MARAHANG tinulak ni Camilla ang nobyong si Mico matapos siya siilin ng halik nito. Mukhang nakakalimutan yata ng binata na wala na sila sa resort at nasa harap na sila ng bahay na tinutuluyan nila ni Damon.
" Babe, naman nandito na tayo sa bahay, umayos ka nga," saway niya sa nobyo.
" Why? There was no one around," nangingiting tugon ng lalaki.
" Mabuti na iyong nag iingat."
Pagkasabi noon ay bumaba na siya ng kotse kasunod ng binata. Hinatid siya nito sa loob at naabutan nilang nasa balkonahe si Damon at nakatanaw sa kanila.
" Oh, Damon nandito ka na pala?"
" Oo, kanina pa, mukhang ginabi kayo,ah?" pang-uusisa ni Damon.
" Siguro naman walang masama doon 'di ba?" Walang kangiti-ngiting tugon naman ni Mico.
Natawa ng pagak si Damon. " Of course, ang importante naihatid mo siya."
" So, okay lang sa'yo na halos araw-araw akong pumupunta dito para sunduin at ihatid siya?" paniniyak ni Mico.
" Oo naman!" Agad na tugon ni Damon.
Lumapit si Mico kay Damon para makipagkamay.
" Salamat, dude. Okay ka naman pala, eh!" nangingiting sambit ni Mico.
Nakahinga ng maluwag si Camilla, ang akala niya kasi ay magseselos na naman si Mico at aawayin si Damon.
" Okay na tayo, ah? Don't get jealous on me." Matapos ay nakipag peace bomb naman si Damon.
" Okay! It's a deal!"
" Sige na Mico, medyo late na umuwi ka na," aniya sa lalaki.
Matapos ay tumalikod na ang binata para lisan ang lugar na iyon. Tanaw nila ito hanggang sa makaalis ang kotse.
" Okay naman pala iyong boyfriend mo,eh."
" Kaya lang naman siya nagkakaganon dati kasi pinagtitripan mo!"
Natawa ang lalaki sa tinuran niya. Maya-maya ay sumeryoso ito.
" Teka, bakit nga pala hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko sa'yo?" kunot-noong tanong nito.
" Tumatawag ka ba?" Agad niyang dinukot sa bag ang cellphone at nakita nga niyang maraming missed calls ang lalaki.
" Grabe ka, ang dami mong text at missed calls ano bang problema?" Inis niyang tanong ng makita na halos sumabog na ang cellphone sa dami ng missed calls ng lalaki.
" Ako dapat ang magtanong sa'yo, why you didn't anwering your phone?Akala ko kung napano ka na."
" Maaano ba ako? Huwag ka ngang oa, kasama ko lang naman si Mico!"
" Ano ba kasing ginagawa niyo at hindi mo narinig ang ring ng cellpone mo?"
Natigilan siya at agad na nag isip. Malamang iyon iyong time na may ginagawa silang kababalaghan ni Mico kaya hindi niya narinig ang ring dahil doon ay pinamulahan siya ng mukha na hindi naikaila kay Damon. Umiwas ng tingin si Damon sa kaniya na tila nahulaan agad ang iniisip niya.
" Hayy! Stupid question, bakit ko nga ba tinatanong ang mga ganong bagay?"
Inirapan niya ito matapos ay tumalikod na dahil hindi na siya komportable sa nagiging takbo ng usapan.
" Tungkol nga pala sa bagay na iyon," mabilis nitong wika kaya natigilan siya at napalingon. " Kasi -k-kanina-"
Hindi nito natuloy ang sasabihin, tila ito nag-aalangan dahil bahagya itong natigilan.
" Ano iyon?"
Sumeryoso ang mukha ng lalaki matiim na napatitig sa kaniya.
" Na-nakita ko kasi kayo kanina,sa loob ng kotse."
Muli siyang pinamulahan ng mukha dahil alam niya ang tinutukoy nito.
" Ahm, kung pwede sana-kasi ano, alam mo na, kailangan din natin mag ingat 'di ba?"
"Nakakainis! Bakit ba palagi niya kaming nakikita ni Mico na naghahalikan? Pangatlo na 'to, ah!"
" Ang hilig mo talagang manilip, 'no?!"
" Hindi 'no! Aksidente ko lang nakita."
Hindi na siya umimik, tumalikod na siya dahil sa hiyang naramdaman.
" Gumising ka nang maaga bukas, ah, maaga tayong aalis." Pahabol na wika ng lalaki.
Nang makapagpalit ng damit ay agad na siyang nahiga sa kama. Muli niyang naalala ang mga sinabi ni Damon, baka isipin pa nito na kung saan-saan na lang siya nakikipaghalikan.
" Eh, ano naman? Boyfriend ko naman 'yun,ah? Siya nga, eh kung sino sino hinahalikan!"
Bigla ay sumagi sa isip niya nang minsang mayakap at mahalikan siya nito nung lasing ang lalaki. Nung pinilit niyang makawala ngunit hindi niya kinaya dahil malakas ito. Hindi lang simpleng halik ang nangyaring iyon kundi isang maalab na halik. At minsang nakulong siya sa bisig ng lalaki.Nanlaki ang mata niya sa naisip.
" Nye? Bakit bigla kong naalala iyon?!"
Pinilit niyang makatulog nang gabing iyon, nakaranas lang siya ng romansa sa boyfriend ay kung ano ano na ang naiisip niya.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising katulad ng paalala sa kaniya ni Damon. Inaasahan niyang maaabutan si Damon sa kusina ngunit wala pa rin ito.
" Hah! Tinanghali ng gising ang loko."
Naisipan niya na lang na magluto para sa kanilang agahan. Masyado na siyang nahihiya kay Damon dahil ito ang laging nagluluto ng pagkain nila. Marunong din naman siyang magluto kahit na pa-prito prito lang.
Pasipol-sipol siya habang ginagawa iyon nang datnan siya ni Damon. Bagong gising lang din ito dahil sa gulo-gulo nitong buhok.
" Uy! Himala, anong nakain mo at naisipan mong magluto,ha?" nangingiting bungad ng lalaki.
Napatitig siya sa gwapong mukha nito kahit na magulo ang buhok ay gwapo pa rin ito. Bumaba ang paningin niya sa mapula nitong labi.
" Wow, bacon!" tinangka nitong damputin ang bacon na nasa platito kaya agad niyang tinapik ang kamay nito.
" Aw! Anong problema?"
" Maghugas ka muna ng kamay,' no!"
Nang makalingat siya ay muli nitong kinuha ang bacon.
" Gutom na ako, eh. Hindi nga pala ako nakapag dinner kagabi."
" Eh, kasi uminom ka ng uminom ng alak kaya nakalimutan mo nang kumain. Isusumbong talaga kita kay Athena!"
Nagulat na lang siya ng hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi para bugahan ng hininga nito.
" Oh, ano amoy alak ba?" nangingiti nitong tugon.
Natulala siya sa ginawa ng lalaki, dahil nasinghap niya ang mabangong hininga nito. Mabilis din siya nitong binitawan pagkatapos ng ginawa at agad na umalis sa harapan niya.Ang totoo kahit amoy alak pa ang bibig nito noong mahalikan siya ay napakabango pa rin noon para sa kaniya. Pumunta ito sa lababo para magtoothbrush. Nang makabawi sa pagkabigla ay hinampas niya ito ng sandok sa ulo.
" Siraulo ka talaga, hiningahan mo ko sa mukha hindi ka pa pala nagtotoothbrush, bastos!" Inis niyang singhal sa lalaki.
Tanging malakas na tawa lang ang narinig niya mula sa lalaki. Nang matapos ito ay bumalik ito sa lamesa na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. Hindi niya maiwasang mapatitig sa mapula nitong labi na minsan niya ng natikman.
" Ang sakit nun, ah. Ikaw kasi palagi mo na lang ako pinagbibintangan na uminom."
Hindi niya maintindihan ang sarili, nitong mga nakaraang araw ay napakagwapo na ni Damon sa kaniyang paningin. Maging ang matikas na katawan nito ay nagagawa niya na ring mapansin. Hindi siya umimik, sinamaan niya lang ito ng tingin.
" Okay, sorry na huwag ka na ma badtrip diyan. Hayaan mo mamaya ibibili kita ng mga gamit na kailangan mo," nangingiti pa rin nitong wika.
" Wala akong kailangan, 'no!"
" Meron. Baka nakakalimutan mo ikaw ang magma manage ng business ko kaya dapat lang maayos ang mga damit mo."
" Marami pa kong matinong damit!"
" Alin? Yang maluluwag mong mga tshirt na may print pang angry birds at stitch? Nasaan na ba iyong mga dress mo? Bagay na bagay sa'yo iyon."
Natigilan siya sa papuring iyon ni Damon, may kilig siyang naramdaman.
" Ayoko na isuot iyon!" pagtataray pa rin niya.
" When it comes to business you have to look elegant kasi marami kang costumer na haharapin."
Oo nga pala, si Damon ang boss at owner ng business na ima-manage niya kaya dapat ito ang masunod. Hindi niya na nagawa pang tumutol sa bagay na iyon. Muli itong dumampot ng ulam sa platito saka tumayo.
" Maliligo na ako, maghanda ka na rin pagkatapos mong kumain."
Tumalikod na ito para umakyat sa sarili nitong kwarto.
" I have to be elegant? Oa naman 'nun!"
Sarado pa ang mall ng marating nila dahil napaaga sila ng punta. Abala si Damon sa cellphone nito habang siya ay nakatanaw sa harap ng shopping mall.
" Mukhang masyado tayong maaga Damon."
Tumingin ang lalaki sa wristwatch at luminga sa paligid.
" Okay na iyon, iwas crowded. Isa pa after this marami pa tayong kailangang puntahan."
" Gaya ng?"
" We have to do a canvass para sa supply ng foods natin. May nai-recommend na si Zeke sa'kin at iyon ang pupuntahan natin."
Ilang saglit pa ang lumipas ay nagbukas na rin sa wakas ang mall. Dumiretso sila sa clothing area para bumili ng mga damit niya. Agad itong dumampot ng ilang blouse at inabot iyon sa kaniya.
" Isukat mo," anang lalaki.
Nagustuhan niya ang mga design ng blouse na inabot nito kaya walang pag-alinlangang kinuha niya iyon.
May lumapit na saleslady sa kanila para i-assist sila.
" Miss, pwedeng pakitulungan ang asawa ko sa pagpili ng mga damit na babagay sa kaniya?"
Hindi niya alam kung bakit ngunit may hatid na kiliti sa kaniyang puso dahil muli na naman siya nitong ipinakilala bilang asawa.
" Okay, sir. Ako na po ang bahala sa kaniya," magiliw na tugon ng babae.
Tumalikod na ang lalaki para mamili ng iba pang bibilhin. Nakangiti siyang hinarap ng babae para tulungan sa pamimili. Isang mini skirt na balloon ang inabot sa kaniya ng babae.
" Ito po maam mukhang babagay po diyan sa blouse na napili niyo, isukat niyo na po."
Kinuha niya ito para isukat nang matapos ay agad na namangha ang babae sa itsura niya.
" Wow! Ang ganda niyo, maam siguradong hindi kayo makikilala ng mister niyo," tila kinikilig pa.
Natatawa na lang siya sa sinabing iyon ng saleslady. Alam niyang part iyon ng trabaho ng babae,ang mambola ng costumer. Inabutan din siya nito ng ilang dress para isukat gaya nung una ay napahanga rin ito. Sa huli mas pinili niyang isuot ang una niyang sinukat. Maya-maya lang ay dumating na si Damon, natigilan pa ito ng makita siya. Nakaramdam siya ng pagkailang nang pagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.
" Bagay na bagay po sa asawa niyo, sir!"
Tanging ngiti lang ang naging tugon ni Damon. Inabot na rin ng saleslady ang ilan pang damit na napili nila. Napansin niya rin ang ilang damit na bitbit nito.
" Okay na 'tong isa Damon," aniya sa lalaki ng kunin ang inabot ng saleslady.
" It's okay. If you want pumili ka pa ng mga gusto mo."
" Huwag na, nakakahiya naman!"
" Si maam naman nahihiya pa sa asawa niya," singit ng babae.
Nagkatinginan na lang sila at nagkatawanan sa isa't-isa. Matapos ay pumunta na sila sa counter para bayaran ang pinamili. Matapos ay namili na rin sila ng sandals na gagamitin niya. Alumpihit pa siyang kumilos dahil nakakaramdam na rin siya ng hiya sa lalaki kaya ito na mismo ang nag-abot ng sandals para maisukat niya. Pumwesto siya ng pagkakaupo para isukat ang sandals, bahagya pa siyang nahirapan sa posisyon niya kaya ang lalaki na mismo ang gumawa nun para sa kaniya. Ibinaba nito ang pinamili para tulungan siya. Lumuhod pa ito sa harap niya at ito na mismo ang nagsuot sa paa niya. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad siya nakakilos. Hawak ni Damon ang paa niya habang isinusuot nito ang sandals.