Ericka’s Point of View Dahan-dahan akong naglakad papaalis sa kaniyang harap, nagbabaka sakali na pigilan niya ako sa aking binabalak. Pero kahit ano’ng gawin ko ay hindi na niya ako nagawang habulin pa. Nanatili akong umiiyak habang patuloy na dinadama ang tubig na siyang bumabagsak sa aking katawan. “Ericka,” sigaw sa akin ng pamilyar na boses. Napaharap ako sa kaniya upang makita ko siya. Ngunit hindi ko siya makita dahil sa lakas ng ulan, tanging makakapal na tubig lamang ang aking nakikita na siyang bumabagsak sa kalangitan. Bigla naman akong napahawak sa aking ulo matapos makaramdam ng pagkahilo. Alam ko na may kakaiba sa aking nararamdaman kanina pa. Napahawak naman ako sa aking tiyan habang pinipilit na tumayo sa aking kinatatayuan. Napatingin ako sa paligid at nakikita

