Ericka’s Point of View Tumakbo ako papunta sa entrance ng EAD upang makasilong na ako. Agad naman ako sinalubong ng guwardya na nakabantay sa entrance. “Ma’am ayos lang po ba kayo?” tanong niya saakin, “basang-basa po kayo.” Tumingin naman ako sa kaniya sabay ngumiti. “Ayos lang po ako lumakas lang talaga yung ulan at nakalimutan kong magdala ng payong,” saad ko sa kaniya. Agad akong pumasok sa loob ng building at nagmamadali na pumunta sa area namin. Pagdating ko doon napahinto naman ako dahil sa sobrang lamig na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung paano ko iindahin ang lamig dahil sobra talagang lamig sa buong floor dahil naka fully aircon iyon at kami lang naman ang mga tao doon at isa pa ay basang-basa ako dahil sa malakas na ulan. “Kim pakidala nalang yung iba mamaya sa b

