"s**t! Hindi ko talaga makalimutan iyon!" tili ng puso ni Maricon habang nakahawak sa labi. Kahit isang linggo na ang nakakalipas, hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na parang nasa labi pa rin niya ang mainit na labi ni Baldassare. Everything was still so clear to her. Everything was still so dear to her. Mayroon pa rin namang magagandang alaala si Maricon bukod sa halik na iyon pero ewan ba niya. Ang moment nilang iyon ni Baldassare ay ang parang isa na sa pinakamasayang araw ng buhay niya. Pakiramdam kasi niya ay binago siya nang halik na iyon. Deep within her heart, she felt something weird inside. It was good though. It was... bliss. Mabuti na lang ay naipasa na niya ang isa pang manuscript na sequel din ng huling approve niya. Nagagawa na niya ngayong magpagulong-gulong sa kama ha

