HINDI napigilan ni Camilla na pagmasdan si Damon habang abala sa pagluluto kaharap ang Ina. Tahimik siyang nakaupo lang sa lamesa habang naaamoy na ang mabango nitong niluluto ngunit hindi talaga doon nakatuon ang kaniyang atensyon, kundi sa lalaki. Sa di malamang dahilan ay kung bakit bigla ay napukaw ang kaniyang atensyon sa taglay na kakisigan nito. At kailan pa siya humanga sa isang lalaking may hawak na sandok habang nakasuot ng apron? Hindi niya mapigil ang lihim na matawa dahil sa naisip. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kaniya.
" Halika, Camilla. Tikman mo ang luto ng asawa mo, ang sarap!" untag sa kaniya ni Mrs. Villaruiz.
Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki kaya lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Napilitan siyang tumayo para lumapit sa dalawa.
" Alam mo, iha? Itong si Damon ko mula pa pagkabata genious na pagdating sa pagluluto kaya sabi ko noon napakswerte ng mapapangasawa niya," anang matanda.
" Mom,sobrang papuri na iyan, ah?" nangingiting tugon ni Damon.
Naglagay ito ng kaunting ulam sa kutsara at inilapit sa kaniya para isubo.
" Tikman mo kung okay na," anang lalaki.
Napilitan siyang ngumanga dahil nakatingin ang Ina nito. Thumbs-up talaga siya sa sarap ng niluto ng lalaki,hindi siya nakaimik habang ninanamnam ang masarap na lasa noon. Gusto niya tuloy isipin na ang kakayahan nito ay isa sa pang-akit nito sa mga babae.Alam niyang magtatagumpay talaga ito sa itatayong restaurant. Matapos nun ay sabay-sabay na rin silang kumain. Ilang oras pa ang lumipas ay nagpasya na rin silang umalis.
" Mga anak dadalasan niyo ang dalaw dito, ah? And i hope pagbalik niyo may goodnews na kayo sa'kin!"
" Anong goodnews ba ang gusto niyo?"
" Syempre gusto ko na ng apo!" bulalas ng matanda.
Nagkatinginan sila ng makahulugan ni Damon at sabay pang napangiti.
" Sige na mommy, alis na kami."
" Bye na po, mommy," aniya.
Sa kalooban niya ay muli siyang binagabag ng konsensya dahil alam niyang maghihintay lang ito sa wala.
" Huwag mo nang isipin iyon," wika ni Damon na tila alam ang nasa isip niya.
" Nagi-guilty lang ako. Napakabait kasi ng mommy mo tapos niloloko lang natin. Ano kaya kung aminin na natin sa kaniya?"
" Huwag na muna ngayon, Camilla."
Muli niyang napansin ang seryosong mukha nito. Kapag pala seryoso ang lalaki ay lalo itong nagiging gwapo. Muli na naman siyang natawa sa sarili dahil puro magagandang katangian nito ang napapansin niya nitong mga nakaraang araw.
Muling lumipas ang mga araw, naging abala na silang dalawa dahil sa pagbubukas nila ng restaurant. Unang pagbubukas pa lang nila ay hindi nila agad inaasahan ang pagdagsa ng maraming costumer. Sa umpisa ay iilang employer lang ang nai-hire nila ngunit napansin nila na palaging maraming dagsa ng costumer kaya nagdagdag pa sila ng ilang tauhan.
" Congrats, pare! Ayos, ang swerte mo pala sa ganitong negosyo, ah?" nangingiting papuri ni Zeke nang minsan itong pumasyal sa kanilang resto.
" And this is all because of you, thank's sa tulong pare. Kundi dahil sa'yo hindi ko maiisip ang ideyang ito."
Napansin nya ang ganap na tuwa sa mukha ni Damon.
" At dahil diyan, we celebrate after this!"
" Sure!"
" Hoy, Damon baka umuwi ka na naman na lasing na lasing sa bahay, ah?" puna niya sa lalaki.
" Hindi ka ba sasama sa'min, Camilla?" tanong ni Zeke.
" No. Tayo na lang pare hindi siya pwedeng uminom, " agad na turan ni Damon.
" Whoa! Ang higpit mo namang asawa!" nangingiting tugon ni Zeke.
" At bakit ayaw mo ko isama? Siguro ayaw mong makita ko ang pambababae mo 'no?!" inis niyang puna kay Damon.
Lalong natawa si Zeke sa tinuran niya.
" Pag nalasing ka kasi ang kulit-kulit mo,eh," tugon ni Damon.
Hindi siya kumbinsido sa sinabi nito alam niyang ayaw lang nito makita niya ang pakikipag fling sa ibang girls.
" Basta sasama ako, babantayan kita!"
" Seryoso ka, Camilla? Babantayan mo si Damon?" Paniniyak ni Zeke habang pinipigil ang tawa.
Napapailing na lang si Damon sa tinuran niya.
" Oo, bakit? Wala akong tiwala sa inyong dalawa 'no! Alam ko ang ligaw ng mga bituka niyo, lalo ka na Zeke, naala ko pa dati iyong magkapatid na tinuhog mo!"
" That was a years ago, nagbago na ko!" pagtatanggol nito sa sarili.
" Once a playboy, always a playboy!"
" Hindi ko alam may pagka possessive ka pala, ah?" turan pa ng binata.
Kung alam lang sana ni Zeke kung bakit niya ginagawa iyon, ayaw niyang bigyan ng pagkakataong muling makapambabae si Damon.
Buo na ang loob niya na sumama sa dalawa, napansin niya kasi ang madalas na paglabas labas ng mga ito, mahirap na. Wala na silang gaanong contact kay Athena at baka gamitin pa ng lalaki ang chance na iyon para makapambabae.
Nang gabi ngang iyon ay hinintay niya munang magsara ang resto nila bago siya sumunod sa dalawa. Hindi niya inaasahan ang maaabutan nang datnan niya ang dalawa. Isang seksi na babae na animo modelo ang katabi ni Damon, nakapwesto sila sa order area at masayang nagkukwentuhan habang abala naman si Zeke sa ibang costumer. Nagdadalawang isip siya kung lalapit pa ba siya o hindi ngunit talagang umakyat ang dugo niya sa ulo habang pinagmamasdan ang dalawa. Sobrang disappointed siya. Akala pa naman niya ay nagbago na ito at nagseryoso na sa buhay matapos ang mga nangyari. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang lumapit sa dalawa. Sinadya niya pang pumagitna na ikinabigla ng dalawa.
" Hey! What are you doing?" inis na tanong ng babae.
" Hi love! Kanina ka pa ba?"kaswal na tanong niya kay Damon.
" Excuse me? Nag uusap kami, bastos ka ba? Diyan ka pa talaga pumwesto!"
Binalingan niya ang babae habang nakataas ang kilay.
" Opps! Sorry, hindi ko nakita may kausap pala ang asawa ko?" sinadya pa niyang diinan ang salitang asawa.
" Huh? Sinong asawa mo, naliligaw ka yata miss?" Tumayo ang babae at nameywang.
Pumwesto siya sa gilid ni Damon at yumakap sa braso nito.
" Is that your wife, Damon?" di makapaniwalang tanong ng babae.
" Ahm, by the way this is Camilla my wife," anito nang makabawi sa pagkabigla sa bigla niyang pagsulpot.
Tumaas ang isang kilay ng babae habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. Napatitig din siya dito dahil pamilyar sa kaniya ito.
" Niloloko mo ba ako, Damon? As far as i know si Athena ang girlfriend mo."
Kapwa sila hindi nakaimik. Palaisipan sa kaniya kung bakit kilala nito ang kaibigan.
" Matagal na kaming hiwalay," sagot ni Damon.
" Really? s**t! Bakit ngayon ko lang nalaman?!"
Naaalala niya na, ito iyong babaeng lumalandi kay Damon noong mga highschool pa sila kaya madalas mag away ang dalawa. Sa pagkakaalala din niya, ito ang dahilan kaya nasapak niya ang lalaki. At mukhang nandito na naman ito para manggulo. Napalingon siya kay Damon ng may panunumbat.
" Hindi ako naniniwala sa'yo na asawa mo ang babaeng 'to. She's not your type!"
Natawa siya ng pagak dahil sa tinuran nito. Parang gusto niyang manapak.
" Asawa ko talaga siya, Terry!" nangingiting tugon ni Damon at inangat ang kamay para ipakita ang wedding ring nila.
Ngunit tila hindi pa rin kumbinsido ang babae, hindi ito umimik habang sambakol ang mukha. Naisip niya kung matagal na kaya nagkikita ang dalawa?
" Ahm, by the way that's not important, sobrang nanghihinayang lang ako kasi hindi ko agad nalaman 'edi sana tayo ang nagkatuluyan."
Inis niya itong tinignan, hindi man lang ito nagdalawang isip na sabihin iyon kahit nakaharap siya.
" Just kidding! Biro lang 'yun girl, ah?" humagikhik ito.
Muli siyang tumingin kay Damon na noon ay nangingiti lang at nagkibit ng balikat.
" So, ano bang reason bakit kayo naghiwalay ni Athena?"
" Tingin ko hindi mo na dapat malaman iyon," sarkatiko niyang sagot sa babae.
" Well i have to! Para naman malaman ko kung ano ang dapat kong gawin to win his heart, charot!" Muli itong humagikhik.
Pilit niyang kinalma ang sarili at ngumiti na rin kahit naiirita na siya sa pagpapahiwatig nito kay Damon.
" Well, sorry ka na lang girl. But i already owned his heart."
Muli niyang hinawakan si Damon sa braso nito. Kung hindi kasi siya makikipagsabayan sa kaharutan ng babae ay tiyak niyang patuloy lang nitong lalandiin si Damon at hindi siya makakapayag ng ganun.
" Huwag kang pakakasiguro, girl. Maraming mag asawang naghihiwalay."
" I will make sure na hindi mangyayari sa'min iyon ni Damon 'di ba love?" Binalingan niya ang lalaki na noon ay hindi malaman ang isasagot sa pasaringan nila.
Muling sumimangot ang babae at nilagok ang baso na may lamang alak. Kung tutuusin ay mas maganda talaga ito kesa kay Athena. Makinis ang maputi nitong balat at may magandang hubog ng katawan. At tiyak niyang walang lalaking makakatanggi dito. Lalo pa itong gumanda nang mamula ang mukha nito dahil sa epekto ng alak. Inagaw niya ang hawak na baso ni Damon at nilagok din iyon, hindi niya alam pero inis na inis talaga siya nang mga oras na iyon.
" Hoy, Camilla. Huwag ka masyadong uminom."
" Heh! Wala kang pakialam!" bulong niya kay Damon. " Mag-uusap tayo ng masinsinan mamaya!"
" Teka,galit ka ba?"seryosong tanong sa kaniya nito.
Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito dahil sa gigil.
" Hindi! Tuwang-tuwa ako sa'yo love, ang cute cute mo kasi!"
Ngumiti siya sa babae na nakamasid sa kanila. Lalo itong sumimangot.
" Di ba ang cute niya? Para siyang tuta!"
Umirap lang ang babae at ipinagpatuloy ang pag inom. Maya-maya ay tumayo ito.
" Kung okay lang sa'yo, can i dance with him?"
" No!" mabilis niyang tugon dito.
" Hoy, Camilla. Natatakot ka ba na maagaw ko sa'yo ang asawa mo?! Relax, nagbibiro lang ako kanina kaya sige na ipahiram mo na sa'kin sandali ang asawa mo."
Wala na siyang nagawa nang hilahin nito ang lalaki na agad namang sumama. Napaawang na lang ang bibig niya habang tanaw ang dalawa papunta sa dance floor. Inis na inis siya kay Damon nang mga sandaling iyon.