KASAMA ang nobyo ay agad nilang pinuntahan ang ospital na sinabi ni Damon. May kalayuan ito sa resthouse kaya natagalan ang kanilang biyahe. Naabutan nila itong tulog habang nasa tabi nito si Damon at hawak ang kamay ng nobya.
" Anong nangyari? Kumusta na siya? Saan mo siya nakita?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki.
" She's okay now sabi ng Doctor. Masyado lang siyang napagod. Na dehydrate din siya dahil sa buong maghapon na hindi pag inom," matamlay nitong tugon.
Natutop niya ang bibig dahil sa narinig. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kaibigan pati ang mga paa nito na nagkasugat-sugat, malamang ay dahil sa buong araw na paglalakad. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ni Athena.
" Saan mo siya nakita?"
" Masyado ng malayo sa hotel na pinuntahan natin."
Kung anuman ang dahilan ng kaibigan para gawin iyon ay hindi niya alam. Kung bakit nito nagawang maglakad ng ganoon kalayo.
" You can rest now, sige na umuwi ka na." Maya-maya ay sambit ni Damon.
" Hihintayin ko siyang magising," tugon niya rito.
"Sa tingin ko baka bukas pa siya magising dahil sa sobrang pagod sa layo ng nilakad niya. I will call you pag nagising na siya.
" Sige na, hon, let's go,ihahatid na kita," pukaw ni Mico sa kaniya.
Gusto pa sana niyang hintayin na magising ang kaibigan,gusto niyang masiguro na okay na ito ngunit naroon naman si Damon at nangakong tatawagan siya sa oras na magising ito at dahil doon ay napanatag na siya.
" Wala ka ba talagang balak magkwento kung ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ginawa 'yun ng kaibigan mo?" pang-uusisa ni Mico.
Nasa harap na sila ng mansion at nasa loob pa rin ng kotse ng nobyo.
" Pagod na ako, gusto ko ng magpahinga," aniya na hindi tumitingin sa lalaki.
Napabuntung-hininga ito bago nagsalita. "Pag ready ka na mgkwento, sabihin mo lang,ah? I'm your boyfriend, pwede mong sabihin sa akin ang lahat ng problema mo," anito at ginagap ang kamay niya.
Humarap siya dito at pilit na ngumiti.
" Salamat. Sige na papasok na ako."
Nagprisinta ang binata na maihatid siya sa loob ngunit tumanggi na siya. Aniya, patuloy pa rin sila sa pagpapanggap kaya hindi pwedeng makita na palagi na lang silang magkasama.
Humahangos na sumalubong sa kaniya ang Ina para mag usisa. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
" Kumusta na si Athena?"
" Okay na siya, Ma," matamlay niyang sagot. " Ma, 'wag niyo na po sana sabihin sa mommy niya ang nangyari,ah?" pakiusap niya sa Ina.
" Ano pa nga ba? Mag-uusisa pa 'yun tapos panibagong kasinungalungan na naman ang sasabihin natin. Nakakahiya na sa kanila, marami na tayong kasinungalingang sinasabi sa kanila," anito na sapo ang ulo na sumakit yata dahil sa konsumisyon.
Nagpasya na lang siyang pumasok sa kwarto para magpahinga na,dahil may pasok pa siya. Ang importante sa kaniya sa ngayon ay nakita na ang kaibigan at ligtas ito. Bukas din pag nagising ito, kakausapin niya ang kaibigan para humingi ng sorry sa lahat ng masasakit na sinabi niya. At nang gabi ngang iyon ay nakatulog siya sa labis na pagod.
Tila naalimpungatan siya ng marinig ang malakas na pag ring ng cellphone niya. Nag-aalarm iyon. Ngunit agad siyang napabalikwas nang maalalang baka nagising na ang kaibigan. Tinignan niya ang cellphone kung tumawag na ba ang binata at marami nga itong missed calls. May nareceive pa siyang text,anito na nagpumilit ang kaibigan na makauwi na. Agad siyang lumabas at hinanap ito. Nagpasya siyang puntahan ito sa kwarto,naabutan niya itong nagsusuklay ng buhok.
" Bes?!" tawag niya rito.
Lumingon ito sa kaniya, blangko ang expression ng mukha nito.
" Okay ka na? Bakit lumabas ka kaagad ng ospital at bakit mo ba ginawa iyon?!" Aniya ng makalapit.
" I'll try to find you bigla ka kasing umalis,eh."
" Ha? Ng naglalakad?" taka niyang tanong dito. Mukhang naloloka na talaga ang kaibigan naglakad lang ito para hanapin siya, parang tanga lang?
" I'm desperate that time. Hindi ko alam naging selfish na pala ako, sorry, Bes,ah?" tila sarkastikong sambit nito.
Naninibago man sa ikinikilos ng kaibigan ay pilit niya na lang 'wag intindihin. Sa dami ng ginawa nitong nakakagulat ay mukhang kailangan niya ng masanay.
" O-okay lang, sorry din sa mga nasabi ko,"tanging nasambit niya.
Tumayo ito at muling nahiga sa kama niya.
" Hindi ka ba papasok?"
" No, para ano pa? Hindi rin naman ako makapagdecide para sa sarili ko. It's nonsense," malamig na tugon nito.
" Anong ibig mong sabihin?"
" Please close the door when you leave."
Nalilito man ay hinayaan niya na muna ang kaibigan. Malamang ay hindi pa rin maganda ang pakiramdam nito dahil sa nangyari. Inihanda niya na lang ang sarili para sa pagpasok.Hindi siya nakapasok ng isang araw kaya pakiramdam niya ay marami siyang na-missed na lessons.
Naging busy na siya matapos ang ilang araw. Malapit na rin kasi ang OJT niya kaya doon na lang nakapokus ang atensyon niya. Hindi na rin siya sinusundo ni Damon, malamang ay tapos na ang lahat ng pagpapanggap nila. Ni hindi na nila muling napag-usapan pa ng kaibigan ang nangyari kaya inisip niyang okay na ang lahat. Gusto niya ng kalimutan ang mga nangyari kaya inabala niya ang sarili sa pag-aaral. Normal naman na ang kilos nito kapag nakikita niya ito, pumapasok sa school araw-araw kaya napanatag na siya. Hindi na rin nila magawang makapagkwentuhan dahil masyado na siyang abala at ganoon din naman ito. Tila nakalimutan na nila ang nangyari at mabilis na lang itong lumipas kaya tila nabunutan na siya ng tinik sa dibdib.
***
HINDI makapaniwala si Damon ng makatanggap ng tawag mula kay Athena. Nasa isang bar ito at mukhang lasing. Agad niya itong pinuntahan para lang magulat ulit sa ginagawa ng nobya. Hindi kasi ito ang unang beses na tumawag ito sa kaniya upang makipagkita.
May kasayaw pa itong lalaki sa dance floor. Ilang araw na din silang hindi nagkikita dahil sa patuloy nilang pag-iwas sa isa't-isa.
" Babe, what the hell are you doing?" hinila niya ito sa kamay.
" Let's enjoy this night, Babe!"
" No, halika na iuuwi na kita!" Ngunit pinigilan siya ng lalaking kasayaw nito.
" Pare, teka lang, sino ka ba at bigla mong hinihila 'tong kasayaw ko?" maangas na tanong ng lalaki sa kaniya.
" Girlfriend ko siya, bakit may problema ba?" aniya ng hinarap ang lalaking kasayaw ng nobya.
" Okay, okay! Akala ko kasi wala siyang kasama,eh," nakangising sagot nito habang muling tinapunan ng tingin ang sexy na katawan ng dalaga.
Ngayon niya lang napansin ang suot nito. Naka miniskirt at blouse na labas ang balikat na halos kita na rin ang cleavage ng nobya. Agad niyang hinubad ang jacket na suot at isinuot sa dalaga. Pagewang-gewang na rin ito kung maglakad tanda ng kalasingan.
" Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Athena? Are you crazy?" aniya ng nasa labas na sila ng bar.
" I'm just enjoying my miserable life!" tila naiirita nitong sagot.
" In that way? Akala mo ba hindi ko alam na hindi ka na pumapasok sa school niyo, sinisira mo ba ang buhay mo? At bakit ba palagi kang umiinom?!"
Naninibago siya sa ipinapakitang kilos nito. Ang hindi pagpasok sa school at ang palagiang pag gimik kasama ng mga kaibigan na hindi niya alam kung saan nakilala ng dalaga.
" Bakit? Matagal naman ng sira ang buhay ko,ah? Mula ng tumanggi ka sa gusto ko! Kayo ni Camilla!" singhal nito sa kaniya. " Oh, wait pati pala ang parents ko who is trying to control my life!" tumawa ito ng pagak.
Napatitig siya sa dalaga,hanggang ngayon pala ay labis pa rin nitong dinidibdib ang pagtanggi niya sa gusto nitong mangyari.
" And my bestfriend na iniwan ako sa ere after all i've done to her!" muli ay bulong nito at muling tumawa.
" Umuwi na tayo, lasing ka na," aniya na hindi na pinansin ang mga rants ng nobya. Ayaw niyang makipagtalo sa lasing.
Sinimulan niya ng paandarin ang kotse. Ngunit niyakap siya ng nobya.
" Please don't take me home first, ngayon lang ulit tayo nagkita remember?" Animo isang bata na naglalambing sa kaniya.
Napahinga siya ng malalim at ginantihan na rin ang yakap nito. Narinig niya itong umiiyak at ramdam niya ang labis na paghihirap ng kalooban nito. Hinayaan niya muna ito hanggang sa kumalma na ang babae.
" Please don't do this again, i do'nt want you to ruin your life for me," aniya sa mahinahon na boses.
Hindi umimik ang nobya, namumungay pa rin ang mga mata nito dahil sa epekto pa rin ng alak. Maya-maya ay bigla itong lumabas at nagsusuka. Sinundan niya ito at hinimas ang likod ng nobya, hindi naman kasi ito sanay uminom. Inalalayan niya na itong pumasok sa kotse ngunit nagmatigas ang dalaga.
" Ayoko munang umuwi, ayoko nang umuwi sa'min! Doon mo na lang ako iuwi sa inyo, Babe."
Napapailing na lang siya sa ikinikilos ng nobya. Tinangka pa nitong tumakbo upang takasan siya mabuti na lang at mabilis niyang nahabol ito.
" Let me go, galit ako sa'yo, i hate you!" anito pa.
" Babe, please? Huwag ka na makulit kailangan na kitang iuwi sa inyo."
" Uuwi lang tayo pag sa bahay mo tayo pumunta!" asik pa nito.
" Pag ginawa natin 'yun lalo lang hindi maniniwala ang Mommy mo na wala tayong relasyon, gusto mo ba 'yun?"
Pinipilit niyang ipinapaunawa sa nobya ang sitwasyon nila at intindihin ito sa kabila ng tila pagkawala nito sa sarili. Napatitig lang sa kaniya ang nobya at tila natauhan na sa ikinikilos niya. May sumilay na luha sa mga mata nito. Binuhat niya na ito upang ipasok sa kotse at agad niya ng pinaandar bago pa mag-iba ang mood nito. Habang nasa biyahe ay panaka-naka niyang sinusulyapan ang nakatulog ng nobya. Napahinga siya ng malalim nang muling maalala na wala na nga pala siyang trabahong babalikan. Tuluyan na siyang inalis sa kompanya ng mga magulang ng nobya bilang shareholders tiyak na lalo lang magagalit ito pag nalaman ito ng babae. At dahil maliit lang naman ang share niya sa kompanya kaya ganoon kadali siya napatalsik ng mga ito. At ngayon,kailangan niyang mag-isip ng bagong paraan kung paano mapapaunlad ang perang pinagbentahan niya ng shares niya. Marami siyang iniisip at kinakaharap na problema na kailangan niyang magawan ng paraan na mag-isa at isa na doon ang nobya na unti-unting sinisira ang sarili.