Chapter 37

1638 Words
Papungas-pungas na lumabas si Camilla sa kaniyang kwarto ng umagang iyon. Pasado alas nueve na siya nagising, tuwing walang pasok ay nakagawian niya nang tanghali kung bumangon. Ngunit pakiramdam niya ay nanghihina pa siya sa sobrang antok malamang ay dahil sa sobrang pagtulog. Natigilan siya nang maamoy ang isang napakabangong ulam na nanggagaling sa kusina. Malamang ay may niluluto na naman ang lalaki para sa agahan nila. Naisip niyang maswerte pa rin siya dahil magaling na cook si Damon kaya lagi siyang busog. Bumaba siya sa hagdan at dumiretso sa kusina, inaasahan niyang makikita si Athena kasama ng lalaki ngunit wala ito. Tanging si Damon lang na abala sa ginagawa. Agad siyang pumwesto sa lamesa kung saan may nakatakip na pagkain. Natakam siya nang makita ang chicken sandwich na ginawa ng lalaki. " Uy! Sakto gutom na ko!" Aniya sabay subo ng malaki sa sandwich na hawak. Nilingon niya ang lalaki na abala sa ginagawa ng biglang napatungayaw ito. " s**t!" taranta itong lumapit sa harapan ng oven. " Ano ba iyang ginagawa mo?" tanong niya nang makalapit dito. " Gumagawa ako ng pizza tuna," Anito na napapailing pa. Napahalakhak siya ng makitang nangingitim ang pizza na ginawa ng lalaki. " Ano ba iyan? Akala ko ba nag-aral ka ng culinary, pag set pa lang ng timer sa oven di ka marunong!" natatawa niyang sambit. Napapalatak ito habang nakatingin sa sunog nang pizza. Napatingin ito sa kaniya nang hindi siya tumitigil sa kakatawa. Maya-maya ay nakita niyang pinahid nito ang daliri sa nangingitim na tinapay at pinahid sa mukha niya. " Hoy, ano ba?!" gulat niyang wika. " Ang aga aga mong mang asar,ah! May panis na laway ka pa, oh!" Hindi siya nakailag nang muli nitong inulit ang ginawa. " Aba, iyan pala ang gusto mo,ah!" Gumanti siya sa lalaki, mas malaking uling ang pinahid niya dito. Para silang mga bata na naghaharutan nang oras na iyon. Hindi na siya nakaganti pang muli nang tumakbo na ang lalaki ngunit hinabol niya ito hanggang sa sala. Napahinto lang sila nang tumunog ang doorbell. Wala silang inaasahang bisita, iniisip na lang nila na baka si Athena na naman iyon kaya nag unahan pa silang pumunta sa pintuan. Ngunit hindi niya inaasahan ang mabubungaran niya. Si Mico na nangunot ang noo nang mapansin ang uling na nakaguhit sa mukha niya. " Hey, dude!" nakangising bati dito ni Damon na nasa gilid lang niya. " A-anong ginagawa mo dito Mico?" tanong niya. Hindi agad nakasagot si Mico, napasimangot lang ito. " Paano mo nalaman 'tong bagong lovenest namin,ha?" nangingiting tanong ni Damon. " Ouch!" daing nito nang sikuhin niya. " Mag-usap tayo, Camilla," ani ni Mico. " Okay! Maiwan ko na muna kayo,ah? Teka kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain ng sunog na pizza?" Piningot niya ito sa tenga. " Pumunta ka na nga doon, wala kang magawa,ah!" Bago ito nakalayo ay pinahid niya muna sa mukha nito ang daliri na may bakas pang uling, saka siya tumawa. Natigilan lang siya nang mapansing tiim ang bagang na nakatitig sa kaniya si Mico. Inaya niya ito sa garden para makapag-usap sila nang maayos. " Bakit ba may uling iyang mukha mo? Saan galing iyan?" nagtatakang tanong nito sa kaniya. " Iyong ginawa kasing pizza ni Damon nasunog kaya-" " Pinaglaruan niyo? Tss, mukhang palagay na ang loob mo sa kaniya,ah? Samantalang dati inis na inis ka sa kaniya," anito na may himig na pagseselos. " H-hindi 'no? Tsaka ano bang ginagawa mo rito, 'di ba break na tayo?" " Sinong may sabing break na tayo?" kunot-noong tanong nito. Dumukot ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha niya. Napatitig siya sa lalaki na tila gusto niyang maiyak. Noong isang araw lang ay sobra siyang nasaktan sa ginawa nitong pakikipagbreak ngunit nandito ito ngayon at nakikipagbalikan. Nangungusap ang mga mata nito na napatitig sa kaniya saka siya siniil ng halik sa labi. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito dahil naalala niya na hindi pa pala siya nagto-toothbrush. Bahagya niya itong naitulak. " Nandiyan si Damon sa loob, nakakahiya." " Iyon ba talaga ang dahilan o ayaw mo na sa'kin?" Napatingin siya dito. Nakita niya ang nagmamakaawang itsura nito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan. " I'm really sorry, Babe! Alam mo bang nung araw ding iyon pinuntahan kita sa room mo kaso wala ka." Naalala nga niya iyon nang makita niya ito sa labas ng classroom, siya pala ang pinuntahan nito at hindi si Rochelle. " Oo nakita kita at ang saya-saya mo habang kausap si Rochelle!" mataray niyang wika. " Nakita mo'ko? Bakit hindi ka lumapit?" " Bakit pa? Eh, nakipagbreak ka nga tapos nakita ko kausap mo siya!" nakairap niyang sagot. " Nagseselos ka ba, babe?" nangingiting tanong nito. " Huwag ka ngang magpacute diyan! Alam mo bang naglasing ako dahil nasaktan ako sa ginawa mo?" inis niyang turan. " Hoy, Mico ngayon pa lang klaruhin na natin ang sitwasyon natin, ayokong palagi tayong nag-aaway! Kung hindi mo talaga tanggap ang sitwasyon ko ngayon, edi magbreak na lang tayo ng tulu-" naputol ang sasabihin niya nang bigla nitong angkinin ang mga labi niya. Nabigla man ay tinanggap na lang niya ang mainit na halik ng lalaki. " Sorry, pero hinding-hindi kita pakakawalan, ms.Camilla dela Vega!" anito at muli siyang siniil ng mas mapusok pang halik. In-enjoy niya ang sandali habang yakap ang nobyo. Ginantihan niya nang mas mainit pang halik ang bawat halik nito. Ngunit napahinto sila nang may tumikhim sa likuran nila. Nang lingunin nila, si Damon na salubong ang kilay habang nakatingin sa kanila. May dala itong juice na nakalagay sa tray. " Sorry! Naistorbo ko yata kayo,ah?" nakangiti na nitong wika. " Oo, sobrang wrong timing ka." Narinig niyang bulong ni Mico. Gusto niyang matawa sa itsura ni Damon dahil mukhang nakalimutan nito na alisin ang uling sa mukha nito. " Uminom muna kayo ng juice at baka nanunuyo na iyang lalamunan niyo," anang lalaki. Maya-maya ay muli itong sumeryoso. " Pwede ba tayo mag-usap, pare?" Napatingin siya sa tinuran nito. Bakit naman kaya gusto nitong makausap si Mico? " Tungkol saan?" may himig na inis sa boses ni Mico nang sumagot. " Tungkol sa'min ni Camilla, mag-usap tayo ng lalaki sa lalaki," seryosong sagot nito. " Hoy, anong sinasabi mo, anong tungkol sa'tin?" " Sige na, Camilla. Tingin ko mukhang kaylangan nga naming mag-usap," tiim-bagang na sagot din ni Mico. Wala siyang nagawa kundi iwan ang dalawa. Ngunit nakatanaw pa rin siya dito mahirap na at baka magsuntukan pa ang dalawa. Nung una ay tanaw niyang tila nakikipagtigasan pa ang nobyo habang si Damon ay seryosong nagsasalita. Matagal ding nag usap ang dalawa nang mapansin niyang tila huminahon ang mukha ng nobyo. Nakita niyang nakipag fist bump si Damon kay Mico na alanganing tanggapin ng huli, ngunit nang malaunan ay tinanggap na rin ng lalaki. Nanlalaki ang mata niya habang nakatanaw sa dalawa kaya lumapit na siya dito. " Okay, sige. Alang-alang kay Camilla,pare." Dinig niyang sagot ni Mico. " Ano bang pinag-usapan niyo,ha?" tanong niya sa dalawa. " Okay, i have to go, maiwan ko muna kayo. Marami kasi akong aayusin sa araw na 'to," paalam ni Damon sa kanila. Tumango-tango lang si Mico bilang tugon dito. Tumalikod na ang lalaki at iniwan sila. " Anong sinabi niya sa'yo?" Niyakap siya ng lalaki at hinagkan sa noo. " Sabi niya lang na wala akong dapat ipag-alala at 'wag na raw kitang paiiyakin." " Talaga?" " Oo, totoo pala na naglasing ka, babe? Bakit mo ginawa iyon hindi ka naman umiinom?" " Kasalanan mo,eh! Pinaiyak mo'ko!" Muli siya nitong niyakap ng mahigpit. " I'm really sorry, promise hindi na mauulit. Mahal mo pala talaga ako?" nangingiting tanong nito. " Ikaw lang naman 'tong walang tiwala,eh!" Muli siyang hinakhan ng lalaki sa labi. Sa ngayon ay nakaramdam siya ng kapanatagan. Ang akala niyang pag-iwan sa kaniya ng lalaki sa ere ay isang pagkakamali pala. Muling lumipas ang maraming araw,linggo at buwan. Dumating na ang araw na matagal na hinintay ni Camilla, ang makagraduate. Ngunit imbis na matuwa ay lungkot ang naramdaman niya. Kahit naman makagraduate siya ay walang magbabago sa buhay niya. Kung dati ay sabik siyang dumating iyon dahil makakapunta na siya ng ibang bansa ngunit ngayon ay wala na. " Ano nang plano mo, Babe?" " Magpapakasal na tayo!" nakangiting tugon nito sa kaniya. "Sayang 'no? Yung plano natin dati affter nating makagraduate," malungkot nitong wika. " Di bale, mabilis lang naman ang two years,eh." Ngumiti siya ng mapait ng maalala iyon. Ngunit wala na siyang magagawa, tama ito mabilis lang naman lumipas ang panahon. Nakaramdam siya ng inggit sa ibang estudyante na naroon. Kita niya ang excitement sa mga ito. " Aalis ka rin ba?" tanong niya sa nobyo. " Ofcourse not! I will stay here,hihintayin kita. Sabay nating tutuparin ang pangarap natin sa ibang bansa. Sa ngayon dito na lang ako kukuha ng degree, same lang naman iyon." Napangiti siya sa sinabi ng nobyo, talagang mahal na mahal siya ng lalaki. Pwede rin naman siyang maghanap ng trabaho dito iyon nga lang kailangan niyang pagtyagaan ang maliit na kita na alam niyang hindi sasapat para maipatayo ng bahay ang Ina. Bilang selebrasyon ay napagpasyahan nilang sa resto bar ni Zeke sila tumuloy kasama sina Athena at Damon. Pinilit niyang maging masaya nang araw na iyon. " Bes, malapit na kong umalis. Thank you talaga,ah?" Napatango-tango lang siya sa sinabi ng matalik na kaibigan. " Iyong promise ko tutuparin ko iyon. Pagbalik ko, malaya ka na." " Tatandaan ko iyan,ah?" naiiyak niyang tugon. Niyakap siya ng kaibigan. " Si Damon, bes, ikaw na muna bahala sa kaniya,ha? Pag nambabae, bugbugin mo!" natatawa nitong sabi. " Oo, 'wag ka mag-alala, lagot talaga sa'kin iyang boyfriend mo pag nagloko," tugon niya. " Subukan lang niyang mambabae habang wala ka!" natatawa niyang wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD