“Huwag mo na lang kasi tanungin,”sabi ni Morris at tumawa nang mahina. Nagtataka man ay hinayaan ko na lamang ito at nanatiling tahimik dito sa isang tabi. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Abala sa pag-uusap ang dalawa, sina Morris at Forrest. Samantalang si Athena naman ay hindi ko na mahagilap. Inilibot ko ang aking paningin at inobserbahan ang paligid. Ito pa lang ang unang beses na pumasok ako sa silid na ito, ito rin ang unang beses na dinala nila ako rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Dito pala palaging naka-tambay ang dalawa, sa oras na may mga aktibidad sa paaralan ay dito pala nila ito pinagpa-planuhan. Ngunit, ang labis ko lamang ipinagtataka ay kung sila lang ba ang namamahala rito, wala kasi akong mahanap na ibang mga tao rito bukod sa amin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ

