Chapter 41

1640 Words
NANG makabawi sa pagkabigla ay agad na iniwas ni Camilla ang tingin sa katawan ni Damon. " Um, ano- kasi. A-akala ko hindi ka umuwi." Hindi niya alam kung bakit nauutal siya,nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon ng mga oras na iyon. Pumunta ito sa harap niya habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok. Nanlaki ang mata niya sa ganda ng katawan nito, nasamyo pa niya ang mabangong amoy nito. Unang pagkakataon na makakita siya ng katawan ng lalaki in person at ganoon pala ang pakiramdam kapag nasa harap na mismo " Late na ako nakauwi at take note hindi ako uminom gaya ng bilin mo." " Ah, b-buti naman," aniya at akmang lalabas na. " Teka, ano nga bang kaylangan mo at pumasok ka dito sa kwarto ko?" pigil nito sa kaniya habang hawak siya sa braso. Agad niyang binawi ang braso sa pagkakahawak nito. " Sinabi ko na 'di ba? Akala ko hindi ka umuwi, kulit mo!"singhal niya at mabilis na lumabas ng kwarto. " Ang aga mo na namang magsungit, meron ka ba ngayon, ha?" narinig niyang pahabol na wika nito ngunit hindi niya na ito sinagot. Agad siyang bumalik sa sariling kwarto at naupo sa kama. " Baliw ka talaga, Camilla! Ano bang nakain mo at bigla ka na lang pumasok sa kwarto niya? Kainis!" bulong niya sa sarili. Hindi niya napigil na ibalik sa isipan ang magandang katawan ng binata at ang gwapong mukha nito ngunit agad niyang pinalis iyon sa kaniyang isipan. Tinungo na lang niya ang Cr para maligo. Baka kasi may pupuntahan na naman sila ng lalaki kung sakali ay nakahanda na siya. Habang naliligo ay hindi niya mapigil ang sarili na muling isipin ang nangyari kani-kanina lang. Pinilit pa niyang isingit sa isipan ang nobyong si Mico para kahit paano ay matuon ang atensyon niya dito. Inis na inis siya sa sarili niya kung bakit okupado ngayon ni Damon ang isip niya. Nang matapos ay agad na rin siyang bumaba, naabutan niya si Damon na nakabihis. Pinilit niyang maging kaswal sa harap nito. " May lakad ba tayo ngayon?" tanong niya. " Sa ngayon hindi na muna, may iba akong lakad, eh. Magpahinga ka na muna, tutal ilang araw din tayong umaalis." " Saan ka pupunta?" kunot noo niyang tanong. " Kasama ko si Zeke." " Naku, ikaw,ah? Nadadalas ang punta mo sa bar ng kaibigan mo, siguro may pinopormahan ka dun, 'no?"aniya na nakapameywang pa. Ngunit natawa lang ang lalaki sa tinuran niya. " Porket wala na si bes, feeling mo single ka na ulit? Hoy, Damon 'wag mo nang subukang mambabae!" " Of course not, takot ko lang sa'yo." Ngumiti ito ng pilyo. Lalo siyang nainis sa nakakalokong ngiti nito. Wala na ang kaibigan tiyak niyang magagawa na nito ang lahat na gustuhin. Marahil ay babalik na ito sa dating gawi,ang pagbibilang ng babae. Pinagmasdan niya ang itsura ng lalaki. Napakakisig nito sa suot na polo na may mahabang manggas, bahagya niya ring nasilip ang mabalahibo nitong dibdib. Napansin naman ng lalaki ang mapanuri niyang tingin kaya muli itong natawa. " It's just about business kaya ako pumupunta kay Zeke. Ayoko naman kasi siyang istorbohin kaya ako na mismo ang pumupunta doon." Ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa paliwanag nito. " Hayy! Napakaselosa naman ng asawa ko," natatawang turan nito na kunwa ay napakamot pa sa ulo. Alam niyang biro lang iyon ng lalaki ngunit bakit parang nagugustuhan niya ang birong iyon? Nanlaki ang mata niya sa naisip. " Sige na alis na ko, baka naghihintay na sa'kin si Zeke, eh. May ginawa akong sandwich, kumain ka," anito matapos ay tumalikod na. Tulala pa rin siya hanggang sa makaalis na si Damon. Hindi niya maintindihan ang sarili, alam niyang palagay na ang loob niya sa lalaki ngunit dapat ay nagalit siya sa biro nito ngunit bakit parang nagugustuhan pa niya? Kusang gumalaw ang mga paa niya para tunguhin ang kusina saka nagpasyang kumain. Sarap na sarap talaga siya sa ginagawang sandwich ng lalaki. Sa tagal ng pagsasama nila sa iisang bahay, kahit kailan ay hindi niya pa nagawa itong maipagluto. Tanging ang lalaki lang ang nag e-effort para makakain sila. Noong una akala niya ay magiging impyerno ang magiging buhay niya kasama ito ngunit kabaligtaran ng kaniyang iniisip, dahil kahit paano ay nasasanay na siya kasama ito. May natural pala na kabaitan ang binata kaya panatag na siya, kaya niya nang tiisin ang dalawang taon kasama ito. " Buti naman at nagkaroon ka na ng time sa'kin. Akala ko nakalimutan mo na ako,eh." May himig na pagtatampo na wika ni Mico. Pinuntahan niya ang mama niya sa mansion para bumisita nang makatanggap siya ng text mula sa nobyo. " May ibang nilakad kasi si Damon kaya rest day ko ngayon." " Ngayon pa nga lang hirap na akong makasingit sa oras mo, paano pa kaya kung magsimula na ang operation ng resto niyo?" " Babe? Ang aga naman ng rants mo,ngayon nga lang ulit tayo nagkasama aartehan mo pa ako?" " At sinong umaarte, ha? Halika nga rito." Hinila siya nito at niyakap. " Sobrang na mis lang kita." Dinama niya ang mainit na yakap nito, sobrang na miss niya rin ang nobyo. Matagal rin kasi bago niya ito muling nakasama dahil naging abala sila ni Damon. " Eh, 'di sulitin na lang natin ang araw na ito na magkasama tayo," malambing niyang tugon. " So, anong gagawin natin ngayon?" nakangiti nang tanong ng lalaki. " Ano bang gusto mo?" Lalong lumapad ang ngiti ng nobyo at agad niyang nabasa ang nasa isip nito kaya nakurot niya ito sa tagiliran. Masuyo siya nitong hinalikan sa labi na agad din naman niyang ginantihan. Marahan siyang inihiga nito sa mahabang upuan habang patuloy na hinahalikan. Kasalukuyan silang nasa cottage at dahil private resort iyon sila lang ang tanging tao na naroon. Napasinghap siya nang bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg. Ito ang unang pagkakataon na ginawa iyon sa kaniya ng nobyo sa ilang buwang relasyon nila. Kakaibang kiliti ang hatid sa kaniya ng ginawang iyon ng lalaki, palibhasa ay first time niya. Ramdam niya sa bawat dampi ng labi nito ang pananabik. Muli nitong sinunggaban ang labi niya at inangkin habang ang dalawang kamay nito ay nagsimula na ring mamasyal sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Napayakap siya sa leeg nito habang ginagantihan ng mapusok na halik ang labi nito. Naramdaman niya na ipinasok nito ang isang kamay sa loob ng kaniyang damit at agad na kinapa ang kaniyang dibdib. Ganoon pala kasarap sa pakiramdam. Mas lalo pa niyang pinanabikan ang susunod pa nitong gagawin, gusto niyang ma-experience ang ligayang hatid ng romansa kahit half body lang dahil hindi pa siya handang magpaangkin sa binata. Hindi na nakatiis ang lalaki ay agad nitong inililis ang suot niyang damit, nagtagumpay na rin itong tanggalin ang strap ng suot niyang bra. Matapos nun ay walang pag-aalinlangan na sinunggaban ang kaniyang dibdib kaya muntik na siyang mapamura sa ligayang naramdaman. Napakagat-labi siya nang nilaro laro ng dila nito ang kaniyang n**ple kaya hindi niya napigilan ang mapaungol. Gusto niyang mawalan ng ulirat sa napakasarap na pakiramdam. Binukas niya ang mata para pagmasdan ang lalaki sa ginagawa nito. Para itong bata na nakasubsob sa kaniyang mayamang dibdib. Nang magtama ang mga mata nila ay muli siya nitong hinalikan sa labi habang patuloy na nilalaro ng mga kamay nito ang magkabila niyang dibdib. " I think i can't take this anymore, can we do this now?" bulong nito sa kaniyang tenga. Pakiramdam niya ay matatangay na siya sa sensasyong nararamdaman ngunit nagpigil siya. Okay na siya sa ganitong experience. Tumingin ito sa mga mata niya kaya umiling-iling siya. Hindi pa siya handang magpaangkin sa lalaki dahil natatakot siyang mabuntis. " s**t, babe, binitin mo naman ako, pinasakit mo lang ang puson ko." " Baka mabuntis mo pa ako, 'no?" " Eh, 'di mas okay para sure na ako na sa akin ka na talaga," namumungay ang matang sagot ng binata. " Sa'yong sayo lang naman talaga ako at hindi na magbabago iyon." " Promise iyan? Because i think i'm going crazy when i loose you." Muli siya nitong siniil ng mainit na halik sa labi. Muli silang naging mapusok sa isa't-isa. Hindi na siya tinigilan pa ng lalaki at nakontento na lang ito sa ganoong eksena. ** Kunot ang noo ni Damon habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Kanina niya pa kasi tinatawagan si Camilla ngunit hindi nito sinasagot. Kasalukuyan pa rin siyang nasa bar ni Zeke, hindi na siya maharap nito dahil dumagsa na ang maraming costumer pag ganoong oras. Kaninang tanghali pa niya tinatawagan si Camilla ngunit hindi ito sumasagot at nag-aalala na siya dahil doon. Dati naman isang text lang niya ay sumasagot kaagad ito. Napatingin siya sa wristwatch, pasado alas sais na pala ng hapon. Tumayo na siya at nagpaalam kay Zeke na uuwi na. " Ano kaya nangyari at hindi man lang siya sumasagot?" aniya sa sarili at ini-start na ang kotse. Madilim na siya nang makarating ng bahay. Madilim sa loob kaya alam niyang wala doon ang babae. Inilagay niya sa lamesa ang mga pagkain in-order niya sa restaurant para sana sabay silang kumain ni Camilla. Nagpasya na lang siyang sa labas abangan ang pagdating nito. Kung hindi lang ito nakatira sa poder niya ay hindi siya mag-aalala ng ganito, isa pa mahigpit ang bilin sa kaniya ni Athena na alagaan ang babae. Maya-maya lang ay isang kotse ang huminto sa harapan ng gate ng bahay nila. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang dalawa na sakay noon, kasama pala nito si Mico kaya dedma siya nito. Napapailing na lang siya habang nangingiti na nakatanaw sa mga ito. Papasok na sana siya sa loob ngunit natigilan siya at napakunot ang noo ng makitang naghahalikan ang dalawa. Sinubukan niyang umiwas ng tingin ngunit napako ang mata niya sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD