CHAPTER 44

2025 Words

“Kanina pa ako rito sa labas! Hindi n’yo pa rin ba ako papapasukin?” nangangatal sa lamig na tanong ni Severen. Nilakasan niya ang boses niya dahil nilulunod lang iyon ng ingay mula sa malakas na buhos ng ulan. Mariing nakakuyom ang mga kamao niya dahil sa sobrang lamig at dahil ramdam niyang sobrang liit ng tingin sa kanya ng mga de Crassus. Si Wolfe Virelli talaga ang gusto niyang makausap. Pero nasa Germany ito. At hindi puwedeng wala siyang gawin dahil kung hindi maaayos ang gusot sa Morenzo CoreTech, ay kailangan niya talagang pakasalan si Riva. Pagkatapos ng mga natuklasan niya tungkol dito, hindi na buo sa loob niya ang iharap ito sa altar. Naisip niyang lunukin ang takot at pumunta na lang sa Villa Serpentis. Nandoon daw si Helios de Crassus. Sana lang ay hindi siya nito ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD