Chapter 43

1266 Words
NANGINGITI na tila kinikilig ang mga nakamasid sa kanila ang mga nasa paligid. Bakas sa mukha ng nga ito ang pagkainggit sa ka sweet-an na pinapakita ni Damon sa kaniya. Ramdam pa niya ang mainit na kamay na humahawak sa paa niya. " Okay, bagay sa'yo, nagustuhan mo ba?" anito na tila hindi pansin ang mga umuusyoso sa kanila. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa eksena nila, isang gwapo at macho ang nakaluhod sa harap niya habang isinusuot ang sandals sa paa niya. Hindi kaagad siya nakaimik pati siya ay na shock din sa ginawa ng binata. Nang makabawi sa pagkabigla ay mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili, ang bilis ng kabog ng dibdib niya. " Iyan na ba ang pipiliin mo? Okay, wait me here babayaran ko lang." " Oo, sige bahala ka." Napalinga siya sa paligid, nangingiti pa rin ang mga saleslady habang nakatanaw sa kanila. " Okay, back to work tapos na ang palabas," pabulong niyang wika. Nang makabalik ang lalaki ay inaya na siya nito paalis, nagpatiuna pa siya sa paglalakad dahil naiilang pa rin siya sa ginawa nito kanina lang ngunit sinabayan siya nito. Pinilit niya ang sarili na maging kaswal habang kaharap ito. " Bagay na bagay sa'yo iyang mga napili mo, i'm sure lalong mai-inlove sa'yo ang boyfriend mo," nangingiti nitong turan. " Alam mo kung makapang bola ka daig mo pa iyong saleslady kanina!" Naramramdaman niya ang pamumula na naman ng pisngi niya sa papuring iyon ni Damon. " Hindi kita binobola, Camilla,seryoso ako." Umiwas siya ng tingin sa lalaki sa kaloob looban niya ay nakakaramdam siya nang tuwa kahit hindi niya aminin. " Teka nga pala, dumaan muna tayo sandali sa bahay, ihahatid ko lang itong mga pinamili ko para sa kapatid ko." Saka niya lang napansin ang mga pinamili nitong ilang damit para pala ito sa kapatid niya. " Alam mo hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang kapatid mo." " Oo nga pala, hindi ko pa pala siya naipapakilala sa'yo. Palagi lang kasi siyang nasa kwarto." Napansin niya na lumarawan ang lungkot sa itsura ng lalaki. " B-bakit, may sakit ba siya?" " Baby pa lang na diagnose na siya na may cerebral palsy, naapektuhan din ang development ng utak niya kaya at age of 16 para pa rin siyang bata." Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito, bakit ngayon niya lang iyon nalaman na kahit si Athena ay hindi iyon nababanggit. Sa likod pala ng malokong Damon ay nakakubli ang isang malaking dagok sa buhay. Iniwan sila ng ama at ngayon ay may kapatid pa pala itong person with disabilities. Naisip niya tuloy na kaya siguro palaging puro kalokohan ang nasa isip nito ay upang maikubli ang kalungkutan. Nasorpresa pa ang mommy ni Damon ng makita sila, tuwang-tuwa ang matanda. Pareho silang niyakap na animo matagal ulit bago nakita. "' Buti naman at naisipan niyo kaming dalawin dito, anak." " Naisipan muna naming dumaan dito, mom kasi ibibigay ko lang 'tong pinamili ko para kay Ella,aalis din kami agad." " Kararating niyo lang aalis na agad kayo? Saan ba kayo pupunta?" " Meron kaming ka-meeting ngayon for business porposes, we have to be there at 1 pm." "Maaga pa naman, eh. Dito na kayo mag lunch." Tiningnan niya ang wristwach, maaga pa kaya may ilang oras pa sila para mag stay. " Tsaka namimis ko na 'yung luto mo, iho," paglalambing pa rin ng ina ng lalaki. Nag isip ito saglit bago tumugon sa request ng ina. Ngunit saglit muna sila nitong iniwan at umakyat ito sa second floor ng bahay. Natutuwa siyang hinarap ng matanda. " Buti naman iha at sinunod mo ang advice ko na magpaganda ka, look at yourself now your so beautiful!" Nahihiya siyang napangiti sa tinuran ng matanda. " Halika na muna sa sala at mamaya pa bababa ang asawa mo. Ganon talaga kasi iyon tuwing dadaan siya dito hindi pwedeng hindi pupunta sa kwarto ng kapatid niya." Saglit siyang natigilan sa sinabi ng matanda gusto niya ring makita ang kapatid ni Damon. " Pwede ko po ba siyang sundan?" " Ah, oo sige. Maghahanda lang ako ng meryenda niyo." Matapos ay iniwan niya na ang bienan para sundan si Damon. Nakita niya ang pintong nakaawang kaya dahan-dahan siyang pumasok. Nakita niya si Damon na nakaupo sa kama habang kausap ang isang babae na sa tingin niya ay nag aalaga sa kapatid. May special condition ang kapatid nito kaya kailangan may nakatutok na nag-aalaga dito. Marahan siyang pumasok sa loob at tuluyan niyang nakita ang kabuuan ng kapatid ni Damon. " Ikaw pala, halika." Inaya siya ni Damon na maupo sa kama kung saan nakahiga ang kapatid nito. Parang kinukurot ang dibdib niya sa awa habang pinagmasdan ang dalagita. Wala itong kakilos kilos sa higaan at nakatanaw lang sa kawalan. Maganda rin ito, malaki ang pagkakahawig kay Damon, parang babaeng bersyon ni Damon. " Ah, Ella ito nga pala si Ate Camilla mo, ang asawa ko." " Nakakapagsalita ba siya?" " No." Napansin niya ang malungkot na mukha ni Damon. Kumilos ang dalagita at binubuka ang bibig ngunit walang salitang lumalabas mula rito, bahagya rin itong ngumingiti. " Siguro, hindi siya makapaniwala na nag asawa na ko," nangingiting turan ng lalaki. Ilang saglit pa silang namalagi sa kwartong iyon at ipinasukat pa ng lalaki ang mga pinamiling damit para sa kapatid. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang dalawa, kahit ungol lang ang tanging nagagawa nito ay tila naman nagkakaintindihan ang dalawa. Para hindi maistorbo ang dalawa ay saglit muna niya itong iniwan. " Talaga po pa lang mahal na mahal ni Damon ang kapatid niya 'no?"aniya sa matanda nang muli niya itong makaharap. " Totoo 'yun, even when they were children he took care of Ella. And even now that he's married hindi pa rin siya nawawalan ng time sa kapatid niya." Napansin niya na bumakas ang lungkot sa mukha nito. " Sa totoo lang sobrang naawa ako sa anak ko. I know he was hurt too much when his Daddy left us. But i did not hear any complain from him,he still supported us and served as father for Ella." Bigla ay na guilty siya sa mga p*******t na ginawa niya dati sa lalaki. Masyado niyang hinusgahan ang pagkatao nito. " Kaya i'm really thankful talaga na dumating ka sa buhay ng anak ko, huwag mo siyang iiwan, iha." Sa kaloob-looban niya ay nakaramdam siya ng takot, paano kung malaman nito na palabas lang nila ang lahat? Napahinto sila sa pagkukwentuhan ng dumating si Damon. " Oh, mom baka sinisiraan niyo na ko sa asawa ko,ah?" pabirong wika ni Damon sa kanila. Napatitig siya sa lalaki, bakit parang nawiwili na yata ito sa pagtawag sa kaniya bilang asawa? Hindi niya napigilan ang mapangiti. " Ano naman ang isisira ko sa napakabait kong anak? Parang wala naman yata?" natatawang tugon ng ina. " Mommy, ah binobola niyo ko. Siguro may kasalanan kayo, uminom ka na naman ba, mommy?" Mabilis na napailing ang matanda bilang pagtanggi. Natatawa naman siya habang pinagmamasdan ang dalawa. " Anak naman, huwag mo naman akong ipahiya sa asawa mo, baka sabibin niya lasinggera ako!" nahihiyang tugon ng ina. Agad namang inakbayan ni Damon ang ina. " O sige na, mom. Ano ba gusto mong kainin ngayon? I will cook it for you," anito na iginiya na papunta sa kusina. Nagulat pa siya nang maski siya ay akbayan nito nang mapatapat sa kaniya kaya sabay-sabay silang pumasok sa loob ng kusina. Hindi na siya nakatanggi sa ginawa nito at nagpatangay na lang din. Ayaw niya namang sirain ang magandang araw na iyon para sa mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD