NATUTOP ni Camilla ang bibig sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan. Hawak ni Athena ang namumulang pisngi gawa ng pagkakasampal dito ng sariling ina nang datnan niya. Nauna kasi ang kaibigan na makauwi sa mansion.
" You really disappoint me! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin ng dahil lang sa lalaking 'yan!" galit na singhal nito sa anak.
Nag-aalalang lumapit naman sa kaniya ang Ina at pilit na siyang pinapapasok sa sariling kwarto ngunit hindi siya kumilos. Nanghihina ang tuhod niya sa takot sa matanda at hiyang nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang iwan ang kaibigan sa ganoong sitwasyon kasabwat siya kaya kailangan niya ring harapin ang galit ng matanda.
Hindi niya manlang nakakitaan ng takot si Athena tila patuloy pa rin itong naninindigan sa isang kasinungalingan.
" Alam mo na siguro ang magiging bunga ng sa ginawa mong pagsisinungaling, i already warned you!"
" I don't get why you're accusing me having a relation with Damon, i already told you si Camilla ang girlfriend niya!" giit ni Athena.
" Bes, tama na! Sabihin na kasi natin ang totoo!"aniya sa sarili.
" And how will you explain that, huh?!" May tinuro ito sa sahig na nagpagimbal sa kaniya.
Saka niya lang napansin ang nagkalat na mga pictures sa sahig na tinuro ng matanda. Lalo siyang nagulantang sa nakita. Kuha nilang tatlo sa resthouse. May mga larawan din na silang tatlo ni Damon at Mico pati na rin ang pag-aaway nila ng lalaki sa tuwing magkikita. Ultimo 'yung paglipad niya sa ere kani-kanina lang ay nakunan din ng litrato.
Natawa naman ng pagak si Athena,sa pagkakataong iyon ibang Athena ang nakikita niya. Matapang na gagawin ang lahat para lang sa lalaking mahal.
" Mom, walang kakaiba sa mga pictures na iyan! Kaibigan ko si Damon dati pa natural lang na nakakasama nila ako."
" Enough!" Bumuntung-hininga ito. "Anyway, nagkausap na kami ng Daddy mo tungkol dito at sa lalong madaling panahon pakakasalan mo ang anak ni Mr, Chu para matigil na iyang kahibangan mo!"
Doon niya nakita ang takot sa mukha ni Athena, nawalan ng kulay ang mukha nito.
" No! Hindi ako magpapakasal sa kahit na sinong lalaki!" Mangiyak-ngiyak na sigaw nito.
Bumaling sa kaniya ang tingin ni Mrs.Romualdez.
" And you, Camilla! I will forgive you this time alam kong pinilit ka lang ng anak ko na magpanggap and i hope na hindi na ito mauulit!" madiing sabi nito.
Tigagal lang siyang napatitig sa matanda dahil sa takot. Magsasalita na sana siya para humingi ng sorry ngunit natigilan siya.
" Camilla, tell her na ikaw ang girlfriend ni Damon at hindi ako!" lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Sa tingin niya ay nahihibang na talaga ito.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at sa matanda na hinihilot-hilot ang sentido dahil sa patuloy na pagsisinungaling ng anak.
" Athena, kasi-" naputol ang sana ay sasabihin niya.
" At ngayon pinipilit mo pa si Camilla na magsinungaling? Ano bang pinakain ng Damon na iyan sa'yo at nagkakaganyan ka,ha?!"nalilito nang sambit ng matanda.
" Nagsasabi kami ng totoo, 'di ba, Bes?!"
Napansin niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito at pagkataranta. Nakaramdam naman siya ng awa sa kaibigan na tila desperada na.
" Tell her! Saka 'di ba you and Damon are planning to get married?" Lumikot ang mga mata nito na tila nag-iisip pa ng maidadahilan. " Oo tama! Magpapakasal sila ni Damon, Mommy!" Pilit nitong pinasigla ang boses para maikubli ang panibagong kasinungalingan.
Halos himatayin naman siya dahil sa narinig ngunit inisip niyang nagbibiro lamang ang kaibigan.
" What the hell are you saying? Nababaliw ka na ba?"
" Nasorpresa kayo 'no? Actually, kaya kami palagi pumupunta ng resthouse because we are making plans for their wedding!" bulalas pa ng kaibigan.
Pilit niyang inapuhap sa mukha ng kaibigan na nagbibiro lang ito ngunit seryoso ito sa mga sinasabi. Mukhang kailangan na ng mental check-up ng kaibigan dahil kung ano-ano na ang naiisip nito.
" Bes, sorry ulit binuking na naman kita," nakangiti pang turan nito sa kaniya.
Napalunok naman siya ng laway dahil doon ngunit pinilit niya pa rin ang magpakahinahon. Malamang desperado lang talaga ang kaibigan.
" Anong kasinungalingan na naman ba ito, ha?"muling usisa ng matanda. Lalong naglitawan ang wrinkles nito sa noo.
" Hindi kami nagsisinungaling Mommy kahit tanungin mo pa si Tita."
Tila nagulat naman ang Nanay niya sa sinabing iyon ng kaibigan. Ngunit napilitan na lang din itong tumango para matapos na. Malamang ay nakokonsenya na rin ito sa pagsisinungaling nila.
Ngunit tila duda pa rin ang matanda ng mga oras na iyon.
" Parang hindi naman ako makapaniwala na hahayaan mong makasal ang anak mo sa Damon na iyon?"
" Ah,eh, kasi po w-wala n-naman akong magagawa kung n-nagmamahalan sila,eh," nauutal pang tugon nito.
Tila gusto niyang masuka sa sinabing iyon ng Ina, pinagpawisan pa siya ng malapot. Pakiramdam niya ay tila sila mga puppet na sunod-sunuran lang sa kaibigan.
" At that age, seriously, Camilla?" usisa pa rin ng matanda at bumaling sa kaniya.
" Po? Kasi po,ano, eh-" nabigla niyang sagot ngunit agad na pinutol ito ng kaibigan.
" Mom, tama na iyan. Gabi na kailangan ng magpahinga nina Camilla."
" I still not convince, paano kung nagsisinungaling lang kayo, ha? This is your last chance, Athena. If i saw something suspicious about you ang Damon i will never forgive you!"
Matapos ay tumalikod na ito. Tila nakahinga naman sila ng maluwag dahil doon. Pati ang nanay niya na sumakit na rin ang ulo dahil sa pag-aalala kaya nauna na rin itong pumasok sa loob ng kwarto.
" Bes, naman. Nakakawindang naman 'yung sinabi mo kay Tita. Ano ka ba?Nakarating ka na sa kasalan,ah!" natatawa pa niyang biro dito.
Gusto niyang magalit sa kaibigan ngunit pagak na tawa ang lumabas.
" We have to talk, Bes!" seryoso nitong wika na hindi niya malaman kung bakit siya binundol ng kaba.
Hinila siya nito sa kamay at dinala sa pool.
" Bes, gabi na. Bukas na lang natin 'to ituloy. Saka na tayo mag-isip ng paraan kung paano mabubura sa isip ni Tita ang mga sinabi mo kanina."
Bakas sa mukha niya ang pagod at antok sa buong araw na nangyari. Ngunit nanatili lang itong nakatitig sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya at nakipag pinky-swear, nagtataka man ay ginawa na lang din niya.
" Remember our promise, Bes?"
Nalilito man ay tumango na lang siya sabay hikab. Naluluha na rin ang mata niya sa labis na antok.
" We made a promise if one of us needs a big favor hindi natin bibiguin, right?"
Muli na naman siyang napatango at napatitig sa seryosong dalaga. Pinisil muna nito ang kaniyang mga kamay bago muling nagsalita.
" Since then naman hindi ako humingi ng favor sa'yo, Besty 'di ba? But this time i really, badly needs your help," madiin pang wika nito. " Ang i'll promise, this is the last!" paniniyak ng dalaga.
" A-ano ba 'yun?" bahagya pa siyang pumiyok ng itanong iyon hindi niya malaman kung bakit siya kinakabahan ng bonggang-bongga.
" Please? Will you marry, him?" diretsahang sambit nito na sa pakiwari niya ay tila tumigil ang ang mundo niya. Para siyang nabingi ng mga oras na iyon.
Naglandas ang luha nito sa magkabilang pisngi habang hawak pa rin ang kamay niya. May lumabas na salita sa kaniyang bibig ngunit maski siya ay hindi niya naintindihan.
" I know this is crazy but i really desperate! Gusto ko lang mawala ang pagdududa sa isip ni Mommy para maging malaya na kami ni Damon."
" N-nagbibiro ka lang 'di ba?" natatawa pang tanong niya.
Nanginig ang kaniyang tuhod ng umiling ito. Pinahid nito ang luha bago muling nagsalita.
" Promise hindi naman magtatagal 'to, eh. Papaniwalain lang natin si Mommy and after that pwede na kayong maghiwalay!"
Napailing-iling siya bilang pagtutol. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat.
" No, please don't say that. Pag-isipan mo muna, Besty ang mga sinabi ko. Sa ngayon matulog na muna tayo para bukas makapag-usap na tayo ng maayos, okay?"
Tumalikod na ito upang pumasok sa loob. Gusto man niya itong tawagin, sigawan at sabihing nababaliw na ito ngunit hindi niya nagawa dahil na rin sa labis na pagkabigla.
Hindi niya namalayan na nakapasok na pala siya sa sariling kwarto. Nanghihina siyang napaupo sa kama habang mahimbing ng natutulog ang Ina.
" Tama, nagbibiro lang siya. Mukang naalog yata 'yung ulo dahil sa pagkakasampal ng Mommy niya, siguro bukas okay na siya," natatawa pa niyang sambit.
Imposible na seryoso talaga ang kaibigan. Matalino ito at alam nito ang ibig sabihin ng salitang pagpapakasal kaya malabong totohanin nga nito ang kahilingan. Malamang nga yata ay nabibigla lang ang kaibigan. Agad siyang nakatulog ng mahiga sa kama.
Kinabukasan nga ay tila nakalimutan niya na ang pinag-usapan nila ng kaibigan. Nadatnan pa niya ang mag-ina sa dining room na tahimik lang na nag-aalmusal. Tatalikod na sana siya ng tawagin siya ng kaibigan.
" Besty, 'lika na kain ka na!" alok nito sa kaniya.
Napilitan siyang bumalik at sumalo sa lamesa. Napasulyap pa siya sa matanda na tahimik lang na kumakain habang nagbabasa ito ng magazine. Hanggang sa matapos silang kumain ay wala silang imikan. Napaka awkward ng moment na iyon, dati naman ay magiliw na nakikipagkwentuhan pa sa kanila ang matanda.
Ayos na sana ang lahat dahil mukang nakalimutan na talaga ng kaibigan ang kabaliwang sinabi nito kagabi ng bigla itong bumulong bago pa sila makalapit sa kotse.
" After ng school, Bes. Susunduin kita, pag-uusapan natin ang sinabi ko kagabi sa'yo. Tinawagan ko na rin si Damon kagabi tungkol diyan."
Tila siya naestatwa dahil sa sinabi ng kaibigan. Kung hindi pa siya tinawag ng driver ay hindi siya magigising sa pagkabigla. Naiinis siya sa kadahilanang parang nakakasiguro ito na papayag siya sa gusto nitong mangyari. Umaarte itong tila ba napakaliit na bagay lang ang hinihingi nitong pabor sa kaniya.