“Hoy, Morrisay! Hinaan mo nga ‘yang boses mo,” Sigaw ni Forrest mula sa malayo at naglakad na papalapit sa akin, “Ano ba ang nangyayari at bakit parang gulat na gulat ka? Talagang sumigaw ka pa ng pagkalakas-lakas. Kapag ito nalaman ng iyong ina ay siguradong papagalitan ka na naman no’n.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi na ako nag-abala pa na tignan si Forrest dahil sa aking narinig. Si Ana? Nasa abandonadong tree house at walang malay? Paano naman siya na punta doon at bakit wala siyang malay? Isa pa, paanong nagkaroon ng protective barrier ang babaeng iyon kung wala siyang malay?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bakit nga kasi wala siyang malay?!ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mas lalong kabahan. Wala na akong ideya kung ano

