"Nasa labas kaya siya?" pigil hiningang tanong ni Maricon sa sarili at pinakiramdaman si Baldassare sa labas ng kuwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya basta makalapit dito. Inaasar kasi siya nito dahil sa nangyari. Magmula noon ay hindi na ito tumigil kaka-flirt. At nauuwi iyon sa asaran na sa huli ay Maricon ang natatalo. Palibhasa ay mayroon siyang gusto kay Baldassare. Mas nauuna siyang maapektuhan. At kapag malapit nang mabisto ang damdamin ay umiiwas na siya saka nagkukulong sa kuwarto—bagay na itinatawa na lang ni Baldassare. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi siya puwedeng magkulong. Kailangan niyang lumabas para magpunta sa office at kuhanin ang payment niya sa huling approve. Balak din niyang dumaan sa bookstore para bumili ng supplies. Ubos na ang notebook na sinusulat n

