Ericka’s Point of View Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko, lalo na kanina sa pagtawag ni Ethan sa mga sinabi niya. Alam ko na mahal niya si Karen pero bakit niya kailangan sabihin ang mga ganong bagay, hindi ko maintindihan. Parang gusto kong maniwala na hindi kasi paano kung hindi naman totoo. Tapos yung ngayon, yung mga bagay na nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang aking mararamdaman lalo na ngyaon na tinitignan ko ang picture nila Ethan at Enzo sa itaas ng Ferris wheel. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak sa tuwing nakikita ko si Enzo na nakangiti kapag kasama si Ethan. Alam ko naman na masaya si Enzo sa tabi ko pero alam ko na mas sasaya siya sa oras na makilala niya ang ama niya na si Ethan. Pero paano ko gagawin iyon kung sarili ko hindi ko matanggap na si Ethan a

