Ericka’s Point of View Nagising ako ng maaga dahil sa kalabit na aking nararamdaman sa bandang pisnge ko. Dahan-dahan akong dumilat at tinignan kung sino ang kumakalabit sa akin. Napakunot ang aking noo ng makita ko si Enzo na nakangiti sa akin at bihis na bihis. “Ba’t bihis na bihis ka Enzo?” tanong ko sa kaniya, “saan ka pupunta?” dagdag ko. “Mom, wake up, diba meron ka pang pupuntahan na company?” saad niya sa akin. Napakamot ako sa aking ulo dahil sa kaniyag sinabi at sabay tinignan ang aking cellphone upang makita ko ang oras. Napahinga ako ng malalim sabay napatayo sa aking pagkakahiga. “Bakit ka nakabihis ng maayos?” tanong ko sa kaniya. “Mom may shoot ako ngayon diba,” saad niya sa akin. Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi niya. “Oo nga pala,” wika ko

