Ericka’s Point of View Habang bumabalik sa aking table hindi ko pa din matanggal sa isipan ko ang kausap ni Ashley. Imposible naman na ex ni Ethan ang K na iyon kasi madami naman ding K sa buong mundo. Pero ano ang balak niya bakit gusto nila akong paalisin dito sa EAD. “Hey, kanina ka pa lutang,” saad saakin ni Kim. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. “Wala may iniisip lang ako,” saad ko sa kaniya. Agad akong umupo sa table ko at sinimulan ang aking nire-revise. “Hindi ka ba muna kakain Ericka?” tanong saakin ni Kim, “kumain ka muna kaya para magkaroon ka ng energy habang gumagawa ka jan,” saad niya saakin. Ngumiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi saakin. “Don’t worry meron naman akong energy,” saad ko sa kaniya. Agad akong nag-inat sabay nagsimula ng mag-type

