Nagbago ka na, means lalaki na ang gusto mo?" Muli siyang humalakhak ng malakas. " Of course not!" mabilis na tugon nito. " Sa totoo lang, ah? Curius pa rin ako kung bakit naging kayo ni Damon. How can you and Damon fall to each other?" Gusto niyang masuka sa huling tinuran nito pero pinilit niyang maging kaswal. " That's the power of love," nangingiwi niyang sagot. " Sus, baduy!" anito. " Anong baduy?" Pinisil niya nang madiin ang ilong nito. " Aah! Para saan iyon?" tanong nito habang hawak ang namumulang ilong. Kinuha niya ang hawak nitong bote at iyon ang tinungga. " Hoy! Ladies drink ang inumin mo baka magalit sa'kin si Damon niyan!" Iniwas niya ang hawak na bote nang tangkain nitong agawin mula sa kaniya. Kaya naman tinungga niya iyon hanggang sa mangalahati. Walang sinabi ang mapait na lasa ng alak sa pait na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Sobrang stress siya. " Hay naku, pasaway!" bulong ng binata at dinukot ang cellphone sa bulsa. Tinitigan niya ang bote at pilit na binasa ang nakasulat doon. Ngunit blurred na ang paningin niya kaya natawa na lang siya. Hindi niya mapigil ang tawa pakiramdam niya ay kinikiliti siya ng mga oras na iyon. Narinig niyang kausap ni Zeke si Damon at pinapapunta nito ang lalaki. " Halika, Damon one on one tayo!" sigaw niya habang tinataas ang bote. " Cheers!" Aniya sa lalaki nang ibaba nito ang cellphone. Bantulot namang sumunod ang lalaki at itinaas din ang hawak na baso. *** Mabilis na sumakay ng kotse si Damon matapos makausap si Zeke. Ipinaalam nito sa kaniya na naroon si Camilla at lasing na. Hindi niya maintindihan kung paano napunta ang babae doon. Kaya pala wala ito sa school nang sunduin niya ang akala niya ay dumiretso na ito sa kanilang bahay. Naabutan pa niyang pisil pisil nito ang ilong ni Zeke at kinukulit ang binata. " Thank's God, you're here! Grabe ang asawa mo ang kulit!" anito na tila nakahinga ng maluwag. " Ano bang nangyari, bat siya nandito?" tanong niya sa kaibigan ngunit nagkibit balikat lang ito. " Ow! Nandito na pala ang magaling kong asawa, 'lika inom tayo!" Naniningkit na ang mata ni Camilla tanda ng kalasingan. " Halika na, umuwi na tayo lasing ka na,eh." " Hindi pa ko lasing, 'wag ka ngang killjoy diyan!" Hinila siya nito sa kamay at pinaupo sa katapat na upuan. Hindi niya maintindihan ang kinikilos ng babae kung bakit ito naglasing. Naisip na lang niyang nang dahil na naman ito kay Mico. Sinalinan siya nito ng alak ngunit nagkakanda tapon-tapon lang naman na tila hindi napapansin ng babae dahil lango na nga ito. Inabot sa kaniya ang basong walang laman at nakipag cheers pa ito sa kaniya. Nagkunwari na lang siyang tinutungga din ang baso upang sakyan si Camilla. Pigil ang tawa na nakamasid lang sa kanila si Zeke. Sumenyas pa ito sa kaniya kung ano ang problema ngunit napailing-iling lang siya. Ayaw niya nang usisain pa ang babae kung bakit ito nagpapakalasing dahil hindi rin naman ito makakausap ng maayos. Humingi na lang siya ng tubig kay Zeke. Isinasalin niya ang tubig sa baso ni Camilla para magkunwaring alak na hindi naman napapansin ng babae. " Ang taba ng utak mo pare!" ani ni Zeke na nag thumbs-up pa. " Anong oras pa ba siya nandito?" " Kanina pa. Nag-away ba kayong dalawa? Tinitigang mo yata,eh!" pabulong na wika ng kaibigan. " Siraulo!" asik niya rito. " Bakit ganito ang lasa ng alak mo? Ang tabang expired na ba 'to?" maya-maya ay reklamo ni Camilla. " Wala ka nang panlasa? Eh, lasing ka na yata kaya di mo malasahan, eh," aniya na nagkunwari ding lasing. Napapailing na lang si Zeke sa ginagawa niya. Nagpaalam ito upang harapin ang dumating na costumer. " Lasing na ko, 'lika na uwi na tayo," aniya sa babae. " Lasing ka na agad? Ang pangit mo namang kainuman, bilis mong malasing!" nayayamot na tugon ni Camilla. Sa tagal niyang pagkakakilala kay Camilla ay ngayon niya lang nakitang naglasing ito. Mukhang mabigat nga yata ang dinadala nitong problema kaya muli siyang binagabag ng konsensya. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin para sa babae para kahit paano ay makabawi sa perwisyong idinulot nila dito ng nobya. Lalo siyang nainis nang muling maalala ang sinabi ng kasintahan sa balak nitong pag-alis. May sinira silang buhay habang ang nobya ay balak magpakasaya sa ibang bansa. Napansin niya na matutumba ito sa kinauupuan kaya mabilis siyang lumapit dito upang alalayan ang babae. Napahilig ito sa balikat niya at dahan-dahang nabitawan ang hawak na baso. " Bumigay na ba?" tanong sa kaniya ni Zeke nang makalapit ito. Nagpatulong siya sa kaibigan upang mabuhat ang babae para maiuwi. Nanlaki pa ang mata niya nang mabuhat ito. Sa kabila ng payat nitong pangangatawan ay napakabigat pa rin ng babae. Inihiga niya ito backseat ng kotse. Inayos niya muna ito sa pagkakahiga upang maging komportable ito. Naaawa niyang tinitigan ang babae. Sa batang edad nito ay nakaranas na ito ng malaking respnsibilidad sa buhay. Isang larawan ng mabuting kaibigan na kung saan handang isakripisyo ang pangarap para mapagbigyan ang kaibigang tinuturin na nitong kapatid. Hinawi pa niya ang buhok nito na humaharang sa maamo nitong mukha. Hinubad niya ang polo upang ipangtakip sa katawan ni Camilla. Dumako ang tingin niya sa labi ng dalaga na kung saan ilang beses niya na ring nahalikan. Bahagya pa itong nakaawang na tila inaaya siyang siilin ito ng halik. Nangunot ang noo niya sa naisip, maya-maya ay natawa na lang. Mabilis siyang pumwesto sa frontseat at sinimulan ng paandarin ang kotse. Isang desisyon ang naisip niya nang mga oras na iyon. Kakausapin niya ng masinsinsinan si Mico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD