Kasalukuyang nakatutok sa computer si Anthony nang dumating ang papa niya. "Kumusta 'yung pinabisita ko sa inyo?" bungad nito mula sa pinto. Napatingin siya sa ama. "Okay na, Pa. Maganda naman po 'yung lugar," aniya atsaka siya tumayo at lumapit rito. "Good! Maglaan ka ng oras para dun, ngayon mo ipakita sa akin 'yang galing mo." "Pero Pa, ang layo nun," kunot ang noong angil niya. "Bakit? Hindi mo maiwan 'yung babae mo?" "Pa, hindi po siya babae lang, mahal ko siya. atsaka may pangalan 'yung tao, Mia." "Saan mo na naman napulot 'yang Mia na 'yan, sa bar? "Pa, hindi siya katulad nang iniisip niyo, disenteng babae po si Mia." "Oh, siyah sige!" anang papa niya sabay kumpas ng kamay. "Hindi ko pakikialaman 'yang girlfriend mo, basta trabahuhin mo 'yung pinapatrabaho ko sa'yo," anito

