Chapter 39

1581 Words
PAGOD ang katawan ay naisipan ni Camilla na magpahinga sandali sa isang bakanteng upuan na nasa tapat lang ng building kung saan siya nanggaling. Ilang araw na rin siyang naghahanap ng trabaho ngunit palaging nasa waiting list lang siya at maghihintay ng tawag. Sa ngayon ay galing siya sa job fair na isinagawa sa building na iyon. Front desk officer ang in-apply-an niya sa ngayon pero pangarap niya talaga ang maging isang manager ng isang resto. Nakasimangot siya ng tunggain niya ang bote ng mineral water dahil sa inis ng maalala ang mahabang pila kanina. Ngayon niya lang na-realize na ang hirap pala maghanap ng trabaho,bukod sa may experience ang priority nila ay kailangan pang maghintay ng matagal at wala pang kasiguraduhan kung makukuha mo ang trabaho. Napatingin siya sa wristwatch na nasa kaniyang bisig, tanghali na kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya. Naisipan niyang maglakad-lakad para maghanap ng makakainan nang isang kotse ang huminto sa harapan niya. Napahinto siya sa paglalakad nang tingnan ang kotse na huminto sa gilid niya. Ibinaba ang salamin noon kaya bumungad sa kaniya ang nagtatakang si Damon. Binuksan nito ang pinto ng kotse para pasakayin siya. " Saan ka galing? Sakay na," anang lalaki. Bantulot siyang kumilos ngunit pumasok na rin siya dahil mainit kaya gusto niyang malamigan kahit sandali lang. Napasinghap siya ng maramdaman ang lamig ng dulot ng aircon. " Anong nangyari sa'yo at nagpapalaboy-laboy ka diyan sa kalye?" " Sira! Galing ako sa job fair." " Oh, kumusta?" " Ayun! Tatawagan na lang," matamlay niyang sagot. " Ang hirap pala maghanap ng trabaho." Napalingon sa kaniya ang lalaki. " Kumain ka na ba?" Umiling lang siya bilang tugon. " Sakto, gutom na rin ako, kumain muna tayo." Sa isang restaurant inihinto ng lalaki ang kotse saka sila pumasok. Napansin niya ang pagtitig sa kaniya ng lalaki habang namimili siya ng pagkain sa menu book. " Oh, bakit anong meron? Kung makatitig ka parang gusto mo'kong kainin ng buhay diyan!" " 'Di ba, HRM ang tinapos mo major in management, tama?" " Oo, bakit?" " Good! Co'z i have a business proposal for you." " Ano iyon?" nagtatakang tanong niya. " Nabanggit ko sa'yo na magtatayo ako ng restaurant 'di ba? Naayos na namin ni Zeke iyon pati ang location. Imbis na kumuha ako ng iba, eh 'ikaw na lang ang kunin ko as my partner!" Namilog ang mata niya sa sinabing iyon ng lalaki. Inapuhap niya sa itsura nito ang pagbibiro dahil sanay siya dito na puro kalokohan lang ang alam ngunit seryoso ito. " Tutal graduate ka ng management, gusto mo ng experience para pagdating mo sa ibang bansa well experience ka na, ano payag ka ba?" " S-seryoso ka ba?" di pa rin makapaniwalang tanong niya. Tumango-tango ang lalaki bilang tugon. " Sa ngayon tulungan mo muna ako to prepare all things. Marami pa kasing dapat na ayusin.And after that pag nakakuha na ako ng license, magsisimula na tayo as soon as possible." Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig niya mula sa lalaki. Sana nga ay seryoso ito at hindi siya ginu-good time lang. " Teka, 'di ba pag ganyang bago lang ang business dapat degree holder ang kunin mo, k-kasi ako kaka-graduate ko lang, ang ibig kong sabihin baka hindi ko pa kayanin," nag-aalala niyang tugon. " Wala ka bang tiwala sa skills mo? Napag-aaralan naman ang lahat ng bagay. Isa pa, gusto ko 'yung mapagkakatiwalaan ko when it comes to business." Napakurap-kurap siya ng mata na tila hindi pa rin makapaniwala sa offer na iyon ni Damon. Kung sakali ay may instant trabaho na agad siya. Sa huli ay nakumbinsi na rin siya na seryoso nga ito. Kaya pala lagi itong umaalis dahil may inaasikaso ito mahalagang bagay. Mula nga noon ay naging abala na silang dalawa sa pag-aasikaso sa paghahanda para sa restaurant. Mula sa location, sa mga gamit na kakailanganin maging sa resipe ay katulong siya ng lalaki. Nagsearch din siya ng ilang bagay tungkol sa pagmanage ng restaurant business para kahit paano ay pamilyar na siya. Siya rin ang tagatikim ng lalaki tuwing may gagawin itong mga bagong recipe at lahat nga ng iyon ay patok sa kaniyang panlasa. Masayang-masaya niyang ibinalita ang lahat ng iyon sa nobyong si Mico. " Talagang magkasundo na kayo ni Damon, ah? At magpartner pa kayo!" sarkastikong turan ng nobyo. " Hindi ka ba masaya para sa'kin, babe? Kung tutuusin magandang pagkakataon ito para magkaroon ako ng experience, 'di ba?" " Syempre masaya. Pero sana sinabi mo sa'kin na gusto mo pala ng ganon, pwede naman tayong magtayo ng sarili nating resto at sabay nating i-manage." Napahalakhak siya sa tinuran ng nobyo, alam niya kasing nagseselos na naman ito. " Bakit ka tumatawa? I'm serious, i can provide naman if you want," naiinis na turan nito. " Alam ko kasi na hindi naman talaga iyon ang passion mo,eh. Babe, pansamantala lang naman 'to, after two years pag malaya na ko sa kasunduan namin ni bes, aalis na rin ako sa resto." Humilig siya sa dibdib ng nobyo, kasalukuyan silang nasa resort na inupahan ng lalaki. " Magkasama na nga kayo sa bahay pati sa business, partner pa rin kayo!" nagtatampo pa ring bulong nito. Kaya upang tuluyang mawala ang tampo ng nobyo ay sinapo niya ng dalawang kamay ang mukha nito at hinalikan sa labi na agad din namang tinugon nito. Alam niyang sa mga oras na iyon ay nagseselos na naman ang nobyo. Matapos nitong makipag-usap kay Damon ay hindi pa rin pala nawala ang selos nito. Kaya imbis na makipagtalo ay nilambing niya na lang ito. Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ni Camilla araw-araw. Para kasi sa kaniya ay isang malaking hamon ang alok na iyon sa kaniya ni Damon. Natatakot siyang mabigo kaya gagawin niya ang lahat para sa successful ang pagma manage niya ng business ng lalaki. Nang gabing iyon ay naabutan niya si Damon sa hardin habang malalim ang iniisip. Nagulat pa ito sa biglaan niyang pagsulpot. " Ang lalim yata ng iniisip mo,ah?" Puna niya sa binata. Napatingin sa wristwatch nito ang lalaki at kunot-noong bumaling sa kaniya. " Saan ka ba galing? Tss! Ang akala ko pa naman nandiyan ka lang sa kwarto mo." " Kasama ko si Mico kanina." Naalala niya nga pala matapos pala ang lakad nila kanina ay hindi na siya nagpaalam dito na aalis ulit. Teka, bakit nga ba kailangan pa niyang magpaalam? " Hoy, Camilla! Ibinilin ka sa'kin ni Athena, okay? Hinatid ka ba ni Mico?" " Oo naman! Teka, bakit ganiyan ang tono ng boses mo, sinasabi mo bang kailangan ko pang magpaalam sa'yo kung saan ako pupunta, ha?" mataray niyang wika. " I'ts not that. We are in the same house, I am the man and I am responsible for what happens to you. Kaya sana next time magsasabi ka kung gagabihin ka," malumanay na paalala pa nito. Hindi na siya nakipagtalo pa sa lalaki naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin. " Sige na po,masusunod po!" tanging nasambit niya na lang. " Siya nga pala, nakausap ko si Athena kanina, we're okay now and nabanggit ko rin iyong tungkol sa resto." " Talaga, anong sabi?" " Well, she's happy. Ang totoo niyan this is for us. Para naman may maipagmalaki rin ako sa kaniya pagdating ng araw." Lihim siyang natuwa sa sinabi ni Damon, talagang mahal nito at seryoso na ito sa kaibigan. " Buti naman at okay na kayo, tampururot ka pa kasi!" " Sige na matulog ka na, marami pa tayong gagawin bukas. Magca canvass tayo sa mga pabrika para maging supplier natin. Pati mga gamit na kakailanganin natin para sa resto." Tumayo na siya para tunguhin ang sariling kwarto. Malalim na ang gabi kaya talagang inaantok na rin siya. Kinabukasan nga ay maaga siyang nagising. Ginayak niya muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. Nasorpresa pa siya nang maabutan ang Mommy ni Damon na nasa sala. Maging si Damon ay nabigla rin sa biglang pagsulpot ng Ina. Sana lang ay hindi ito pumasok sa kaniyang kwarto para hindi nito mapansin na wala kahit isang gamit si Damon doon. " Hi, iha gising ka na pala!" nakipag beso-beso pa ito sa kaniya. " Good morning po,Mommy!" Nakangiti niyang tugon. " Ano kumusta na kayo dito, magkakaapo na ba ako, ha?" Napansin niyang napaubo si Damon, nasamid sa ininom nitong kape nang marinig ang sinabi ng ina. Napangiti na lang din siya ng hilaw sa tanong ng biyenan. " Ah, mom aalis po kami ni Camilla ngayon, may kailangan po kaming puntahan." " Ganon ba,sa ob-gyne ba kayo pupunta?" Siya naman ang napaubo sa sinabing iyon ng matanda. Kasalukuyan siyang kumakain ng sandwich na gawa ni Kyle. " Ayos ka lang ba iha? May mga sakit ba kayo? Bakit pareho yata kayong inuubo?" Napatingin siya ng makahulugan kay Kyle na noon ay napapabuntobg hininga na lang. " Teka, iha? Ganiyan lang ba ang isusuot mo?" Muli nitong puna sa suot niyang maluwag na tshirt at pants. Agad nitong hinampas sa braso ang anak. " Ikaw talaga! Sabi ko naman sa'yo 'di ba bibilhan mo ng magagandang damit itong asawa mo?" " Mom?! Sige mamaya, dadaan kami ng mall mag sho-shopping kami," anito habang hawak ang namumulang braso. " Aba dapat lang! Sabi ko alagaan mong mabuti ang asawa mo at 'wag kang gagaya sa Daddy mo!" Gusto niyang matawa habang pinagmamasdan ang dalawa. Ngunit binagabag rin siya ng konsensya dahil sa ginagawa nilang pagpapanggap bilang mag-asawa sa harap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD