Chapter 33

1850 Words
HINDI makatulog si Camilla ng gabing iyon, hindi niya maiwasang mag-alala sa pagsasarili nila ng lalaki. Hindi niya ito lubusang kakilala at kahit papaano ay lalaki pa rin ito. Ngunit ang mas higit niyang inaalala ay kung paano niya sasabihin sa nobyo ang kasalukuyang sitwasyon, sigurado siyang lalo itong mapapraning. Nakapatay ang ilaw sa kaniyang kwarto nang mapatingin siya sa pintuan. Napansin niya na may huminto sa tapat noon at maya-maya ay umalis na. Alam niya ang lalaki iyon, nasa kabilang kwarto lang kasi ito nakapwesto. Sinubukan niyang lumabas ng kwarto upang silipin 'to. Dahan-dahan siyang bumaba at pumunta sa kusina at nakita niya na umiimom na ito ng alak. Nakatitig ito sa baso na tila may malalim na iniisip. Bagsak din ang balikat nito at malungkot ang expression ng mukha. Bumalik siya sa kwarto at muling nahiga sa kama ngunit muli siyang napatayo at may naisip. Lumabas siya ng kwarto at naghanap ng pwedeng gawing proteksyon sa sarili. Napunta siya sa isang kwarto kung saan maraming mga lumang gamit ang naroon, marahil ginawa ng bodega ito ng pamilya. Napansin niya ang mga lumang gamit na mapapakinabangan pa, pati na rin ang ilang pictures ng matandang lalaki. Tingin niya ay ito ang Ama ni Damon na iniwan sila ilang taon na rin ang nakakaraan. Malaki ang pagkakahawig nito sa lalaki. " Ang pogi pala ng Daddy niya kahit may edad na," aniya sa sarili. Muli niyang inilibot ang paningin at napangiti siya ng mapansin ang isang baseball bat. " Ayos 'to! Panghampas sa ulo niya pag may ginawa siyang kalokohan," nangingislap ang mga matang sambit niya. Muli siyang bumalik sa kwarto niya at nahiga at itinabi pa sa higaan ang naturang bagay. Nahihimbing na ang diwa niya nang mapansin niya ang dorknob na tila pilit na binubuksan. Agad siyang napatayo at pinagpawisan ng malapot. Alam niyang ang lalaki iyon. Naisip niyang lasing na ang lalaki kaya kung ano ano na ang pumapasok sa isip nito. Mabuti na lang at nai-lock niya ang pinto. Hinawakan niya nang mahigpit ang baseball bat habang titig na titig sa pinto. Narinig pa niya ang kalansing ng susi na ikinawit sa dorknob upang tuluyang mabuksan iyon. Nakita niya ang anino ni Damon na binubuksan ang ilaw. " Yaah!" hiyaw niya at inangat ang hawak na baseball bat para ihampas sa lalaki. Nanlalaki naman ang mata ni Damon at tarantang umiwas sa ginawa niya. " Hoy, teka anong ginagawa mo?! Masakit iyan!" sigaw ng lalaki habang patuloy sa pag-ilag. Ngunit hindi niya ito pinakinggan at patuloy lang siya sa ginagawa kaya wala itong nagawa kundi hawakan na lang sa siya sa kamay para ganap na mapigilan. " Tumigil ka nga, bakit ba nagwawala ka?!" " Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko, ha? May binabalak kang masama sa'kin 'no?!" nanggalaiti niyang hiyaw. " Ano bang sinasabi mo? Kumalma ka nga!" " Eh, bakit mo pinipilit buksan iyong pinto pwede ka namang kumatok?!' " Eh, akala ko kasi tulog ka na,eh. Pwede ba bitawan mo muna 'tong hawak mo?!" Dahan-dahan naman siyang kumalas kaya binitawan na rin siya ng lalaki. " Ano ba kasi ginagawa mo dito, lumabas ka na nga!" " Kukuha lang naman ako ng unan at kumot," anito at binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang mga unan. " Teka, saan mo ba kinuha ang bagay na iyan?" " Diyan sa kabilang kwarto, kinuha ko talaga 'to para panghampas sa'yo pag may ginawa kang kalokohan sa'kin!" Mataray niyang sagot. " Ano? Iniisip mo ba na may gagawin ako sa'yo?" Natatawang tugon ng lalaki. " Pwede ba, wag kang assuming, Camilla? Oo playboy ako pero hindi ikaw ang klase na matitipuhan ko, 'no!" Pang-aasar ng lalaki sa kaniya saka muling humalakhak. " Ang yabang nito! Sige na lumabas ka na nga!" asik niya dito. Ngunit natigilan ang lalaki habang napatitig sa baseball bat na hawak niya. Lumapit ito sa kaniya at kinuha iyon mula sa kaniya. " Saan mo ba 'to nakuha?" bigla ay seryosong tanong nito habang titig na titig sa hawak. " Diyan nga sa kabilang kwarto, ginawa niyo na yatang bodega iyan, eh, ang daming mga lumang gamit." " Talaga? Naalala ko lang, ito ang niregalo sa'kin ni Daddy." Saka niya lang napansin ang pangalan ng binata na nakasulat sa baseball bat. Napansin din niya ang biglaang pagseryoso ng mukha nito. " Favorite sport ko kasi ang baseball kaya palagi kaming naglalaro ni Daddy," nakangiti nang wika ng lalaki. Ngunit napansin niya pa rin malalim na lungkot sa mga mata ng binata. " Sa'kin na muna 'to, ah? May sentimental value kasi sa',kin 'to, eh." " Hoy! Hindi pwede, panghampas ko nga sa'yo iyan,eh!" Aniya na pilit na inagaw ngunit mahigpit itong hawak ng lalaki. " Baka naman mabasag mo ang ulo ko nito pag tinamaan mo ko? Maghanap ka na lang ng iba diyan!" " Heh! Ayoko, amina iyan!" Nagpumilit siyang agawin ito sa lalaki ngunit iniiwas ito sa kaniya. Halos mapayakap pa siya dito sa pag-agaw hanggang sa pareho silang nawalan ng balanse at parehong bumagsak sa kama. At dahil nakataas ang mga braso ng lalaki kaya malayang napadapa si Camilla sa katawan nito at hindi sinasadyang maglapat pati ang mga labi nila. Natigilan pa sila pareho at hindi agad nakakilos. Nanatili pa ring nakapatong si Camilla kay Damon ngunit nakaangat na ang ulo niya at nanlalaki ang mata na tutop ang bibig ganundin si Damon. " Ikaw pala ang may balak na masama,eh. Tingnan mo nga nakapatong ka pa sa'kin," pilyo ang mga ngiting panunudyo sa kaniya ng lalaki. Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pagkilos ni Camilla na pinamumulahan pa ng mukha. Halata sa mukha niya na sasabog na siya sa matinding galit. " Baliw ka talaga, Damon bwisit ka!" gigil niyang hiyaw habang kuyom ang kamao. Agad na bumalikwas ng bangon ang lalaki at tinungo ang pinto na ito pa mismo ang nagsara. " Sige, Camilla! Goodnight!" anito bago tuluyang isinara ang pinto. Naiiyak siya sa sobrang inis. Agad niyang tinungo ang CR at agad na hinugasan ang bibig. Diring-diri talaga siya, nakahalik na naman kasi siya ng aso. Matapos ay ibinagsak ang katawan sa kama. Napapangiwi siya sa twing maaalala ang nangyari. Hindi lang pala mga labi nila ang nagdikit pati pala ang dibdib niya ay napadikit din sa katawan ng lalaki. Nakatulog na lang siya sa magkahalong inis at hiyang naramdaman. Kinabukasan nga ay naabutan niya ito sa kusina. Magtitimpla sana siya ng kape ng mapaatras siya nang makita ito na naghahanda ng pagkain nila. Tatalikod na sana siya ng magsalita ang lalaki. " Sakto! 'Lika na kumain na tayo, Camilla," nakangiting wika nito sa kaniya " Ayoko, kumain kang mag-isa!" " Bahala ka masarap pa naman 'tong hinanda kong sandwich, hmm! Ang sarap" Napahinto siya sa sinabing iyon ng lalaki. Nalanghap niya rin kasi ang mabangong amoy na sa tingin niya ay chicken sandwich. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang sarap na sarap ang lalaki at napapapikit pa na tila iniinggit siya. At dahil kahinaan niya ang pagkain ay hindi na siya nagdalawang isip na umupo sa mesa kasabay ng pagreklamo ng kaniyang tiyan. Tumayo ang lalaki at nagtimpla ng kape at iniabot sa kaniya. " Nagustuhan mo ba 'yung lasa ng sandwich?"tanong ni Damon sa kaniya. " Ayos lang, hindi na masama." Sa totoo lang ay sarap na sarap siya sa lasa ng sandwich. Ayaw niya lang ipahalata dahil naiinis pa rin siya dito. " Good. Balak ko kasi idagdag sa recipe ko iyan para sa itatayo kong resto." " Oh? Magpapatayo ka ng resto?" " Yup! That's why i started to create some recipes." Napatitig siya rito at hindi sinasadyang mapatingin din siya sa mamula-mulang labi ng lalaki. Ngayon niya lang napansin ang heart-shaped na labi nito. Napangiwi siya ng maalala ang mainit at malambot nitong labi. " Bakit mo naman naisip na magpatayo ng resto? Aalis ka na sa company nina Athena?" Nang makalingat ang lalaki ay pasimple niyang kinuha ang isang sandwich. Babaunin niya ito sa school. " Oo. Ayoko kasing habang buhay nakatali ako dun, isa pa hindi naman iyon ang pangarap ko. I want my own business!" Nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay ibang Damon ang kaharap niya. Maayos kausap at may pangarap sa buhay. " Teka, nasaan iyong isang sandwich? Inubos mo?" Napailing-iling siya habang ngumunguya. " Apat iyan, tig dalawa tayo." " Kararating ko lang,ah? Baka ikaw kumain!" " Isa pa lang nakakain ko, nakatatlo ka na ba agad?" pilyo ang ngiting turan nito. " Huwag ka nga mambintang, kutusan kita diyan, eh!" Nang matapos makapag-agahan ay hinanda niya na ang sarili para pumasok. Napangiti siya nang maisip na pabor din naman sa kaniya kahit paano ang pagsasarili nila ni Damon dahil wala nang mangingialam ng susuutin niyang damit. Goodbye dress na talaga siya mula ngayon at alam niyang ikatutuwa din iyon ng nobyo. Ngunit nang makarating siya sa school ay sinalubong siya ng seryosong mukha ni Mico. Inaya siya nito sa kotse upang mag-usap. " Kailan mo ba balak sabihin sa'kin?" anito na titig na titig sa manibela ng kotse. " Ang alin?" Napaigtad siya ng bumulyaw ito kasabay ng paghampas nito sa manibela. " God, Camilla! Kelan ka pa natutong magsinungaling sa'kin, ha?!" Ito ang unang pagkakataong makitang magalit ng ganoon ang nobyo. " Ano bang sinasabi mo, linawin mo nga?!" Inis niya na ring singhal dito. " Kailan mo ba balak sabihin sa'kin na nakabukod na pala kayo ng g*gong iyon ng bahay?! Or else wala ka talagang balak because you enjoy the moment, right?!" sarkatikong turan pa nito. Hindi niya alam kung kanino at paano nalaman nito ay wala siyang ideya. Kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito dahil sa galit. " K-kahapon lang kami lumipat at biglaan iyon," aniya sa mahinahon nang boses. " Oh, really? How's your first night? Did you enjoy having s*x with him, huh?!" Bigla ay naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo sa kaniyang ulo kaya nasampal niya ito ng malakas. " Hindi ko akalaing ganiyan pala ang tingin mo sa'kin!" Naiiyak niyang turan sa lalaki. Hindi kaagad nakaimik si Mico. Natulala ito habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Napansin pa niya ang pagsungaw ng luha nito sa mga mata. Maya-maya ay tila nanghina ito. " Nung una akala ko okay lang sa'kin, akala ko kaya ko, hindi pala! Hindi ko alam, Camilla kung hanggang kelan ka magiging sunud-sunuran sa bestfriend mo at maisip mo naman ang nararamdaman ko," anito sa malungkot na boses. Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita. " Para na kong mababaliw sa kakaisip na ang girlfriend ko ay may kasamang iba. Hindi ganito ang gusto ko!" anito na muling tumingin sa kaniya. " I give up!" Napamaang siya sa huling tinuran nito. " Nakikipag break ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya. Umiwas ng tingin sa kaniya ang lalaki at hindi umimik. Naramdaman niya ang paglandas ng luha niya sa mata. Ang hindi pagsagot ng lalaki ay tanda na nakikipaghiwalay na nga ito at sobrang sakit nun para sa kaniya. Hindi niya na hinintay pa na magsalita ito at lumuluhang lumabas na siya ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD