Bumasag ang malakas na tili ni Riva sa malaking bahay ng mga Morenzo. Nagulat si Sev at napalingap sa fiancée. Magkasama sila sa sala, pero ang dalaga ay walang tigil sa pagkutingting sa bago nitong cellphone. The woman was clearly upset. Nanlalalim ang palibot ng mga mata nito. Hindi nito ma-retrieve ang mga account nito sa social media kahit sino pa ang lapitan nito. “Another problem?” tanong niya rito, nakakunot-noo. “Yes!” Naglapat nang mariin ang mga ngipin nito, kumuyom ang mga kamay. “What is it this time? Another terminated c*ntract?” Hindi niya pa man nakikita ang bagong dahilan ng pagtili ni Riva ay napu-frustrate na siya. Nag-iisip siya kung paano lilinisin ang pangalan nito, pero wala siyang maisip na solusyon. “Riva,” untag niya rito nang hindi agad ito sumagot. Hindi p

