Habang nanatili akong nakaupo rito at naghihintay na pumasok ang aming guro ay hindi ko maiwasan ang aking sarili na mapatitig sa pinto sa tuwing ito ay bumubukas. Nasaan na ba si Ana? Malapit ng magsimula ang klase at hindi pa rin ito nagpapakita. Naiintindihan ko naman na may rason kung bakit siya nagbago pero sana naman ay hindi niya idadamay ang kaniyang pag-aaral. Oo at alam kong sobrang lakas ng kaniyang kapangyarihan pero hindi ito sapat na rason para hayaan niya ang kaniyang sarili na hindi papasok sa klase. Kahit naman gaano pa kami kalakas ay kinakailangan pa rin namin ang gabay ng isang guro. Lumingon ako sa gawi ni Athena at nanatili lamang itong nakatitig sa kaniyang binabasa. Hindi ko alam kung nagbabasa ba talaga ito o ano dahil hindi ko man lang nakita na inilapat nito

