“Ano ba talaga ang kasalanan ko sa ’yo? Ano ang atraso ko?” namumutlang tanong ni Severen. Hindi nagbago ang anyo ng mukha ni Helios, salat pa rin iyon sa emosyon. Patuloy niya lang na pinukol ng malamig na tingin ang binata. Binitiwan ni Helios ang kamay ng lalaki at kaswal na pinagmasdan ang pagbagsak nito sa sahig. Takot na takot ito. Kahit na hindi pa nito sabihin iyon ay naghuhumiyaw ang takot sa ekspresyon ng mukha ng binata. The wolfdogs moved forward, growls vibrating through the air, their bodies moving in a deadly circle around Sev. Naging papel na ang kulay ng mukha ng binata. “Ipapalapa n’yo ba ako sa mga dambuhalang aso n’yo? Hindi n’yo ako puwedeng patayin dito! Hahanapin ako ng mga magulang ko!” Sinenyasan ni Helios ang mga tauhan na hawakan na ito. “Tapon n’yo na iy

