“Akala ko ay may binabalak ka dahil kung ganoon man, kung ako sa iyo, hindi ko na iyan itutuloy pa. May mga bagay sa paaralan na ito na hindi mo inaasahan ang kakayahan o kaya ay ang mga lugar na naririto. Maaring ito pa ang magiging dahilan ng iyong pagkatanggal,”paliwanag ni Morris at lumapit sa akin, “Hindi sa tinatakot kita, Ana. Ayaw ko lang na mayroong masamang mangyari sa iyo. Iniingatan ka namin kasi bago ka pa lang sa aming kaharian. Hindi ka pamilyar sa mga bawal at pwede.”ㅤㅤㅤ Ramdam ko ang sincerity sa bawat salitang binibitawan nito. Hindi ko alam pero bigla na lamang uminit ang aking katawan, ang aking puso na kalmadong tumitibok kanina ay bigla na lamang bumilis na tila ba ay tumakbo ako nang ilang milya. Napatitig ako sa mga mata ni Morris at mas lalong bumilis ang pagtibok

