WAKAS

3012 Words
BUWAN ang lumipas nang makaalis ako sa mansyon ng mga Del Cantara. Para sa akin ay sariwa pa rin ang lahat. Pinipilit kong hindi umiyak gabi-gabi, habang binabantayan ang lolo ko na gumising na. “Ciara…” Tumaas ang tingin ko nang makita ko si Evan na lumapit at hagudin ang likod ko. Alam niya ang nangyari—naikwento ko iyon sa kaniya, matapos kong bumalik sa ospital at nadatnan siyang naroon na nagbabantay kay lolo. “Tahan na, Ciara.” Pagpapakalma niya sa akin nang hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Mabuti na lang at tulog ang lolo ko ngayon. “Ang baboy kong tao, Evan,” sambit ko nang umiling siya. Lumuhod siya sa harapan ko at hawakan ang kamay ko. “Hindi…” Paano ko paniniwalaan ang sagot niya kung ayon ang tingin sa akin ng mahal ko? “Ciara, wala kang inapakan na ibang tao. Hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo—para sa isang lalaki na hindi ka naman kayang tanggapin.” Pinunasan niya ang aking luha nang tumahan ako. “Ciara, madali lang manlait ng tao. Kahit sino ay kaya ‘yon. Ngunit hindi madaling mabuting tao, Ciara.” Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. “Narito lang kami para sa ‘yo-” Hindi niya iyon natapos nang may narinig nang bumukas ang pintuan at bumungad ang nakapamewang na si Trixie. “Coffee?!” Malakas niyang tanong nang umayos ng tayo si Evan at tinaas siya nito ng kilay. “Ops! Maingay pala ako,” ani niya. Lumapit siya sa akin nang ibigay niya ang frappe. Kape naman ang kay Evan na ayaw pang inumin. “Walang gayuma ‘yan, Doc.” Saka siya tumawa. Bumalik ang tingin ko kay Trixie na ngayon ay pinagmasdan lang ako. “Kaya ayokong ma-inloved. Wawasakin lang niyan ang puso ko. Kung mai-inloved man ako ay kay Evan na lang, para tanggap niya ako, ‘di ba?” Walang nakuhang sagot si Trixie kay Evan nang higupin niya na lamang iyon. “Para hindi ka magmukmok d’yan ay samahan mo na lang ako,” sunod niya pa. “Saan naman kayo pupunta?” Sabat ni Evan. “Bibili lang ako ng pang dinner natin. Treat ko, kaya ‘wag na kayo umangal!” “Ako na ang bahala rito, Ciara. Sumama ka na lang sa kaibigan mong speaker ang bunganga.” Sinimangutan siya ni Trixie at agad naman nitong tinarayan. Tumayo ako at sumunod na lamang sa kaibigan ko na ngayon ay may mga sinasabi na para bang inis na inis siya. Hindi ko iyon nabigyan ng pansin, dahil ang utak ko ay natakbo at iniisip si Solo. Paano kung hindi ko ginawa iyon? Ang makipagtalik sa ibang lalaki? Tatanggapin niya pa rin kaya ako? “Ano pala ang sa iyo?” Tumaas ang tingin ko kay Trixie nang hindi ko namalayan kung nasaan na kami. Nasa loob na pala kami ng resto. “M-mahal ata dito, Trixie. Huwag na tayo rito-” “Oh, God! Ayoko na pala kumain dito.” Agad kaming napalingon ni Trixie nang marinig namin ang boses na iyon. Tila nanlamig ang katawan ko kung sino ang makita ko. Nakangising si Karen at may kasamang isang magandang babae. “Why? We have a reservation-” Bago pa iyon matapos ng kaibigan niya ay nagsalita na ito. “I don’t eat where sluts eat, Mia.” Hihilain ko na sana si Trixie nang ako ang hilain niya patungo sa kaniyang likod. “Is there a problem?” Tanong ni Trixie. Hindi ko nasabi sa kaniya kung sino si Karen. “Yes. Like, how can you both afford this kind of restaurant? Oh! Nalimutan ko na mga pokpok pala kayo-” Isang malakas na sampal ang ginawa ni Trixie sa kaniya. “Trixie!” Sigaw ko nang hindi siya nagpaawat. “You're the one that insulted Ciara, I see… Nag-expect pa naman ako na maganda ka, base on what Ciara described you. Put-ngina, para ka lang pa lang alikabok nu’ng dumikit ka sa ‘kin.” Hindi mataas ang boses ni Trixie, pero batid no’n ang inis at galit. “The f-ck?!” Asik ni Karen nang makakuha siya ng lakas para sampalin si Trixie nang agad akong naalarma. Mabilis kong sinuntok ang mukha ni Karen nang hilain ko si Trixie papalayo. Nang makabalik kami ng ospital na may dalang pagkain ay hindi namin mapigilang matawa. Halos hindi namin akalain na magagawa namin iyon. “Ang lakas ng suntok mo sa mukha niya, Ciara. Baka tumabingi ang ilong no’n!” Halakhak ni Trixie. “Nag-walk out ang ilong no’n, dai!” Ani niya pa. “Boss, ito na ang pagkain mo.” Abot ni Trixie nang pagkain kay Evan. “Ciara, galing ako sa baba kanina. Magbabayad sana ako sa kulang pero bayad na pala ang lahat?” Natigilan ako nang maisip kong paano iyon nangyari. Hindi natapos ang kontrata ko sa mga Del Cantara. Imposibleng bayaran ni Solo iyon, dahil galit siya sa akin! “Binayaran mo ba?” Si Evan nang itanong iyon kay Trixie. “I can, but I didn’t…” sagot nito at sa ilang araw na lumipas ay iyon ang bumabagabag sa isip ko. “Gising! Gising, dai!” Minulat ko ang aking mata nang makita ko si Trixie na nakaayos. Dito ako natutulog sa ospital sa kwarto ni lolo. Narito rin si Evan at nagpapahinga. “G-good morning,” bati ko sa kaniya nang makaupo ako mula sa sofa na hinihigaan ko. “Nagdala ako ng damit mo. Maligo ka, may pupuntahan tayo.” Kumurap-kurap ako at inisip ang sinabi niya. “Saan naman tayo pupunta?” Ngunit ngumiti lang siya sa akin. “Basta! Maligo ka na!” Hinila niya ako at pinapunta sa banyo kaya ako naman itong naligo na at sinuot ang dress na kaniyang binigay. “Evan, sumama ka na!” Hila ni Trixie kay Evan na ngayon ay nakatingin sa akin. “Maganda ba kay Ciara?” Bangga pa ni Trixie sa braso ni Evan nang tumungo naman ito. “Buti hindi ka nagkagusto kay Ciara?” Nanlaki naman ang mga mata ko nang tanungin iyon ni Trixie sa kaniya. “I respect our friendship. Friend don’t do breakups.” Tumungo-tungo naman si Trixie na para bang sangayon siya sa sinabi ni Evan. “Saan ba tayo pupunta?” “Sa university! Napag-usapan kasi namin ni Evan na pag-aaralin ka naming dalawa-” “H-ha?! T-teka… hindi niyo naman kailangan gawin ‘to!” Iling-iling ko pa at animo’y babalik na sa banyo para magbihis nang hilain na lamang niya ako. “Sasama na ako.” Saka tumayo si Evan at inayos ang kaniyang suot na damit gawa nang nalukot ito sa kaniyang pag-upo. “Sino ang kasama ni lolo?” Nahanap ako ng paraan para hindi lamang ito matuloy nang marinig kong magsalita si lolo. “Apo, ayos lang ako rito. Manonood lang ako ng telebisyon dito,” ani niya. “Hindi pwedeng wala kang kasama dito.” Lapit ko sa kaniya at kumunot ang noo nang makita ko siyang ngumiti. “Gusto ko rin na mag-isa, apo. Ang iingay niyo, hindi ako makapagpahinga.” Umawang ang labi ko sa kaniya nang maramdaman ko si Trixie na nasa gilid ko na. “See? Saglit lang din naman po kami, lolo! Babalik naman din po kami.” Si Trixie iyon, kaya naman nang makapagpaalam na kami ay umalis na kami. Hindi rin naman iyon nagtagal nang makita ko ang isang malaking paaralan mula rito sa sasakyan ni Evan. “N-nahihiya ako sa inyo…” mahina kong sambit nang makapag-park na si Evan. “Huwag kang mahiya, Ciara. Mas malaki ambag ko kaysa kay Eva-” Imbis na matapos niya iyon ay nagsalita na agad si Evan. “Pamilya kita, Ciara. Hindi mo kailangan mahiya sa akin.” Ngumiti ito at sinamaan naman ng tingin si Trixie na tumaray lamang sa kaniya. Habang naglalakad kami sa paaralan ay marami ang nakatingin sa amin. Tila pakiramdam ko ay hindi ako mapakali. Ang mga tingin nila ay pinakakaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nakikita nila ang katawan ko. “Relax, Ciara.” Bulong sa akin ni Trixie at hinawakan ang kamay ko. Nauuna si Evan nang makarating kami sa registar. Dala-dala na rin pala ni Evan ang requirments ko at tanging ako na lang ang kulang. Hindi ko alam kung deserve ko ba ito—masyadong malaki ang gastos sa gagawin nila sa akin. “P-po?” Narinig namin si Evan kaya lumapit kami ni Trixie. “Naka-enrolled na po si Miss Ciara Amando. Fully paid na rin po siya sa buong apat na taon.” Tila ba parang nagkatinginan kaming tatlo ni Evan at Trixie. “Seryoso po kayo? Sabat ni Trixie nang lumapit ito sa bintana ng registar. Ngunit nang makumpira nga namin na ako talaga iyon ay hindi ako mapakali. Sino ang nagbayad ng pang college ko? “Evan?” Lumapit ako kay Evan at animo’y tatanungin siya nang sumingit na si Trixie. “Baka naman ikaw nagbayad, Evan, ah! Umamin ka na! Magbabayad ako sa ‘yo!” Tinignan ko lamag si Evan na hindi nagsasalita. Nakatingin lamang siya sa akin at ngumiti muli. “Oh, my God! Siya nga ata! Ang laki no’n, Evan! Paano mo nabayaran ‘yon?” Sigaw na tanong ni Trixie nang yakapin ko si Evan. Hindi ko alam kung paano ko papasalamatan si Evan sa lahat nang ibinigay at itinulong niya sa akin. Naramamdaman kong umangat ang kamay ni Evan at akmang yayakapin na rin ako nang may humawak sa bewang ko at agad akong nakawala sa yakap ko kay Evan. “Don't even try to hug my fiance.” Agad tumama ang likod ko sa isang matigas na katawan. Tila ang amoy na ‘yon ay kilala ko. Ang boses na iyon ay alam na alam ko. Umangat ang tingin ko nang hindi nga ako nagkamali… it’s Solo! “Oh, God! Ciara, ‘yung iniiyakan mo! Wait? Fiance? Did he... Did he propose to you? Where and when? Do you know about this, Evan?” Parang nagra-rap si Trixie, ngunit nakatitig lamang ako kay Solo na hindi maalis ang tingin kay Evan. “A-ano ang ginagawa mo rito?” Tila kakalas ako sa kaniyang pagkakahawak nang hindi niya ako pakawalan. “I paid my fiancé's tuition.” sabay taas niya ng papel. Kinuha iyon ni Trixie at dali-daling hinampas sa dibdib ni Evan na parang nanghihina. “In…in just one snap, he paid a million.” Pinikit ni Trixie ang kaniyang mga mata. “Hindi mo na po ito kailangan gawin, Sir Solo-” bago ko pa iyon matapos ay mariin niya akong niyakap. “Drop the sir. Hindi mo ako boss, Ciara. I’m your fiance…God, I miss you so much.” Bitiw niyang salita nang manginig ang labi ko. Fiance... “Solo…” Agad tumulo ang luha ko nang dahan-dahan siyang kumawala sa mariin nitong yakap. Nakita ko kung paano namumula ang mga mata niyang tignan ako. “I’m sorry, I didn’t let you explain. I’m sorry…” Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko nang tila hilain ko ang kaniyang braso. “Solo! Please!” Pinagmasdan ko siya maiigi nang umiiyak. “Ciara, I want you to know how sorry I am.” Tumulo na rin ang kaniyang luha na ikinasakit lalo ng dibdib ko. “S-solo…” tawag ko sa kaniya. “I’m sorry, my love. Please accept me again. Please…” Pagmamakaawa niya sa akin. Marami ang nakatingin sa amin ngayon, ngunit hindi iyon ang bumabagabag sa isip ko. How can a man like him beg for a sinner like me? “Marumi ako, Solo. Alam mo ‘yon, hindi ba? Gusto mo pa rin ba ako?” Natatakot akong marinig ang sagot niya nang may kunin ito sa kaniyang bulsa at umayos ng pagkakaluhod. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang singsing mula sa maliit na box. “Alam kong natagalan ako para humingi ng tawad sa ‘yo, Ciara. Sinabi sa akin ng kaibigan mo ang lahat.” Nilingon ko si Evan na ngayon ay umiwas lang ng tingin. “He took down all of the video,” ani ni Evan. “He f-cking paid tons of millions for that,” sabi pa muli ni Evan. “Ako ang nagsabi na maghintay muna siya ng isang buwan bago lumapit ulit sa ‘yo. I want you to calm your mind, Ciara, before he enters your life again,” sunod niya. “I’m begging you, Ciara Amando. Give me a chance, and I promise you that you’ll not be hurt again. Please, my love. I love you so much.” Humikbi ako nang punasan ko ang kaniyang luha sa pisngi nito. “Hindi ako tanggap ng pamilya mo, Solo. Hindi mo ako nakuhang birhen…” Umiling naman siya sa akin. “Pero ako mahal kita, Ciara. Ikaw ang mundo ko… ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko.” Mas lalong lumakas ang iyak ko sa aking narinig. “Sorry, Solo.” Tila parang bumakas sa kaniyang mukha ang takot. “Sorry, kung hindi ko sa ‘yo sinabi agad. Natatakot ako na baka hindi mo ako tanggapin. Natatakot ako na baka mandiri ka sa akin. Mahal na mahal kita, Solo—pero ayokong matali ka sa isang maruming katulad ko.” Pinikit niya ang kaniyang mata at sandaling nagsalita. “Hindi ka marumi sa paningin ko, Ciara. Kahit nang mapanood ko iyon. Hindi kita hinusgahan kahit katiting. Nasaktan ako, pero nang sandaling makasakay ako sa sasakyan ay hindi ko kayang wala ka. Doon ko nakausap si Evan at tiniis ang isang buwan na hindi ka makausap,” ani niya. “Hindi ko kayang mawala ka sa akin, dahil mahal na mahal kita, Ciara,” sunod niya. “Ciara Amando, please say yes again. Please, marry me… will you marry me?” tanong nito na nagpatibok lalo ng puso ko. Nanginginig ang labi kong kagatin pa ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa panginoon at binigyan niya ako ng isang Solomon Isaac Del Cantara. Isang lalaking kaya akong tanggapin sa lahat ng pagkakamali ko. Isang lalaking luluhod sa harapan ko para humingi ng tawad sa akin, kahit pa sa aming dalawa ay ako dapat ang nagmamakaawa sa kaniya. Ngunit hindi… siya ang gumawa no’n sa aming dalawa. “Ciara-” Hindi ko na siya pinatapos sabihin ang pangalan ko nang hawakan ko na ang kaniyang dalawang pisngi at dampian iyon ng halik. “Yes,” sagot ko nang maramdaman kong yakapin niya ako, habang magkadikit pa rin ang labi naming dalawa. Nang bitawan niya ang halik ko ay nagulat na lamang kaming maraming nagpalakpakan sa gilid at sumigaw. “Bwesit! Nakakakilig!” Sigaw naman ni Trixie. Isinuot sa akin ni Solo ang singsing na may isang malaking red sa gitna. “It's my grandmother's wedding ring. Binigay iyon ni lolo sa akin nang sabihin kong papakasalan kita. He regrets what he has done, Ciara. Na-brainwash siya ni Karen.” Kwento ni Solo sa akin. “Mabuti na lang talaga at sinuntok mo ang mukha no’n, Ciara! Kulang pa ang ginawa mo!” Si Trixie. “I love you, Solo…” “Mahal na mahal kita, Ciara.” Linggo ang lumipas nang mamanhikan si Solomon sa lolo ko. Humingi rin ng pasensiya sa akin si Senyor Joseph sa kaniyang ginawa sa akin. Tuwang-tuwa si lolo nang malaman niyang ikakasal na ako. Pinangako ni Solo na hindi niya ako papabayaan na pinaghahawakan ng lolo ko. “Ang ganda mo ngayon, Ciara.” Nang ayusin ni Trixie ang wedding gown ko. “Thank you, Trixie. Makakahanap ka rin ng para sa ‘yo.” Natawa naman siya sa akin at umiling. “Ipaubaya mo na lang sa akin si Evan.” Tumungo na lamang ako sa kaniya at sandali lamang nang maglakad na siya patungo sa altar. Ilang saglit pa nang hawakan ni lolo ang kamay ko, habang siya ay nasa-wheelchair. Ngumiti ito sa akin at tumungo… “Maraming salamat, lolo.” Habang kami ay naglalakad ay pinilit kong hindi tumulo ang luha ko nang makita ko si Solo na pinupunasan na ang kaniyang mga mata. “Apo, napakaiyakin ata nang nakuha mong lalaki.” Tila natawa ako kay lolo nang sabihin niya iyon. “Pero masaya akong napunta ka sa lalaking iiyakan ka, anak.” Masaya ang puso ko ngayon lalo na nang hawakan niya ako patungo sa harap ni father. Sa ilang salita na binigkas ni father sa amin ay masaya kaming sumagot ng I do sa isa’t-isa. “I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!” Lumapit sa akin si Solo nang alisin niya ang puting belo sa mukha ko. “I love you, Ciara Del Cantara…” tugon niya nang halikan niya ang labi ko. “Sobrang laki ng bahay na ito para sa ating dalawa, Solo.” Hindi ako makapaniwalang binili niya ang ganitong bahay na mas malaki pa sa mansyon nila! Ngunit niyakap niya ako sa aking likod at pagmasdan lamang ang kabuuan ng mansyon sa loob. “You deserve this, Mrs. Del Cantara. I’ll give you the life you deserve, my love.” “Pero sobra naman ito…” “You married a Del Cantara, my love.” Nilingon ko lamang siya, habang nakayakap pa rin sa kaniya. “Sobra ka naman magmahal, asawa ko.” Nakita ko kung paano nanliwanag ang mukha niya sa itinawag ko rito. Imbis na sagutin niya ako ay tinugon niya ako ng halik. Isang masarap at nakakaakit na halik. Isinara niya ang pinto ng mansyon at doon niya ako binigyan nang mariin pang halik. Hinahaplos ko ngayon ang batok, habang siya ay hawak-hawak ang bewang ko. Dumapo ang labi niya sa leeg ko nang tumingala ako at bigyan siya ng access pa sa kabuuan ng leeg ko. Sandali siyang tumigil at dampian ang labi ko ng isang halik. “Halika na sa kwarto, Mrs. Del Cantara…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD