“Who was that you were talking to on the phone?” pormal ang tinig na tanong ni Helios kay Wolfe. Walang pagmamadaling hinawakan niya ang kristal na basong may lamang whisky at dinala sa labi niya. Sinimsim niya iyon, habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa screen ng laptop. Nasa loob siya ng kanyang opisina sa mansiyon ng villa. Samantalang si Wolfe na kausap niya ay nasa kompanya nito sa Farkas Apex. They were in a virtual meeting via video conference. Dalawa lang sila ang nag-uusap. They were discussing about investments and business expansion. Nagrereklamo na kasi si Perseia na tambak na ang mga trabahong kailangang tapusin sa Vasileía. Ayaw na raw nitong solohin iyon. She was still working offsite, even when in Santa Catalina. So, he decided to work even while away from the compan

