Pagdating sa bahay ni Zoe ay agad siyang sinalubong nang ama.
“Sa'an ka galing? Sa babae na naman iyun? Sinusubok mo talaga ang pasensiya ko. Gusto mo ba talaga na pag usapan tayo ng karamihan? Gusto mo ba talagang sirain ang reputasyon na pinaghirapan ko Zoe? Don’t you dare na ipagpatuloy ang relasyon sa babae na iyun alam mo ang kaya kong gawin.”
“Yan lang ba talaga ang importante sayo dad ang reputasyon. Paikutin ang ang mundo ko ayun sa kagustohan mo.? Don’t worry dad wag mo na alalahanin si Lexie o magsayang ng pera at panahon ni let go na ako ni Lexie. Her parents don’t want to see me again. They were afraid of you. Ngayon pwede ka na magcelebrate.”
“Good at marunong din pala mag isip ng tama ang babae na iyun.”
“Don’t you dare talk like that to Lexie dad. She has a pure heart not like you.”
“Ayaw ko na pahabain ang lahat ng ito Zoe. Ayaw ko nang makipagdiscussion. Ang gusto ko lang naman bilang ama mo is what’s the best for you.”
“No dad you didn’t know what’s best for me. This, lahat ng gusto mo it’s the best for you hindi sa akin. At kung sa akala mo I will change my true identity para lang e pleased ka, no! Kahit kelan di ko na ededeny sa sarili ko kong ano ako. Kahit saan mo pa ako ipapadala expect that will still a lesbian. Kaya wag mo na pangarapin na kaya mo pa ako baguhin. Ayaw kung makulong sa mga kagustohan mo.”
Nag iba ang mukha ni Diego. It was the first time that Zoe saw his dad with dark face.
“Then if it is like that. You want freedom then ibibigay ko sayo. Umalis ka. Sundin mo ang gusto mo. Tingnan natin saan ka dadalhin ng sinasabi mo. Ayaw kong pati kaming pamilya mo ipapahiya mo sa katarantaduhan mo. From now on I have no daughter.”
“So mas pipiliin mong mawala ako kaysa tanggapin ako dad. Bakit di mo nakikita na kahit pa tomboy ako im still your daughter. Ako parin to.”
“Kahit kelan diko matatanggap ang gusto mo. Wala akong anak na gumagawa ng di katanggap tanggap sa diyos. Mas pipiliin kong itakwil ka kaysa konsintihin ang makasalanan mong gawain.”
“Dad alam mong kahit kailan di kita sinuway until now. Sana maintintindihan mong diko kaya itago sa sarili ko kung sino ako. It’s me dito ako masaya. Diko kaya gawin ang gusto mo.”
“I don’t want to hear anything from you. Pack your things and out in my house!”
Dumating si Trisha.
“Dad what’s on your mind? Zoe is your daughter. Naririnig mo ba ang sarili mo. She’s still 17. Alam mong ang bata pa niya para mag isa. She needs a father she needs us. Di pa niya kaya.”
“Trisha wag ka makialam dito. I’m your father at alam ko ginagawa ko. Ayaw kong masira o pag usapan ang buhay natin ng iba ng dahil sa kataranduhan ng kapatid mo. Ano nalang ang sasabihin ng mga bussiness partner ko pag nalaman nila na lesbiana anak ko. Masisira ako. Ang negosyo ko. Isang malaking scandal ang mangyayari. Matagal kung pinangalagaan ang pangalan natin tapos sa isang iglap masisira lang dahil sa kapatid mo.”
“I cant believe it. Really dad? Bussiness. Zoe is your daughter!”
“Tama na ate. Mas mabuti siguro ang ganito. I get it, from the day na nalaman ni daddy na lesbian ako I knew from his eyes. He will never accepts me. He hates me for who I am.”
“Pero Zoe. Dad please….”
“Ate please ayoko na and don’t worry dad pag aalis ako dito I promise, you will never see me again. Kasi alam ko na kahit kelan di mo ako matatanggap. Pero kahit ganun pa man di ako nawawalan ng pag asa na isang araw marealized mo that eventhough ganito ako ay pwede mo parin ako ipagmalaki at hindi lang ako kahihiyan”
Nagligpit ng mga damit si Zoe.
Di parin sumusuko si Trisha. Kinausap parin niya ang kapatid.
‘Zoe, sigurado kana ba. Di mo na ba talga matitiis si dad. Hintayin mo lang na makagraduate ka. Please.’
“Di na ate. Diko na kaya na itago kung ano ako. Ayaw ko na bumalik sa dati. Ate I’m sorry kung ito ang pinili ko. I’m sorry if I break this family. I love dad pero living with him na kailangan ko magtago sa closet . I can’t. Di ko kaya.”
“I am worried Zoe. Paano ka? Paano ang pag aaral mo. Napakabata mo pa.”
“Ewan bahala na. Siguro maghahanap muna ako ng matitirhan na malayo dito. I need space.”
“Paano ang school mo.”
“Don’t worry ate sisikapin ko matapos . Ipapakita ko kay dad na kahit lesbiana ako di ako katulad ng inexpect niya.”
Niyakap ni Trisha ang kapatid. Di namalayan ni Zoe na nasa harapan nila ang ama.
“Seryoso ka talaga sa gagawin mong yan Zoe. Baka babalik ka lang.”
“ Diba dad ito rin naman ang gusto mo ang mawala ang kahihiyan mo. Ano man mangyari sakin pag alis ko dad sisiguraduhin kung di ako babalik hanggang di ko napapatunayan na mali ka. I will prove to you na di lang ako kahihiyan.”
“Talaga lang ha, so if that’s what you want okay di na kita pipigilan but lahat ng gadgets mo iwan mo ayaw kong ibenta mo yan dahil homeless ka. Titingnan ko hanggang saan ka dadalhin ng katigasan ng ulo mo.”
Paglabas ng gate
“Kaya ko to. Ill prove to you dad na kaya ko.”, sabi ni Zoe sa sarili.
Nabigla si Zoe ng hinabol siya ng ate niya at may inabot na pera.
“Ano to ate?”
“Ipangako mo na magsisikap ka ha . Ipakita mo kay daddy na mali siya sa decision niya . Promise me etetext mo ako. Kung saan ka pupunta. Ito yung luma ko na cellphone. Mag iingat ka Zoe. I’m sorry kung di ako kasing tapang mo. But I’ll promise you pag nakahanap ako ng tiyempo kokontakin kita.”
“I understand ate pangako. Magsisikap ako.”
Samantala
Bakit ba Zoe napakatigas mo. Gusto lang kita mapasaayos. Sana nga lang di mo pagsisihan na sinuway mo ako.
Memory
Ma please wag mo kami iwan.
Diego anak alam mong mahal ka ni mama diba?. Balang araw maiintindihan mo din ang lahat.
Hayaan mo na ang ina mo sumama sa kabit niyang lesbiana Diego.
Pero papa.Gusto ko sumama kay mama.
Sasama ka? Di mo ba alam ang kahihiyahan dala ng ina mo, ha!
Raul wag mo idamay ang anak natin dito. Masyado pa siyang bata para maintindihan lahat.
Bakit nahihiya kana ba?
Alam mo ang totoo Raul. Kaya wag mo isisi na kasalanan ko lahat.
Mama…
Diego babalikan ko kayo pangako.
Present
Parang wala pa sa sarili si Zoe habang naghahanap ng matutuluyan.Nagpunta siya sa mga kaibigan at kaklase niya pero lahat sila pinagbawalan ng parents nila. Di nila gusto madamay sa gulo ng kanyang ama. Gabi na ng maisip ni Zoe na puntahan si Lexie pero ng makarating siya sa bahay ay ang ina nito ang nagbukas ng pinto at nakiusap itong wag ng gambalain ang anak. Halos mawalan na ng pag asa si Zoe na makahanap ng matutuluyan. Marami siyang pinuntahan na boarding house pero lahat puno na at kung meron man ay mahal din ang upa kaya naman halos mawalan na siya ng pag asa hanggang sa mapunta siya sa lugar na depress area. Sinubok niyang maghanap. Maya maya ay naramdaman ni Zoe na may sumusunod sa kanya. Binilisan niya ang kanyang paglalakad . Napansin niyang may dalawang lalaki na sumusunod sa kanya.
“Hoy! Taga saan ka?”, tawag ng mga ito.
Di nakinig si Zoe at dahil narin sa takot at kaba na baka saktan siya’y napatakbo. Naghanap siya ng matataguan hanggang makita niya ang isang abandonadong kotse at doon siya nagtago.
“Phew.. Muntik na ako doon. Buti nalang at nakalayo na ako. Baka mga holdaper yun . Hays buti nlang baka makuha pa nila ang pera ko.”
Biglang kinabahan si Zoe ng maramdaman na wala na ang pera sa kanyang bulsa.
“Ang pera ko.”
“Hoy!”
Nagulat si Zoe ng makita sa harapan niya ang dalawang tao na humahabol sa kanya.
“Please wag niyo akong sasaktan kunin niyo na lahat. Please…”
Nagtawanan ang dalawang lalaki.
“Loko to Kyle, napagkamalan pa tayong masamang tao.”
“Oo nga Kim halika na nga. Ibili nalang natin tong nahulog niyang pera . Total parang mayaman din naman yan.”
“Wait!”
“Oh ano. I’m sorry. Akala ko kasi.”
Halos magkautal utal sa pagsasalita si Zoe.
“Hays nako. Lumapit lang kami kanina kasi nakita namin na maganda ang backpack mo na rainbow. Itatanong sana namin saan mo nabili, yun lang naman kaso para kang tanga tumakbo ka. Di mo na nga namalayan nahulog pera mo. Hahays kayo talagang may kaya.”
“Backpack? Rainbow?”
Di pa magets ni Zoe pero ng titigigan niyang muli ang dalawang lalaki it happened na they were really a boy but a tomboy. Brosko at masculine lang tingnan dahil nakabinder ang mga ito.
“Ano tinitinggan mo? Ganyan ka ba tumungin sa kalahi mo.”
“Sorry. I thought.”
“Oh ito yung nahulog mo. Kaloka to. Pinahirapan pa kmi na patakbuhin.”
“So what are you lesbian, bi or what? At saan mo nabili yan?”
Nabigla si Zoe sa mga sunod sunod na tanong sa kanya.
“Ha?”
“Impossible namang straight ka diba tapos may backpack ka ganyan ang design.”
“Ahm itong backpack bigay sakin ng”
Bigla naalala ni Zoe si Lexie. Ito kasi ang regalo niya noong anniversary nila.
“Ano na?”
“Bigay to ng ate ko inorder niya online.”, pasinungaling ni Zoe.
“ Ah okay. Kyle nga pala.”
“Ako naman si Kim.”
“Zoe nga pala.”