“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Ngayon na wala naman si Mom dito sa pilipinas at merong pagkakalabuan sa aming dalawa dahil sa paghihiwalay nila ni Dad. Gusto ko sa sana siyang puntahan para makipag-ayos,” wika niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. “Hindi ka na din pala magtatagal,” saad ko. Ngumiti siya sa akin sabay napatango-tango. “Mamaya na din ang flight ko kaya kailangan ko na ding pumunta sa airport dinaanan lang talaga kita dito para makapag-usap tayong dalawa,” saad niya sa akin. “Alam mo ang saya ko nung nakita ko ang anak ninyo ni Ethan sa tv,” saad niya sa akin. Napahinto naman ako dahil sa kaniyang sinabi sa akin. “Alam mo na may anak kami?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin sabay napatango-tango. “Sigur

