Chapter 38

1875 Words
HINDI napigilan ni Camilla ang maluha habang hatid ng tanaw ang papalayong kaibigan. Kasama ang nobyong si Mico ay hinatid nila si Athena sa airport papuntang Canada. Muli itong lumingon sa kanila,alam niyang umaasa pa rin itong makikita man lang sa huling sandali ang nobyong si Damon. Maya-maya ay kumaway ito at muling tumalikod. Nagawang tiisin ni Damon ang kaibigan sa hindi nito paghatid dahil masama pa rin ang loob nito sa pag-alis ni Athena. Maging siya man ay masama pa rin ang loob kaya naiintindihan niya ang lalaki. Tuluyan na itong nawala sa paningin nila kaya lalo siyang nanlumo,wala na ang bestfriend niya. Naramdaman niya ang paghawak ni Mico sa kaniyang kamay. " Tara na,babe," anito. Hindi niya pa rin mapigilan ang hindi mainggit para sa kaibigan. Matutupad na kasi ang mga pangarap nito samantalang siya ay kailangan pang maghintay ng dalawang taon para makamit ang pangarap. Inakbayan siya ng nobyo at inaya nang umalis. Sa isang restaurant sila tumuloy para kumain, si Mico na rin ang pumili ng kakainin niya dahil tila wala pa siya sa sarili nang mga oras na iyon. " Talaga iyang si Damon, hindi niya man lang nagawang ihatid si Athena, nasaan ba siya?" basag ni Mico sa pananahimik niya. Maging siya ay hindi rin alam kung nasaan ito, hindi niya na rin kasi ito inabutan sa bahay kaninang umaga marahil ay maaga itong nagising para umalis. O baka naman nasa bahay ng Mommy niya. " Hindi niya pa rin kasi matanggap," tanging nasambit niya habang nakatingin sa kawalan. " Para naman siyang hindi lalaki sa kinikilos niya. Two years silang hindi magkakasama at nagawa niyang tiisin na hindi ihatid ang kaibigan mo? Tss!" iritado nitong turan. Naglagay ito ng pagkain sa kutsara para subuan siya na tinanggap niya naman. Masarap ang in-order na pagkain ni Mico ngunit wala siyang gana dahil sa labis na lungkot na nararamdaman, wala na ang kaniyang bestfriend. Mula pa noong mga bata pa sila ay hindi sila naghihiwalay, ngayon pa lang. " Nalulungkot ka ba, babe? Don't worry i'm still here," malambing na sambit ni Mico habang hawak ang kamay niya. " Hindi lang kasi ako sanay na wala siya." " You can call her naman, you can do a videocall if you want, 'di ba?" Pinilit niyang ngumiti at pasiglahin ang sarili. Tama ito pwede niyang tawagan ang bestfriend kapag namimis niya ito. Ngayong nakagraduate na siya, plano niyang maghanap ng trabaho na babagay sa course niya. Alam niyang hindi magiging madali dahil maliit lang ang sweldo dito sa Pinas ngunit kaylangan niyang magtyaga, lahat naman ay nag-uumpisa sa maliit na sweldo. Ang tanging inaalala niya lang na sana ay makahanap agad siya, sa katulad niyang first timer at wala pang work experience. Sa panahon ngayon ay mas in demand ang may experience. Naputol siya sa pag-iisip nang may marinig siyang ugong ng sasakyan mula sa labas, alam niyang si Damon na iyon. Kasalukuyan na siyang nasa bahay nang gabing iyon matapos ang buong araw na kasama niya si Mico. Binuksan niya ang pinto upang salubungin ang lalaki para usisain. Nakita niyang akay-akay ito ni Zeke, mukhang lasing si Damon dahil sa pasuray-suray nitong kilos. " Anong nangyari diyan?" nagtataka niyang tanong. " Lasing na lasing,eh. Hinatid ko na, baka kasi mapano pa sa daan hindi niya na kayang magdrive," paliwanag ni Zeke na bahagya pang hinihingal. " Sige, mauna na ko,ikaw na muna bahala sa asawa mo," anito at tumalikod na upang lisan ang lugar na iyon. Nang makaalis na si Zeke ay saka niya lang naisip na sana sa kwarto na nito mismo inihatid si Damon. Hindi niya naman kaya itong ihatid na mag-isa sa kwarto nito kaya napapakamot na lang siya ng ulo at muling itinuloy ang panonood ng TV. Napatingin siya rito nang marinig niyang umuungol ito at tinatawag ang pangalan ni Athena. Napakagat-labi siya, talagang dinamdam nito ang paglayo ng kaibigan. Lumapit siya rito at pinagmasdan ang lalaki, saka niya lang napansin na pawis na pawis ito maging ang suot nitong polo ay basa, hindi niya alam kung dahil sa pawis o sa natapong alak. Hindi niya napigilan ang makaramdam ng awa para dito. Tumayo siya upang kumuha ng damit para sa lalaki ngunit napalingon siya nang marinig ang lagapak,mula sa sofa ay nahulog sa sahig ang lalaki kaya mabilis niya itong binalikan, ngunit nanatiling tulog ito. " Hayy! Ano bang gagawin ko sa'yo?!" Hindi niya naman pwedeng hayaan ang binata na matulog ito sa sahig. Mula sa kwarto nito ay kumuha na rin siya ng comforter para sa lalaki. Pagbalik niya ay agad niyang nilatag ang comforter para ilipat ang lalaki. Nang mailatag ay hinila niya ang braso nito para mailipat ngunit mabigat ito kaya nahirapan siya. " Ano ba iyan, bakit ang bigat mo?!" naiinis niyang turan. Mula sa paanan ng lalaki ay lumuhod siya at hinila ang dalawang braso nito para magpantay sila. Bahagya itong dumilat at pilit na inaninag ang mukha niya. Nakaupo na ang lalaki habang hawak niya pa rin na halos mayakap niya na ito. " Hon," anas nito habang napapangiti. " Tangek! Hindi ako ang honey mo batukan kita diyan,eh! Ang bigat mo kaya uma-" Naputol ang pagsasalita niya nang bigla siya nitong sunggaban at halikan sa labi. Hindi niya agad ito naitulak dahil sa hawak niya ang braso nito. Muntik pa siyang mawalan ng balanse.Nanlalaki ang mata niya habang mariin siya nitong hinalikan. Nang mabitawan niya ito ay saka naman siya nito niyakap kaya nahirapan siyang makawala. Ubod lakas niya itong tinulak kaya muli itong napahiga. " Bastos ka, walang hiya!" Sasapakin niya na sana ang binata nang mapansin niyang tulog na ito at naghihilik pa. Tutop niya ang labi habang namumula sa galit para sa lalaki. " Bahala ka nga diyan, matulog ka sa sahig, manyak!" Agad niya itong iniwan at tinungo na ang sariling kwarto. Namumula ang mukha niya sa galit habang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Nang mahimasmasan ay saka niya lang narealize na malamang ay napagkamalan lang siya nitong si Athena. Naiinis siya dahil ito na ang pangalawang pagkakataon na nahalikan siya ng binata. Muli siyang nainis at nagpasyang hayaan na lang ito na matulog sa malamig na sahig ngunit binagabag naman siya ng konsensya. Naalala niya bigla ang pakiusap ng kaibigan. Sa huli ay napagpasyahan niya na lang na muling bumaba para subukan ulit na mailipat ito ng higaan. Sa may ulunan na lang siya pumwesto para safe. Inangat niya ang dalawang braso nito saka hinila. Nahirapan man dahil talagang mabigat ang binata sa huli ay nagawa niya ring maipwesto ito ng maayos. Sunod niyang ginawa ay hinubad ang polo ng lalaki para bihisan ito, nanlaki pa ang mata niya sa matipuno at mabalahibong dibdib ng lalaki. Kunwa pa ay iniwas niya ang tingin. " Hmp! May ganyan din naman ang boyfriend ko!" Muli niyang ibinalik ang tingin sa binata para bihisan na ito. Ngunit hindi niya mapigilan ang mapatitig sa gwapong mukha ng binata, natigilan siya saglit at pinagmasdan ito. Mula sa ilong pababa sa labi na minsan niya ng natikman. Napapalunok siya habang ibinababa ang tingin sa malapad nitong dibdib hanggang makarating ang mata niya sa bandang tiyan kung saan naroon ang abs ng lalaki. " Whoa! Aba, may abs ang loko!" namimilog ang mga matang sambit niya. Maya-maya ay pinagalitan niya na ang sarili dahil sa ginagawa, panay ang paratang niya rito na bastos ngunit siya pala itong namboboso. Mabilis niya nang binihisan ang lalaki nang mapansin niyang basa rin pati ang pantalon nito. " Pati pantalon mo basa, naihi ka