Chapter 22

1621 Words
NAGPASYA siyang makipagkita sa binata para klaruhin ang sinabi nito. Napagalitan pa niya ang lalaki dahil bakit hinayaan nitong makaalis ang kaibigan. " Ano ka ba naman, Damon alam mo namang masama ang loob niya 'di ba? Bakit naging kampante ka?!" " Okay naman siya kagabi, eh. But don't worry, i'll try to find her," nalilitong sagot ng binata. " Saan naman?" Hindi nakaimik ang binata. Balisa ito at kababakasan ng sobrang pag-aalala. " Baka nasa resthouse siya?" " Sige, pupuntahan ko!" akma na itong aalis. " Sasama ako," aniya at sumunod na rin sa lalaki. Lulan sila ng kotse, pareho silang balisa ng lalaki ng mga oras na iyon. Gusto niya tuloy pagsisihan ang ginawa at sinabing masasakit na salita sa kaibigan. Hindi niya mapapatawad ang sarili sa oras na may mangyaring masama dito. Nang marating nila ang resthouse ay agad na pumasok sa loob si Damon. Maging sa second floor ng resthouse ay hinalughog ng lalaki ngunit wala ito. Pawis na pawis ito ng bumaba at hinihingal. Hindi niya na hinintay na magsalita ito at agad niyang tinakbo ang tabing dagat. Umaasang naroon ang kaibigan at baka naglalakad-lakad lang ngunit ni anino nito ay wala. " Bes, nasaan ka na?!Please, magpakita ka na, oh?!" Mangiyak-ngiyak niyang sigaw. Nasa likuran niya si Damon na tila tuliro na rin, napaluhod ito sa buhanginan at nasapo ang mukha. Tila wala siya sa sariling nagpatakbo-takbo sa buhanginan inaalam kung may bakas man lang ng kaibigan ngunit bigo pa rin siya. " Hindi 'to puwede," aniya habang iniisip ang maaring ginawa ng kaibigan. Agad siyang napaluha sa naisip. Maya-maya ay tila baliw niyang tinakbo ang gitna ng dagat. Desperado na siyang mahanap ang kaibigan. Ngunit agad naman siyang sinundan ni Damon at hinila sa kamay. " Ano bang ginagawa mo? Huminahon ka nga!" anito habang pigil siya sa kamay. Pareho na silang basa ng tubig dagat. " Bitawan mo nga ako, hahanapin ko si Athena!" Nagpupumiglas siya ngunit ayaw pa rin siyang pakawalan nito. " Hindi magagawa ni Athena ang iniisip mo!" pagpapahinahon nito sa kaniya. " Anong hindi? Nagawa niya na dati at hindi malabong gawin niya ulit 'yun at kasalanan ko!" umiiyak niyang sigaw. Hinila siya ng lalaki hanggang makarating sila sa pampang. Hindi niya napigilan ang sarili na sisihin din ang binata. " Kasalanan mo ang lahat ng 'to, Damon! Kung bakit naman kasi tutol sa inyo ang parents niya, kasalanan mo talaga 'to!" singhal niya sa lalaki na namumula na rin ang mata. Tuluyan na siyang napalahaw ng iyak habang napaupo sa buhanginan. Matagal sila sa ganoong posisyon habang nanatiling nakatayo lang si Damon sa harapan niya wala siyang humpay sa pag-iyak. Nang mapagod ay tahimik na nilang pinagmasdan ang karagatan na tila ba inaabangan ang pag-ahon ni Athena. Pareho silang tulala at hindi alam ang susunod na gagawin. Hindi alam kung saan pa maaaring hanapin ang kaibigan. " I-report na natin 'to sa pulis para matulungan tayong hanapin si Bes." Maya-maya ay mungkahi. " It's not yet 24 hours since she's missing," matamlay na sagot ni Damon. " Magpatulong na tayo sa mga coastguard, baka kasi-" naputol ang sasabihin niya. " No! Hindi gagawin ni Athena ang iniisip mo, okay?! Hindi ako papayag" mariing wika nito. Sa unang pagkakataon ay noon niya lang nakita ang binata na tila tuliro. Maya-maya ay tumayo ito. " Hahanapin ko siya kahit saan." Sinundan niya ang lalaki na sa tingin niya ay wala na rin sa sariling katinuan. Siya naman ang pilit na nagpapakalma dito. " Saan mo naman siya hahanapin?" " Hindi ko alam, kahit saan! Kung maaari ay lilibutin ko ang buong lansangan para lang mahanap siya gagawin ko!" " Dios ko naman para kang naghahanap ng karayom sa gitna ng palayan niyan! Damon, hindi ito ang oras para matuliro ka, umayos ka nga!" Napahinga ng malalim ang lalaki at napapikit ito ng mariin. Nakikita niya na pilit itong nagpapakahinahon. " Okay, ihahatid na kita sa inyo," mahinahon ng sambit nito. " Tingin mo ba makakapagpahinga ako habang hindi ko alam kung nasaan si Athena?" " I will update you na lang, for now umuwi ka na sa inyo at magpahinga." " Ayoko! Sasama ako sa'yo sa paghahanap. Hindi naman magagawa ni Athena iyon kung hindi dahil sa mga sinabi ko, eh!" Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay wala siyang kwentang kaibigan. Malamang ay malaki ang naging expectation nito na papayag siya sa hiniling nito. Ngunit binigo niya ito at pinagsalitaan pa ng masasakit. Pwede naman sanang kausapin ng maayos pero pinili niya ang magpadala sa init ng ulo. " Kung bakit naman kasi ang dami niyang pwedeng hilingin ang pagpapakasal pa?!" naiiyak na naman niyang turan. " That's why i don't want you to get involve in this problem. Kaya sige na magpahinga ka na sa inyo para makapagpalit ka na rin ng damit." Ngunit sa halip ay naupo siya sa terrace ng resthouse at humalukipkip. Napabuntong hininga naman ang lalaki at pumasok sa loob ng kotse at may kinuha. " Wear this, baka kasi magkasakit ka kapag natuyo sa katawan mo yang damit mo." Nag-alangan siyang kuhanin ang inabot ng lalaki. Isa itong longsleeve polo na tingin niya ay lagpas tuhod naman ang haba kapag naisuot niya na. Mabuti na lang at naka cycling siya kaya hindi gaanong awkward kapag naisuot niya na. Nang makapagpalit na siya ay handa na sana silang umalis ngunit biglang tumunog ang kaniyang tiyan. Sabay pa silang napatingin sa tiyan niya ng lalaki. Bago tuluyang hanapin ang kaibigan kung saan saan ay dumaan muna sila sa isang fastfood chain para magtake-out ng pagkain. Walang kasiguraduhan ang lakad nila na iyon ng lalaki. Patuloy lang sa pagdrive si Damon habang palinga-linga naman siya habang kumakain. Muling nanumbalik sa kaniya ang alaala nila ng kaibigan kung saan nangako sila sa isa't-isa na sino man sa kanila ang mangailangan ng tulong ay hindi nila bibiguin. Napapikit siya ng mariin, hindi siya tumupad sa usapan nila. Gusto niyang humingi ng sorry dito na sana lang ay hindi pa huli ang lahat. Nang magdilim ay nagpasya na lang silang bumalik sa resthouse, pareho silang lupaypay at wala sa sarili. Ngunit malayo pa lang ay tanaw na nya si Mico. Malayo pa lang ay kita niya na ang nagdidilim nitong itsura. " Anong ginagawa mo rito?"tanong niya sa nobyo. " Ako dapat ang magtanong niyan 'di ba? Anong ginagawa niyong dalawa?" anito na matalim ang tingin kay Damon. " Hinahanap namin si Athena, nawawala kasi siya," tugon niya sa nobyo. Agad na nagbago ang expression ng mukha nito at huminahon. " Bakit hindi mo sinabi sa akin, eh 'di dapat nasamahan kita?Tska bakit ganyan ang suot mo?" " Sige na, iuwi mo na si Camilla. Kailangan ko lang ituloy ang paghahanap kay Athena." Tumalikod na ito at muling sumakay ng kotse. Hatid niya ng tanaw ang papalayong binata. Wala siyang ideya kung paano nito magagawang hanapin pa si Athena gayong kanina pa silang laman ng lansangan para mahanap lang ang kaibigan. Naramdaman niya ang paghawak ng kamay ni Mico sa palad niya na tila nagbigay sa kaniya ng kapanatagan. Hinarap siya nito at tinitigan ang mukha niya saka siya hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. Napakasarap sa pakiramdam ng ginawa na iyon ng nobyo, gusto niyang maiyak. Laking pasalamat niya at nandito ito palagi sa tabi niya. " Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya habang nakakulong pa rin sa bisig ng nobyo. " Basta alam ko lang na nandito ka, naramdaman ko." " Ang lakas pala ng radar mo, ah?" Hinarap siya nito at muling tinitigan sa mga mata. Hinila niya ito sa madilim na bahagi ng resthouse baka kasi may lihim na namang nakamasid sa kanila. Ang pangyayaring iyon kasi ang nagdala sa kanila sa ganitong sitwasyon, ang pagiging pabaya nila. " Yes. At alam kong may problema ka, now tell me ano ba talagang nangyayari?" Napatitig siya sa nobyo, hindi niya pa rin puwedeng sabihin dito ang totoong nangyayari. Kaya imbis na sagutin ang tanong ay hinalikan niya na lang ito sa mga labi na ginantihan din naman ng mainit na halik ng binata. ** PAKIRAMDAM ni Damon nang mga oras na iyon ay mababaliw na siya. Hindi niya na alam kung saan at paano hahanapin ang nobya. Wala rin naman siyang alam na ibang kakilala na pwede nitong puntahan. Kung pumayag lang sana siya at hindi na kumontra pa sa gusto nito ay wala na sanang problema. Nakaramdam siya ng sobrang takot dahil sa pagkawala ng nobya na baka may ginawa na nga ito sa sarili. Iiwan rin ba kaya siya nito gaya ginawa ng Daddy niya? Saglit na inihinto ang sasakyan at matamang nag-isip. Wala siyang ideya. Walang plano na sumasagi sa isip niya. Malalim na ang gabi at patang pata na rin ang katawan niya sa kanina pang paroot-parito. Aalis na sana siya ng isang pamilyar na mukha ang bigla ay nasulyapan niya sa kaniyang rear view mirror, si Athena. Tulala ito habang nagpapalakad-lakad. " Paanong?" Agad siyang bumaba sa kotse para lapitan ang dalaga. Nagulat pa ito ng makita siya. Awang-awa siya sa itsura nito, tila ito wala sa sarili. Ngunit ng hahawakan niya na sana ito ay bigla itong nabuwal at nawalan ng malay. " s**t! Athena." Binuhat niya ito at pinasok sa kotse. Bahagya niyang tinapik ang mukha nito para gisingin. Nilibot niya ang paningin. Malayo ito sa hotel na pinuntahan nila. Base sa itsura nito ay buong araw itong naglakad mula ng mawala. Inihiga niya na ang ang nobya at sinimulan ng paandarin ang kotse para dalhin sa ospital ang nobya. Habang nasa biyahe ay tinawagan niya si Camilla para sabihang nakita niya na ito at para ibigay ang exact address ng ospital na pupuntahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD