Ethan’s Point of View “Salvador?” tanong nila Mom sa kaniya. Napatigil naman ako ng marinig ko ang sinabi ni Enzo. Alam ko na madaming pangalan na Salvador pero nagagambala ako sa sinabi ni Mom sa akin kanina. “Kilala mo ba si William Salvador?” tanong ni Dad sa kaniya. Nakita ko naman na biglang napayuko si Enzo dahil sa tanong ni Dad sa kaniya. Napahinga ako ng malalim sabay hinawakan si Enzo sa kaniyang likuran. “Dad, ‘wag mo ng tanungin si Enzo ng ganiyang mga bagay,” wika ko sa kaniya, “kumain na lang tayo,” dagdag ko. Agad kaming nagpatuloy sa aming pagkain, habang kumakain ay tinitignan ko naman si Enzo kung tama lang ba ang kaniyang pagkain. “Gusto mo pa ba ng ibang pagkain Enzo?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin sabay napailing-iling. --- Matapos

