Ethan’s Point of View Napahawak ako sa aking ulo at pilit na kinakalimutan ang mga bagay na iyon. Hindi ko alam kung ano’ng mali sa akin, alam ko na hindi ko na siya mahal pero bakit? “Ethan,” tawag sa akin ni Kuya. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang pagtawag sa akin. “Kuya,” saad ko. “Ano iyon Ethan?” tanong niya sa akin, “bakit ka umasta ng ganon sa harap ni Ericka,” saad niya sa akin. Napayuko na lang ako sabay napapikit dahil sa kaniyang sinabi. Iyan din ang isa sa pinaka ikunukwestiyon ko sa aking sarili ngunit kahit ano’ng aking gawin ay hindi ko mabigyan ng kasagutan. “Ano Ethan, diba sabi mo hindi mo na siya mahal,” saad ni Kuya sa akin, “bakit ayaw mo siyang paalisin Ethan?” tanong ni Kuya sa akin, “paano si Ericka? Naiisip mo ba yung mga mar

