Chapter 40

1661 Words
UNTI-unting gumaan ang loob ni Camilla para kay Damon. Napansin niya kasi ang pagsisikap nito para sa hinaharap kasama si Athena. Ang dating alaskador, playboy at mayabang na Damon ngayon ay nagseseryoso na sa buhay, hindi na ito mapang-asar gaya ng dati kaya naman nagiging palagay na siya kasama ito. " Kung hindi pa umalis si Athena hindi pa magseseryoso sa buhay," aniya. Tanaw niya ito habang kausap ang isang lalaki na nagmamay-ari ng commercial building na kinaroroonan nila. Balak kasi nilang magrent muna ng space para sa kanilang resto dahil hindi sapat ang kanilang capital para magpatayo ng sariling building. Nagpasya na rin siyang lumapit sa dalawa para marinig niya ang usapan. " Okay, next meet natin i will show more details and the contract for signing," anang lalaki. Inilahad nito ang kamay kay Damon na tinanggap naman nito. " Okay sir, we're looking forward to meeting you again." " Thank you very much, sir!" " Oh, by the way this is my wife." Awtomatikong napataas ang isang kilay niya sa pagpapakilala na ginawa ni Damon. Ipinakilala siya nito bilang asawa na hindi niya lubos na inaasahan. " Glad to meet you, Mrs. Villaruiz, i'm happy to have a business with you." Nakipagkamay ito sa kaniya. Inilahad niya ang kamay saka ngumiti na lang. " It seems like you two are newly wed and aiming for sucessful career!" " Ah, yes for our future!" sagot ni Damon at nakangiting napatingin sa kaniya. Muling nagpasalamat ang lalaki saka tumalikod na. Kita niya sa mukha ni Damon ang labis na tuwa dahil sa pangarap nito na natutupad na. " We're lucky kasi nakuha natin 'tong building sa murang presyo," anito na hindi mapawi-pawi ang ngiti. " Ganon ba? Ayos 'yun." " Oo. Pero hindi naman 'to forever. Pag malaki na ang income natin makakaipon na tayo ng pera, so we can afford to build our own." Napatango-tango lang siya sa sinabi nito. Pakiramdam niya talaga ay kasama siya sa pangarap nito na kung tutuusin ay tauhan lang naman siya ng lalaki. " Okay,tara na. Kumain muna tayo, nagutom ako sa pakikipagtawaran doon,eh!" anito habang himas ang tiyan. Sakto gutom na rin siya dahil kanina pa sila nagpaparoot-parito ng lalaki. Maraming in-order na pagkain si Damon para sa kanila, ayon dito ay kailangan nilang i-celebrate ang nalalapit na pagkakaroon nito ng sariling business. Namimilog ang mga mata niya sa masasarap na nakahain sa mesa kahit ang iba ay hindi naman pamilyar sa kaniya. Mataman niyang pinagmamasdan ang lalaki habang kumakain. Seryoso ito habang kumakain na para bang kumukuha ito ng idea para sa magiging recipe nila. Marami na rin naman siyang natikmang mga luto nito at lahat iyon ay masasarap kaya alam niyang papatok iyon sa negosyo nito. " Bakit nga ba ngayon mo lang naisip na magtayo ng restaurant?" " May doubt pa kasi ako noon iniisip ko baka hindi ko kayanin. Na encourage ako dahil kay Zeke." " Ang totoo? Hindi ko akalaing magseseryoso ka ng ganyan sa buhay akala ko kasi puro lang kalokohan ang alam mo!" " Ikaw, eh, masyado mo kong jina-judge. Hindi naman porket pogi ako wala na akong patutunguhan," nakangiting turan ng lalaki. " Naku, nagyabang na naman siya," bulong niya ngunit natawa lang si Damon. " Kumain ka na nga lang, ito, oh tikman mo 'to ang sarap." Sinubuan siya ng lalaki, hindi na niya nagawang makatanggi dahil nasa bibig niya na ito. " Alalahanin mo, ikaw ang magiging taga tikim ko sa lahat ng gagawin kong recipe kaya be ready." Hindi na siya nakaimik pa habang ngumunguya dahil talagang napakasarap ng pagkain. Kasakukuyan silang kumakain ng tumunog ang cellphone ni Damon. Tumatawag si Athena sa messenger ng binata. " Hi, Hon! Magkasama kami ni Camilla ngayon," anang lalaki habang nakatingin sa screen ng cellphone. Iniharap sa kaniya ni Damon ang screen kaya kinawayan niya ang kaibigan. " Hi,bes!" " Hello, bes! Parang ang saya niyo diyan,ah? " Good news, hon. May nakita na kaming building para sa restaurant. Sa ngayon, kailangan muna naming magrent hindi pa kasi afford to have our own." " Good job hon. I'm so happy for you. By the way, mis na mis ko na kayo." May lungkot sa boses na turan ni Athena. Ipinuwesto ni Damon ang cellphone kung saan pareho nila nakikita sa screen si Athena. " Eh, 'di umuwi ka na. Tulungan mo na lang ako sa restaurant natin, hon." Pilit na ngumiti si Athena at pinasigla ang boses. " Nandiyan naman si Bes, eh, kayang-kaya niyo iyan!" Pinilit na ngumiti ni Damon at napabuntong hininga na lang. " Bes, mukhang happy at contented ka na diyan, ah?" Napansin niya na lumarawan ang saya sa mukha ng kaibigan. " Oo, Bes. Actually may ka negotiate na ako dito kaya talagang sobrang magiging busy na ako." Sa pagkakaalam niya ay gustong i-pursue ni Athena ang pagiging designer ng mga clothing brand. Bata pa lang kasi sila ay pangarap na iyon ng kaibigan. " That's why i want to remind both of you na baka bihira na lang ako makatawag or sad to say maputol temporary yung contact natin." Lumarawan ang lungkot sa mukha ni Athena. Agad namang napawi ang ngiti ni Damon. " You mean istorbo kami para sa'yo kaya puputulin mo ang contact natin?" May himig na pagdaramdam na tugon ni Damon. " Of course not, hon! Gusto ko lang mag focus sa career ko. I want to have a peace of mind, please hon two years lang naman ang hinihingi ko." Napansin niya ang pagtiim ng bagang ni Damon. " Tatawag pa rin naman ako pero hindi na ganoon kadalas i hope you understand." " May magagawa pa ba ako?"anang lalaki at iniabot na sa kaniya ang cellphone na tila ayaw nang makarinig ng anupaman mula kay Athena. " For her i'm just a bother," mariing bulong ng lalaki. Napatingin siya kay Athena na noon ay malungkot ang mukha na tila nagpapasaklolo sa kaniya. Napatango-tango na lang siya sa kaibigan bilang tugon dito na wala na itong dapat ipag-alala, matapos ay pinatay na nito ang connection. Iniabot niya na iyon kay Damon na noon ay nakatingin lang sa kawalan habang kuyom ang kamao. Tahimik niyang itinuloy ang pagkain habang sumusulyap sa lalaki na nawala na yata ng gana sa pagkain. " Hoy! Kumain ka na hindi ko kayang ubusin 'to 'no!" basag niya sa pananahimik nito. Hindi umimik ang lalaki nakatingin pa rin ito sa kawalan. " Wala ka namang choice kundi intindihin si Athena, eh. Huwag mo nang gawing kumplikado ang mga bagay nagsisikap siya para sa inyo ganon din ang gawin mo!" Kalmado na ang mukha na napatingin sa kaniya ang lalaki. " Siguro, tama ka nga. Siya nga pala may iba ka pa bang gustong puntahan? Pupunta lang ako kay Zeke." " Ano maglalasing ka na naman? Hoy, Damon tumigil ka,ah? Ang hirap hirap mong ilipat ng higaan,eh! Pwede ba huwag mo na masyadong dibdibin iyong sinabi ng kaibigan ko!" naiirita niyang wika. " Hindi ako maglalasing, may pag-uusapan lang kami ni Zeke about business." Tinitigan niya ang lalaki at inilapit ang mukha para suriin kung nagsasabi nga ba ito ng totoo. " Weh, 'di nga?" " Ano bang ginagawa mo? Ilayo mo nga iyang mukha mo." Inilayo niya ang mukha matapos ay umirap. " Magpahatid ka kay Mico pag uuwi ka, ah? Magtext ka sa'kin pag nakauwi ka na," paalala pa nito sa kaniya. " Bakit kailangang ipaalam ko pa sa'yo?" " Syempre,para hindi na ko mag-alala pa kung nakauwi ka ba ng maayos. Malilate din kasi ako ng uwi." Natigilan siya sa sinabi nito. Nag-aala sa kaniya si Damon? Tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso. " Nasa poder kita and i don't want Athena blame me when something bad happens to you." Napanguso siya sa sinabi nito. " Malaki na ako 'no! Kaya ko na sarili ko, isa pa kasama ko naman si Mico!" mataray niyang wika. " Kaya sabi ko magtext ka kung hindi ka niya maihahatid susunduin na lang kita." " Tss! Hindi na kailangan!" asik niya dito. " Bakit ba ang sungit mo na naman?" anito habang mariing pisil ang pisngi niya. " Aray! Tigilan mo nga iyan!" Natatawang binitawan siya ng lalaki. " Basta, pag umuwi ka ng lasing bubuhusan talaga kita ng malamig na tubig!" Isang halakhak lang ang naging tugon ni Damon sa kaniya. Matapos nilang kumain ay dumiretso na rin siya sa mansion para bisitahin ang Ina. Inihatid siya nito bago tuluyang pumunta kila Zeke. Gabi na rin ng makauwi siya ng bahay hindi niya na naisipan pang i-text ang lalaki dahil sobrang napagod na rin siya dahil sa halos buong araw na pag-aasikaso nila sa negosyo. Kinabukasan nga nang magising siya. Agad niyang hinagilap ang cellphone, nakita niya ang iilang messeges galing kay Damon. Nagtatanong ito kung nakauwi na ba siya. " Sa sobrang pagod ko nakalimutan ko nang i-text siya," bulong niya sa sarili. " Nakauwi kaya siya kagabi?" Pahikab-hikab siyang lumabas ng kwarto at nang mapadaan siya sa kwarto nito ay tumigil siya para makiramdam kung may tao ba sa loob. " Umuwi kaya siya ng lasing?" Iniisip niyang nasa sala ito at nakahandusay ngunit wala ang lalaki doon kaya bumalik siya sa tapat ng kwarto nito. Marahan niyang pinihit ang seradura para sana silipin ang lalaki ngunit wala ito doon. Napansin din niya ang maayos na pagkakatupi ang kumot ng binata. " Hala, hindi siya umuwi kagabi? Naku! Baka sa kalsada na nakatulog ang pasaway na iyon dahil sa kalasingan!" Lalabas na sana sya nang bumukas ang pinto ng Cr ng kwartong iyon. Lumabas mula roon ang lalaki. Napamulagt siya nang mapagmasdan niya ito. Nakatapis lang ito ng tuwalya na mukhang kagagaling sa paliligo ang lalaki. Napalunok pa siya ng laway ng mapagmasdan ang matipunong katawan nito na bumagay sa nakalugay at hanggang balikat na alon-alon nitong buhok. Napaka hot tignan ng lalaki. Makalaglag panty ang taglay nitong kagwapuhan. " Camilla, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD