WALA siyang gana nang mga oras na iyon habang naglalakad sa hallway ng university .Kapansin-pansin ang pananamlay, inis na inis siya sa kaibigan. Paano nitong nagawang hilingin na pakasalan ang nobyo nito talaga bang naloloka na ang kaibigan? Ganun ba talaga ang epekto kapag nawalan ng isang kidney?
" Babe." Mahinang tawag ng isang boses na kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Mico.
Sumabay ito sa paglakad sa kaniya at pasimpleng hinawakan siya sa kamay.
" Tara, Babe magkape muna tayo sa canteen," aya nito sa kaniya.
Humarap siya rito at matamang tinitigan ang binata. Sa kinakaharap na malaking problema para bang gusto niya na itong ayain na lumayo na sa lugar na iyon at pumunta na sa America.
" May problema ba, Babe?" tanong nito ng mapansin ang pananamlay ng kaniyang mukha.
Bigla ay natawa siya sa naisip, ano ba naman 'tong sumagi sa isip niya?
" Sige na, ilibre mo na ako ng kape," aniya matapos bumitaw sa pagkakahawak ng nobyo sa kaniyang kamay.
Ayaw niya ng banggitin pa sa nobyo ang kinakaharap na problema at baka pati ito ay ma-praning at sugurin pa ang dalawa. Tutal naman ay tatanggi siya sa kaibigan, hinding hindi siya papayag makasal kay Damon. Kahit pagpapanggap lang ay hindi niya gagawin yan ang itinatak niya sa bato.
" Hindi ako mapakali, alam kong may problema ka, Babe," pang uusisa pa rin ng nobyo.
Kasalukuyan na silang nasa cantene at humihigop ng mainit na kape.
" Wala pagod lang ako."
" Babe? I know you. Para saan pa at naging boyfriend mo'ko kung hindi naman ako makakatulong sa'yo."
Hindi siya umimik at patuloy lang sa paghigop ng kape.
" Sabi ko na may problema ka,eh. Just tell me, about ba sa financial? I can help you."
Sana lang talaga pera na lang ang naging problema niya dahil madali iyong solusyunan.
" Iyong parents kasi ni Athena may duda na sila na nagpapanggap lang kami ni Damon bilang magkarelasyon."
" Totoo? Ayos iyon, so ano? Stop na ba kayo sa pagpapanggap?
Hindi siya nakaimik kung ganon na lang sana ang nangyari laking pasasalamat niya dahil makakalaya na siya.
" Malungkot ka ba dahil nabuko na kayo? Ayaw mo ba 'nun para matigil na iyang kalokohan niyo? Maliban na lang kung may nararamdamam ka na sa kaniya?" Anito na may himig na pagseselos.
" Hindi!" asik niya.
Kung alam lang sana nito ang dahilan ng kaniyang lungkot.
Buong araw siyang walang gana halos hindi niya na rin naintindihan ang mga itinuturo ng kanilang prof.
dahil sa kaiisip. At nang hapon ngang iyon ay sinundo na siya ni Athena para makipagkita kay Damon. Kahit sa kotse ay hindi siya umiimik at naririnig niya rin na abala ito kausap ang nobyo. Bakit nga ba siya sumama pa rito, eh, pwede niya naman ng sabihin dito na hindi siya pumapayag sa gusto nitong mangyari? Bakit ba nawawalan siya ng lakas ng loob para tanggihan ito?
Ibang lugar ang pinuntahan nila at hindi sa resthouse, sinadya nila iyon upang iwasan ang posiblemg sumusunod sa kanila.. Nagawa rin nilang takasan ang driver nila at piniling sa taxi na sumakay. Naririnig niya ang pagtatalo ng dalawa na sa tingin niya ay tutol din si Damon sa gusto nitong mangyari. Nakaramdam siya ng bahagyang kapanatagan dahil sa pagkakataong iyon ay may kakampi siya. Sa isang hotel nila napiling i-meet ang lalaki. Nadatnan nilang nakaupo si Damon sa gilid ng kama at matiim ang tingin nito kay Athena. Kababakasan ng galit ang mukha ng lalaki dahil sa nagngangalit nitong mga panga.
" I don't understand kung bakit ayaw mong pumayag sa plano namin ni Camilla!" agad na bungad ni Athena sa nobyo.
" Plano niyo?Common, Athena this is only your plans God! Pwede ba, huwag na tayong mandamay ng ibang tao sa problema natin?!"
" Napag-usapan na namin ni Camilla iyon at pumayag siya ikaw na lang ang may problema!"
" Damn it! Look at your friend, ganyan ba ang itsura ng pumapayag?" ganting singhal nito na siya ang tinutukoy. " Isa pa, we can make another plans, sobra na 'to! Kasal ang pinag-uusapan, ibang usapan na iyon!"
" Anong plano? Ang maghiwalay na lang tayo ganoon ba? Tapos sasabihin mo theres a right time for us, s**t! Paulit-ulit na lang tayo!"
Naiinis na siya sa takbo ng usapan ng dalawa dahil talagang ipinipilit ni Athena ang gusto nito.
" I want you and Camilla get married at iyon lang ang nakikita kong paraan para mawala ang pagdududa ni Mommy at iyon ang gusto ko!"
" Gusto mo? Paano naman ang gusto ko?" Mahina niyang sambit ngunit sapat iyon para marinig ng dalawa kaya napalingon sa kaniya.
Hindi na siya nakatiis dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit.
" Tinanong mo na ba ako kung pumapayag ako kung okay lang sa akin ang plano, ha?!"
" Bes?" hindi makapaniwalang sambit ng kaibigan.
" See?" Ani ni Damon na muling napaupo sa kama at tila pinaubaya na sa kaniya ang lahat.
" You are being selfish, alam mo ba 'yun, ha?! Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko sa'yo! Paano naman ako? Paano naman ang kinabukasan ko?! Bes, may mga pangarap din ako!" naiiyak na niyang hiyaw.
" Bes, wala namang magbabago, eh! Mag-aaral ka pa rin, matutupad mo ang mga pangarap mo. And i promise, hindi ito magtatagal. Maybe a year? Or kahit a month lang basta makasal lang kayo," pakiusap pa rin nito.
" Hindi mo ako naiintindihan, eh! Kasal na ang pinag-uusapan natin dito. Alam mo mula ng tulungan mo ako sa operasyon ko, pakiramdam ko naging robot na ako na laging sunod-sunuran sa mga gusto mo.Sana hinayaan mo na lang ako mamatay!"
Hindi niya na napigilan emosyon na kumawala sa dibdib niya. Napansin niya rin ang paglandas ng luha sa pisngi ng kaibigan. Hindi ito makapaniwala sa magiging reaksyon niya.
" Itong magandang dress na suot ko? At itong buhok ko? Lahat naman ng ito ikaw ang may gusto, eh! Hindi ako 'to, ayoko nito!" Naghuhumiyaw niyang sambit. Para siyang loka-loka na halos punitin na ang suot na damit pati na rin ang pagsabunot niya sa sariling buhok.
" Bes,ano ka ba tigilan mo iyan!"
Hinihingal siyang napahinto sa ginagawa. Napatayo naman si Damon sa pagwawalang ginawa niya. Muli itong naupo habang sapo ang mukha.
" Alam mo? Hindi ako makapaniwalang kaya mong sirain ang buhay ng iba para lang sa sarili mong kagustuhan. Makasarili ka, Bes!"
Hilam na sa luha ang magkabila niyang pisngi. Tinangka pa siyang lapitan ni Athena pero lumayo siya at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Hindi na siya lumingon ng tawagin siya nito.
Lumuluha siyang lumabas ng hotel. Magulo ang isip na nagpalakad-lakad na hindi alam kung saan pupunta. Ayaw niya munang umuwi sa kanila dahil siguradong mag-uusisa ang nanay niya pag nakitang namumugto ang kaniyang mga mata. Nagpasya na lang siyang tawagan si Mico. Nagpasundo siya rito na agad namang tumalima ang lalaki. Nagulat pa ito at nagtaka kung bakit siya naroon at umiiyak.
" Ilayo mo ako dito, Mico please?" pakiusap pa niya.
Dumiretso sila sa resort na inupahan ng lalaki upang doon na lang muna magpalipas ng gabi at sama ng loob.
" Ano ba talaga nangyari, Babe?"may pag-aalalang tanong nito.
Nasa cottage sila ng resort at kasalukuyang nag-uusap. Humilig siya sa balikat ng lalaki at tahimik na umiyak.
" Okay, sige. Hahayaan na muna kita, but promise me bukas sasabihin mo kung ano ang problema, ha?" turan sa kaniya ng nobyo.
Mahigpit na lang siyang niyakap ng nobyo ng mga oras na iyon. Ayaw niya ng magkwento pa rito dahil alam niya na mas violent pa ang magiging reaksyon nito. Sapat na sa kaniya sa mga oras na iyon na mayroon siyang karamay at masasandalan.
Ito ang kauna-unahang pagtatalo nila ni Athena. Kahit noong mga bata pa sila kahit simpleng tampuhan ay hindi nila nagawa. Masayahin at mabait kasi si Athena ni hindi mo ito mariringgan ng mga rants sa buhay, puro positive lang. Alam niyang parang sumobra yata siya sa mga nasabi at nakita niya na nasaktan talaga ang kaibigan. Si Athena na binigay lahat ng uri ng tulong na kailangan niya maging ang issng kidney nito ay nagawang ibigay mailigtas lang siya. Ngunit sa huli ay tinawag niyang sakim.
Kinabukasan ay nagising siya sa isang kwarto. Nilibot niya ang paningin, naalala niya hinatid nga pala siya ni Mico sa okupadong kwarto ng resort. Nakatulog agad siya sa sobrang pagod sa kaiiyak.
Lumabas siya ng kwarto upang hanapin ang binata at natanawan niya ito sa isang cottage. Kasalukuyan itong nag iihaw ng karne at seafoods. Napangiti ito ng matanawan siya. Nang sulyapan niya ang wristwatch ay pasado alas nuebe na ng umaga. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa Ina kung bakit hindi siya nakauwi kagabi, siguradong kurot sa singit ang matitikman niya mula rito.
" Good morning, Babe!" bati nito sa kaniya nang makalapit siya.
" Bakit hindi mo ko ginising hindi tuloy ako nakapasok."
Matapos ay kumuha siya ng isang stick ng karne at kumain.
" I just want you to get rest, hindi ka naman siguro babagsak sa isang araw na hindi mo pagpasok," anito na isa-isa ng kinuha ang mga barbecue at inilagay sa isang plato at tumabi na sa kaniya. " Now tell me, ano bang problema?"
Nahinto siya sa pag nguya at napatitig sa boyfriend.
" W-wala naman," pagsisinungaling niya.
" Babe, alam kong may problema ka. Iyak ka ng iyak kagabi tapos sasabihin mo wala? At anong ginagawa mo sa lugar na 'yun, sinong kasama mo?"
Hindi niya alam kung anong sasabihin sa nobyo. Ayaw niyang ikwento dito ang nangyari kagabi ngunit alam niya ring hindi ito titigil ng kakatanong sa kaniya.
" Saka ko na lang sasabihin sa'yo pag naayos ko na. Sa ngayon umuwi na tayo kasi siguradong nag-aalala na si mama."
" Babe naman? Para saan pa at-"
" Please?" putol niya sa sasabihin nito.
Napabuntong-hininga ang binata at sumang-ayon na lang.
" Okay, after nating kumain ihahatid na kita."
Matapos kumain ay inihatid na nga siya ng nobyo at katakot-takot na sermon naman ang napala niya sa kaniyang Ina. Ngunit lalo siyang nagulat nang sabihin nitong pati si Athena ay hindi pa rin pala umuuwi mula pa kagabi. Hindi naman ugali ng kaibigan ang magpalipas ng gabi sa ibang bahay kahit kasama pa nito si Damon. At dahil doon ay nagpasya na lang siyang tawagan si Damon.
" Buti na lang wala si Mrs. Romualdez, maaga pa lang bumiyahe na siya kaya hindi niya napansing hindi umuwi si Athena. Hay, kayo talagang mga bata kayo!" galit pa ring turan ng kaniyang Ina.
" Damon, nasaan si Athena kasama mo pa ba?"
" She's not here. Pag gising ko kaninang umaga wala na siya dito hindi ko rin siya makontak," tugon ni Damon sa kabilang linya.
Halata sa boses nito ang pangangamba. Lalo siyang kinabahan dahil hindi naman ugali ng kaibigan ang magpatay ng cellphone. Pilit niyang inalis sa isipan na baka masyadong dinibdib ng kaibigan ang mga sinabi niya pati na rin ang nangyari sa pagitan nito at ng nobyo kaya naisipan na namang may gawin itong hindi maganda sa sarili.