ba?" bulalas niya. " Hmp! Bahala ka mamanghi diyan di ko iyan papalitan!" aniya saka tumayo na. Papasok na sana siya sa sariling kwarto nang may maisip siyang kalokohan. Gusto niyang gumanti sa ginawa nitong paghalik sa kaniya. Kumuha siya ng pentel pen at natatawang sinulatan ang mukha ng lalaki. " Iyan ang ganti ko sa'yo dahil palagi mo'kong kini-kiss!" aniya habang pigil ang tawa. Matapos ay pumunta na siya sa kwarto para matulog. Natatawa pa rin siya habang naiisip ang kalokohang ginawa kay Damon. Kinabukasan ay maaga siyang gumising,balak niya kasing dumaan sa mansion para puntahan ang Mama niya. Pababa na siya ng hagdan para umalis nang mabungaran niya si Damon, gising na pala ito, tutop nito ang ulo malamang ay masakit iyon dahil sa hang over. Pigil niya ang tawa nang mapatingin ito sa kaniya,nasa mukha pa rin kasi nito ang sinulat niya sa mukha nito. " Ang aga mo yatang nagising, saan ka ba pupunta?" puna nito sa kaniya. Nangungunot pa rin ang noo ng lalaki habang hawak ang ulo. Hindi niya na napigilan ang matawa dahil sa itsura nito. " Anong problema? Mukhang maganda yata ang gising mo ngayon?" nagtatakang tanong nito. " Bakit nga pala hindi ka sumama kahapon sa paghatid kay besty?" pag-iiba niya sa usapan. Umasim ang mukha nito at hindi siya sinagot. Ayaw niya nang kwestyunin pa ang naging pasya nito tungkol sa hindi nito pagsama, bahala na lang sila ang mag-usap ni Athena. " Wait? Paano ako nakauwi? As i remember i am with Zeke." " Lasing na lasing ka nang hinatid ka niya kagabi!" nakairap niyang sagot. Muli niya kasing naalala ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Natigilan ang lalaki nang mapansin na iba na ang suot na damit. " Teka, binihisan mo ba ako?" " Oo, basang-basa ka kasi ng pawis kagabi. Saka nasa sahig ka nakahiga kaya nilagyan kita ng comforter!" Mataray niyang sagot habang nakapameywang. Tila hindi naman makapaniwala ang lalaki sa narinig. " Wow! Salamat,ah?" natatawang turan nito at nagkamot ng ulo dahil sa hiya. " Pati itong pantalon ko pinalitan mo?" Tumaas ang kilay niya, mukhang pati pantalon na suot ay di nito maalala. Sinubukan niyang biruin 'to. " Oo!" pagsisinungaling niya. Gusto niya itong gantihan sa ginawa din nito dati na pagbibiro sa kaniya. " Talaga? Eh, 'di nakita mo?"namimilog ang matang tanong nito. Hindi niya na napigilan pa ang mapahalakhak dahil sa nakikitang reaksyon nito, dagdag pa ang mga drawing sa mukha nito. Nilagyan niya kasi ng sungay ang bandang noo nito, pinakapal ang kilay at pangil naman sa bandang bibig, nagmistula itong d*m*nyo. " Seriously?" " Oo nga, bakit ba? Basa pati pantalon mo, eh! Naihi ka yata sa sobrang kalasingan, kaysa mamanghi ka pinalitan ko na!" bulalas niya. " Tss! Hindi ako naihi 'no!" Pagtanggi pa nito. " Sus! Ihi yun, mapanghi,eh!" " Hindi nga ihi 'yun, alak lang iyon!" " Ihi iyon!" pagpipilit niya pa rin. Tila sumuko ang binata sa pakikipagtalo sa kaniya kaya napailing-iling na lang ito habang tila nagtataka sa kakatawa niya. " Wala na tuloy akong maipagmamalaki sa'yo, nakita mo na pala,eh!" nakangising turan nito. " Hah! Talagang wala ka nang maipagmamalaki dahil hindi naman malaki!" Nakita niyang pinamulahan ito ng pisngi dahil sa sinabi niya. " Hoy! Hindi ako magiging habulin ng mga babae kung hindi ito malaki!" " Naku! Nagyabang na naman siya, at proud ka pa,ha?"napipikon niyang tugon. Bago pa kung saan mauwi ang usapan ay tinalikuran niya na ito para iwan. " Hoy! Hindi ka ba kakain,ha?" dinig niyang pahabol nito ngunit hindib na siya tumugon. Hindi pa siya gaanong nakakalayo ay narinig niya na itong humihiyaw. Malamang ay nakita na nito ang drawing sa mukha. " Camilla,anong ginawa mo?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD