Wala pa akong plano na gagawin sa ngayon. Hindi ko pa magagawa ang plano ko ngayong araw patungkol sa mga hari at reyna dahil wala akong paligsahan na masasalihan. Tanging ang mga nanalo lamang ang pwedeng makalapit sa mga iyon. Masiyado nila itong iniingatan, akala naman nila na hindi makapangyarihan ang mga ito. Hindi naman sila tatawagin bilang hari at reyna kung hindi sila makapangyarihan. Alam ng lahat na sa oras na may dugo ka ng mga maharlika, nanalaytay na sa iyong katawan ang kapangyarihan ng iyong mga ninuno. Kahit ako, masasabi kong makapangyarihan talaga ang mga ito. Hindi ako sigurado kung kaya ko ba silang harapin pero wala akong magagawa. Kailangan ko itong gawin pero ang problema nga lang ay hindi pa sa ngayon. Ayos lang din naman, nang sa gayon ay makapaghanda ako at ma

