1 year after
“ Oi Zoe sama ka na sa amin. Misan nga lang to eh.”
“Sige Kyle mag partime muna ako sa library alam mo naman na kailangan natin nang datung sa finals.”
“Grabe naman to scholar kana nga at libre pa tuition tapos kailangan pa magpartime. Wag masyado mag pagod dude.”, sambat ni Kim
“Alam niyo naman kailangan ko ng pambayad sa house at kailangan ko ng pera para sa graduation. ”
“Ito talaga si Zoe parang pamilyado na napakasipag. Pag nakapagtrabaho to ang swerte ng magiging gf nito. Naku Zoe single pa tayo ha, hinay hinay lang. “
Nasanay na sa biruan nila Kim at Kyle si Zoe. After all those years na nagkakilala sila ito ang naging pamilya niya since she left her family. Sila ang tumulong kay Zoe na magsimula uli. Di makakalimutan ni Zoe ang araw na nakikilala niya ang kanyang mga kaibigan. Di ito nagdalawang isip na tulungan siya makahanap ng tirahan. Dinala nila si Zoe sa inuupahan nila. Si Kyle at Kim ay kapareho din ni Zoe ng sitwasyon, itinakwil ng magulang dahil sa di sila kayang tanggapin ang kanilang mga s****l preference. Nagboard sila sa isang apartment na ang namamahala ay parte din ng lgbt community kaya naman maayos ang pakikitungo nila kay Zoe. Tinanggap nila ito ng buo. Nagkaroon man nang bagong pamilya si Zoe ay walang araw na di niya naalala ang ama at mga kapatid. Ilang beses siyang nag attempt na kausapin ang ama pero di parin ito naging open minded. Di maiwasan ni Zoe na magtanim ng sama ng loob sa ama. .Di naging madali kay Zoe ang pag uumpisa ng bagong buhay.. Naghirap siya na makatransfer dahil sa financial status at dahil narin sa mga connection ng ama. Kahit walang experience si Zoe sa mahirap na buhay ay sinikap niya umadopt, nagtrabaho siya bilang service crew sa gabi para lang maigapang ang pag aaral. Walang araw na sinayang si Zoe determinado siyang patunayan sa kanyang ama na mali siya ng inaakala nito sa gender preference niya. Gaano man kahirap at ang dami man pagsubok sa bagong buhay ni Zoe ay di siya sumuko hanggang sa maging graduating student siya sa computer engineering.
“Zoe ngayon gagraduate kana balak mo na ba puntahan si Lexie.”
Di makasagot si Zoe sa tanong ng kaibigan. Di niya maintindihan kung bakit nabanggit ito.
“Diba kwento mo sa amin nun pag kaya mo na babalikan mo na siya. Ito na ba ang tamang panahon?”
Malungkot na sumagot si Zoe.
“Paano kung..”
“Meron na siya?”
“Eh paano mo malalaman pag di mo pupuntahan diba besides di na malalaman ng daddy mo. Siguro safe na puntahan mo siya.”
“Kyle tingnan mo tuloy natulala na naman ang kaibigan natin. Wag mo kasi pag usapan si Lexie. Alam mo naman ang history nila diba?”
“Hay, naku Kim. Tingnan mo nga to si Zoe. Totally masaya ba to na gagraduate? Di mo ba napapansin yung patingin tingin niya sa picture ni Lexie under her bed lately?”
“Sabagay one time narinig ko nga din to nanaginip banggit ang pangalang Lexie. Oo nga Zoe ano ba ang desisyon mo?”
“Oi kayo talaga ako na naman pinag uusapan ninyo. Sa totoo lang diko pa alam. There’s a part in me na parang diko pa kaya.”
“Sabagay matagal din na panahon ang nakalipas pero di nga pre. Puntahan mo na lang kaya si Lexie, malay mo naghihintay din siya sa pagbabalik mo.”
“Gusto mo samahan ka namin?”
“Hays.. Tama na nga.”
Dali dali umalis si Zoe. Pumasok siya sa cr at naglock . Doon ay sunod sunod na bumuhos ang kanyang mga luha.
Hinihintay mo paba ako Lex? Pag nagkita tayo nasa puso mo parin ba ako. Kaya ko naba talaga. Am I strong enough na panindigan lahat?
Graduation day…
“Congrats Zoe!”
Nagulat si Zoe sa bumati sa kanyang harapan.
Ate…
Niyakap ni Zoe si Trisha ng mahigpit.
“Ate I’m so happy andito ka . Paano mo ako nahanap?”
“Ahm kahit medyo mahirap hanapin ng pinagtransferan mo eh may connection parin ako para mahanap ka. Nag iingat lang ako baka mahuli ako ulit ni dad alam mo naman ang ginawa niya last time.”
Nalungkot si Zoe na malaman until now ay wala parin pinagbago ang ama.
“Si kuya Abe? Alam ba niya graduate na ako? Kumusta siya?”
“Oo alam niya I told him and gaya ng dati he’s still following dad’s order. Di parin siya tumatayo sa sariling paa.”
“Okay. I understand don’t worry ate . I’m 19 now ano man gawin ni dad wala na siyang magagawa. Siguro ano pa man ang maabot ko di parin niya makikita ang lahat ng pagsisikap ko kasi kahihiyan lang ang nakikita niya sakin. After all these year di ako tumigil na umasa na magbabago pa ang paniniwala ni dad pero di parin pala.
Zoe and Trisha were shock ng makita nila ang kanilang amang si Diego sa harapan.
“Mabuti alam mo Zoe. I’m not amazed na nakagraduate ka anong papatunayan mo sakin yang diploma mo. Wala ka pa sa kalagitnaan Zoe. Sa palagay mo ba kaya mo na. No! Unang hakbang palang yan.”
“Dad why are you here?”
“I know Trish what your doing simula pa nun. Di lang ako ng interfer kasi gusto ko sa araw na ito ko makikita si Zoe and as I expected bilib parin siya sa sarili niya.”
“Dad please wag ka mag eskandalo dito.”
“Zoe wag mong isipin naabot mo na lahat. Wag mo ipagmalaki dahil step one palang to. And besides this school is not popular. Papel lang yang hawak mo and your gender will bring you down. Tandaan mo ang kagaya mo ay di basta basta magiging succesfull.”
“What the heck? Why is he here Zoe? Oi Mr Cepeda. Kung wala ka rin lang masabi na maganda sa anak mo umalis kana. Sir… “
“I think someone is causing trouble.”, sabi ni Kyle sa isang professor.
Lumapit ang isang professor nila Zoe.
“Sir if you may excuse lumabas nalang kayo ng townhall. Celebration po ito ng graduates please be respectful.”
“No worries di ako magtatagal.”
“I think di ka po invited dito. Tama ba Zoe.”
Tiningnan ni Zoe ang ama at kasunod nito ang pagtango niya sa kanyang propessor.
“Zoe tandaan mo. Step one palang naabot mo wag kang magmalaki. ”
Tahimik na pinagmamasdan ni Zoe ang ama habang naglalakad ito palayo. Pinipigilan niya ang kanyang luha.
Sa kabila ng pagtanggap ni Zoe ng diploma at awards ay di parin siya masaya. Nasa isip parin niya ang kanyang ama. Andon parin ang lungkot na di parin siya kaya tanggapin nito sa kabila ng kanyang pagsisikap. She wants to hug her dad ng makita niya ito pero nadudurog ang puso niya ng malaman di parin pala ito nagbabago.
“Zoe im going.”
Nagpaalam si Trisha sa kapatid.
“Salamat sa pagpunta ate mag ingat ka kay dad. I knew he’s not happy to see you here with me.”
“Don’t worry Zoe malapit narin ako umalis sa house. Ikaw ang mag ingat. Wag mo na intindihin si dad. Okay? Basta go ka lang para abutin ang lahat ng pangarap mo. Ipakita mo kay dad na mali siya.”
“Okay ate.”
“Thank you Zoe dahil di mo ako binigo. I’m very much proud of you.. Of who you are. Alam ko mahirap ang buhay pero laban lang okay. I’ll catch up with you pag nakalipat na ako.”
“Okey… salamat uli ate. “
“Oh ano celebrate na tayo Zoe.”, sigaw ni Kyle
“Ahm mauna na kayo Kyle, Kim. May pupuntahan lang ako.”
“Ha , ngayon gabi na ah. Sama kami.”
“No. Dun na kayo sa venue. Kailangan ko gawin to mag isa.”
Dali dali nagbihis si Zoe at sumakay ng taxi. Kabado siya sa gagawin niya. Pero she needs to see Lexie now. Pagkababa ng taxi ay nakita niya agad si Lexie. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang dibdib. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit bawat hakbang ng kanyang mga paa palapit kay Lexie ay lalong bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Pero ang lahat ng emosyon ni Zoe ay biglang nagbago at napalitan ng galit ng makita niya ang kanyang ama .Naguguluhan siya. Nakita niya na may inabot itong folder kay Lexie. Biglang napalingon si Lexie at namutla ito ng makita si Zoe.
“Zoe? You’re here.”
Lumapit si Lexie at tiyempong yayakapin sana si Zoe pero lumayo ito.
“Why is dad here?”
“He’s….”
Namutla si Lexie at di makasagot.
“Why Lex?”
“Zoe let me explain okay?”
“Explain nakalimutan mo na ba ang ginawa Lex sa atin ha.”
“Lexie is working with me.”, sagot ni Diego sa anak.
“What?”
“Zoe let me explain. Okay?”
“You don’t have to explain with her Lexie.”
“Lex why?”
“Zoe stop bothering Lexie again. “
“I still don’t get it. Niloloko niyo ba ako? Is this funny Lex? Lahat ba ng sinabi mo sakin nun ay totoo?”
“Zoe huminahon ka.”
“No no.. This is not happening.”
Tumakbo si Zoe papalayo.
Zoe!!!
“Lexie wag mo nang habulin ang anak ko. Hayaan mo muna siyang mag isip.”
“Worth it ba talaga lahat ng to sir?”
“ Alam kong masakit para sayo lahat but please I need you.”
2 years ago
Sir Diego?
Wag po kayong mag alala Zoe is not here. Wala na po kami
I know, Ikaw talaga sadya ko.
Mahal mo ba talaga ang anak ko?
Sir?
Nakita ko pagbabago ni Zoe nung nakilala ka niya. Ang mga ngiti niya nung buhay pa ang mommy nila nakita kung muli.
Bakit kailangan niyo maging mahigpit sa kanya. Bakit kailangan ni Zoe masaktan ng sobra?
Bata pa kayo Lexie. Di pa sapat ang pagmamahal para sa inyo. Alam kung nasaktan ko ang anak ko ng sobra.
Pero sir she’s alone now. Paano kung mapahamak siya?
Wag ka mag alala di mapapahamak si Zoe, Lexie. Di ko sinukuan ang anak ko.