Lumipas ang ilang araw at lingo matapos ang event ng paaralan at ang napakaraming pangyayari dito sa aming klase ay hindi ko na lubos maisip kung ano ang aking gagawin. Hindi ko alam kung susundin ko pa ba ang mga plano ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipaghiganti ang aking mga magulang. Masiyado ng napalapit sa aking puso ang mga taong ito, si Morrisay at Athena na lagi kong nakakasama at nakaka-usap. Si Forrest na napaka-kulit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Si Mark…ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Na hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sa tuwing napapalapit ito sa akin ay sobra akong kinakabahan. Alam kong may kakaiba akong nararamdaman para sa kaniya pero ayaw ko itong hayaan na manaig dahil prinsipe ito ng isa sa mga kaharian ng Magiya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ

