Masakit ang katawan ko nang magising ako mula sa kwarto ko. Inihatid ako ni Solomon sa mismong pintuan ng kwarto ko kagabi. "I was serious when I asked you to marry me, Ciara." Hawak niya pa sa kamay ko at hinalikan iyon. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, dahil masyado mabilis ang pangyayari.
Hindi ko rin makalimutan na ako ang una niya. Parang sampal sa mukha niya kung malaman niyang sa ganitong edad ko ay hindi siya ang nakauna sa akin. Totoo nga ang sinabi ng lolo niya sa akin. Talagang seryoso kung mahal si Solomon Isaac Del Cantara.
“Parang kulang ka sa tulog, ah?” Si Ate Rosa nang maabutan kong naghahanda na nang agahan ni Solomon. “Nagising na po si Sir Solomon?” Tanong ko sa kaniya nang ngumisi nanaman ito na para bang nang aasar. “May napapansin na ako sa inyong dalawa, ha?!” Singkit niyang tingin sa akin.
“Nasa kwarto niya pa iyon ngayon. Saka may darating din na mga bisita bukas, Ciara. Birthday ni Sir Solomon mo.” Tumawa siya sa akin at doon ako binigyan ng tray. Tulad nang ginagawa ko ay ako na ang naghahatid ng umagahan ni Solomon sa kwarto niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad na nginitian. “Ang ganda mo,” puri niya sa akin.
“Binola mo pa ako, Sir Solomon,” ani ko nang kumunot ang noo niya. “Please, ‘wag mo na akong tawaging Sir Solomon.” Hinila niya ako at agad na niyakap.
“Ang bango-bango mo. Hindi ako nakatulog kakaisip sa ‘yo, Ciara. Parang gusto kitang angkinin araw-araw.” Sumimangot ako nang itaas ko ang aking tingin sa kaniya. “Ako ba talaga ang una mo?” Taka ko pa ring tanong sa kaniya. Baka kasi ay binibiro niya lamang ako. “Alam kong nakakahiya na aminin, dahil ilang taon na ako,” simula niya. “Pero ikaw talaga ang una ko. Pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko at papakasalan ko.” Hinalikan niya ang noo ko.
Imbis na maging masaya ako sa sinabi niya ay natabunan ng kaba ang dibdib ko. “Wala akong pakialam kung ano ang nakaraan mo, Ciara. Pakasalan mo ‘ko. Sasabihin ko ito kay lolo-” Agad akong umiling sa kaniya. “Huwag mo muna sabihin agad! Kinakabahan ako at baka hindi niya ako matanggap, Solo.”
“Hindi ganoon ang lolo ko, Ciara. Gusto ka niya at ramdam ko iyon.”
“Hindi natin alam kung ano ang natakbo sa isip ng lolo mo.”
Kinagat niya lamang ang kaniyang labi at tumungo. “Hihintayin kong sumangayon ka sa akin, Ciara. Kailangan ko muna ng sagot mo. Will you marry me?” Ulit niya pang tanong sa akin. “Alam kong wala akong dalang singsing ngayon. Mamaya may dala na ‘ko.” Kagat-kagat pa rin niya ang kaniyang labi matapos niyang sabihin iyon.
“Pasensiya ka na talaga. Hindi ko alam kung paano ba gawin ang mga ganito. Ayaw na kitang pakawalan, Ciara.” Hawak niya pa sa magkabilaang pisngi ko nang tumungo na lamang ako sa kaniya. “Hihintayin ko ang sagot mo.” Nagdadalawang isip na ako. Mahal ko si Solomon at saksi ang anim na buwan na pagmamahal ko sa kaniya. Alam kong mabilis, pero alam kong totoo ang tinitibok ng puso ko para sa lalaking ito na nasa harapan ko. “Yes, Solomon Isaac Del Cantara. Yes, ang sagot ko sa tanong mo. Gusto kitang pakasalan, Solo.” Nanlaki ang mga mata nito sa aking sagot at banatan ako ng isang mariin na halik sa labi.
Matapos ko siyang sagutin ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Ibinigay ko nanaman ang aking sarili sa kaniya at sa pagkakataong ito ay naka limang beses kaming gawin iyon. Hindi ko nga alam kung hinahanap na ba ako sa baba ni Ate Rosa, pero mabuti na lang ay hindi. Nagising ako sa kama ni Solomon nang wala na siya. Napansin ko rin na maghahating gabi. Dali-dali akong tumayo at bumaba nang marinig ko kaagad ang boses ni Ate Rosa.
“Oo, pakilagay na lamang d’yan ang mga bulaklak.” Nang silipin ko iyon sa hagdan ay dumating na ang ilang mga decorations para bukas.
“Gising ka na pala, Ciara. Hindi ka na kumain ng tanghalian. Binusog ka na ni Sir Solomon mo.” Umawang ang labi ko nang alam niya ang nangyari. “‘Wag kang mag-alala at sinabi na sa akin ni senorito. Ako na muna ang pumalit sa shift mo kanina. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam mo kay senyor,” sunod niya pa.
Sinamahan ko siyang maglinis sa bakuran para bukas. Dahil tulog na nga ang alaga naming dalawa ay tumulong na rin kami sa iba pang kasambahay para mabilis na matapos. Hinahanap ng mata ko si Solomon, ngunit hindi ko pa rin siya makita. Agad kong tinignan ang aking telepono at wala akong nakitang text.
Umaga ang bumungad sa akin nang wala akong nakitang Solomon kagabi. Nalaman ko na lamang kay Ate Rosa na may importanteng meeting si Solomon kagabi at hindi na nakauwi rito sa mansyon.
“Good morning!” Agad bumungad sa akin boses ng babae, habang nakuha ng inumin ni senyor sa ibaba. “Good morning, Ate Ros-” Hindi niya natuloy ang pagbati nang makita niya ako. Agad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino siya. Siya ang babaeng nasa litrato mula na kinikwento ni senyor. Ang babaeng may gusto kay Solomon at nagustuhan din ni Solomon. Bakit siya narito?
“Oh! Bago ka rito?” Dahan-dahan akong tumungo. “Okay. Pakidala na lang ito sa kwarto ni Solomon. Pwedeng paayos na rin ang bathtub niya. Sobrang init sa labas, kailangan ko na ata maglublob.” Saka niya inihagis sa akin ang bag nito.
“Ma’am Karen! Narito na pala kayo?” Sumilip ako sa gilid nang makita ko si Ate Rosa na nakipagtawanan sa babaeng maganda. “Hindi po umuwi si Senorito kagabi,” ani ni Ate Rosa.
“Nakausap ko siya sa telepono kagabi. Sabi niya sa akin ay mauna na lang po ako rito. Grabe! Nakaka-miss kayo!” Yakap niya pa kay Ate Rosa. Nang maakyat ko ang bag nito sa taas ng kwarto ni Solomon ay maraming natakbo sa isip ko. Magkausap sila kagabi? Magkasama ba sila? Saka bakit parang sa kwarto ni Solomon siya mag-stay? Dumaan ang ilang oras nang maayos na ang nasa labas.
Nang mapadaan ako sa kusina ay agad kong nakita si Karen. Maganda ito at maputi, walang-wala ako sa kaniya. Ang akala kong hindi niya ako papansinin ay nagkamali ako. Ibinaba niya ang kaniyang hawak-hawak na baso at ngumiti sa akin. “Ciara, right?” Bungad niya.
“O-opo…”
“So, you’re the one that Isaac told me that he’s going to marry.” Agad akong lumingon sa kaniya nang magulat ako. Sinabi iyon ni Solomon sa kaniya? “I don’t like you. I wanted to be completely honest about this. I don’t really like you.” Diin niya pa.
“Ano ba ang gusto mo sa kaniya? Pera niya?” Sunod niya pang tanong sa akin nang umiling ako. “H-hindi po. Mahal ko po siya kung sino siya-” Hindi ko iyon natapos nang humalakhak siya. “Bullshit, that’s not true. Ang sabi niya sa akin ay para kang anghel. How can an angel be on a pornographic website? f*****g two men? Eating d***s while the other f***s you? Angel ba ‘yon?” Bakas sa mukha ko ang aking gulat. Hindi ko alam kung paano ko ipaglalaman ang sarili ko, dahil totoo ang sinabi niya. “Luckily, hindi ko pa sinasabi ito kay Isaac. I don’t want him to be hurt.” Natikom ko ang aking bibig at animo’y hahawakan na ang kamay niya para magmakaawa, ngunit lumayo ito sa akin.
“Hinahanap ka rin pala ng lolo ni Isaac sa itaas.” Taray niya pa sa akin at agad na nagpatuloy sa pag-inom nito ng juice. Umakyat ako nang lumuluha— natatakot na baka malaman ni Solomon at pandirian ako. “Ciara,” tawag sa akin ni senyor nang makalapit ako sa kaniya.
“Bakit ka umiiyak?” Agad niyang tanong sa akin nang umiling ako. “Wala po, senyor.” Iling ko pa. Tinapik niya ang kaniyang higaan na animo’y pinapaupo ako roon nang gawin ko iyon.
“Huwag kang umiyak. Kailangan mo ba ng pera?” Umiling ako muli. Hindi naman iyon ang problema ko ngayon. “Halika dito. Ang ganda ng leeg mo, Ciara.” Pinunasan ko ang aking luha nang makita ko si senyor na papalapit na ang kaniyang mukha sa aking leeg nang bumukas ang pinto.
Agad kong nakita si Solomon na takang-taka kung tignan ako at ang kaniyang lolo. “Solomon, apo ko!” Bati ng kaniyang lolo at nagulat na lamang ako nang hawakan ni senyor ang bewang ko.
Dali-dali akong tumayo at pagmasdan siya. “Mali ata ang pasok natin, Isaac. Mukhang busy silang dalawa ng bago mong lola,” ani ni Karen nang lingunin siya ni Solomon. “Hindi ganoong klaseng babae si Ciara. ‘Wag mong bigyan ng malisya ang nag-aalaga sa lolo ko.” Si Solomon nang lumapit sa akin at agad akong hilain palabas.
“C’mon, Isaac! You have a reputation to protect, tapos papatapos ka lang sa babaeng bayarin?” Sigaw ni Karen, habang sinusundan kami pababa. Nakita ko na ang dami ng tao mula sa labas at malaking screen mula sa isang maliit na stage. “Hindi bayaring babae si Ciara!” Malakas niyang sigaw kay Karen at ako ay patuloy lamang sa pag-iyak. Pilit kong inaalis ang aking kamay sa hawak ni Solomon. “Hindi bayarin? She’s a f*****g gold digger, Isaac! For God sake! Hindi mo deserve ang babaeng iyan! You’re not going to marry her!” Sigaw pa nito lalo.
“Karen, I respect you because I know you. But I'm losing my patience right now. Stop talking about her, and get that f**k out of here!” Lumakas ang sigaw niya nang mapalingon ang ilang mga tao mula sa amin. “Really? Let’s see… tignan natin kung sino ang aalis sa pamamahay na ‘to ngayon.” Tila sandali lamang nang hilain ako ni Karen nang marinig ko si Solomon na sumigaw. “Miss Karen, nasasaktan na po ako.” Iyak kong tawag sa kaniya. “Masasaktan ka talaga, hoe!” Itinulak niya ako sa gitna ng stage, kung saan naroon ang ilang mga naglalakihang mga respetadong business owners.
“Everyone! Hello! I'm Karen Padagas, the founder of KRN Cos, and I'd like to introduce you all to Ciara Amando!” Sabay turo niya sa akin. Agad akong nakatayo at animo’y aalis nang hawakan niya ako muli sa braso. “Ito nga pala ang future fiance ni Isaac. Gumawa rin siya ng video greeting for Isaac’s birthday! How lovely she is, right?” Sunod pa niyang ani at doon nagpalakpakan ang ibang mga investors.
“Karen!” Nang mahawakan ako ni Solo at mariin na niyakap. “Please… please, Solo. Gusto ko na umalis. Sorry… sorry, please.” Pagmamakaawa ko kay Solo nang umiling siya. Magsasalita pa sana si Solomon nang agad umilaw ang screen sa likod at agad kong narinig ang isang ungol.
Para akong aatakihin sa puso nang unti-unting bumitaw ang yakap sa akin ni Solo. Ang dahan-dahan na pagpatak ng kaniyang luha, habang nakatitig sa screen ay tila para ba akong sinasaksak sa puso. Kitang-kita ko ang sarili ko na sinusubo ang doctor at si Evan naman ay nagpapakasaya habang labas-pasok ang ari nito sa akin.
“S-solo…” tawag ko sa kaniya nang tignan niya ako. Nakaawang ang labi niyang hindi ko alam kung nandidiri ba ito sa akin ngayon. Lalapit na ako sa kaniya nang agad niyang sipain ang malaking screen upang mahulog ito at namatay. “Happy birthday, Isaac!” Sigaw pa ni Karen nang hindi ko na iyon pinansin. Dali-dali kong sinundan si Solomon, nang makarating kami sa unahan ng kanilang mansyon.
"Solo, pakinggan mo muna ako..." Hawak ko sa kaniyang braso upang pigilan lamang siyang umalis. Bumubuhos ang aking luha nang lingunin niya ako. Ngunit hindi ko akalain na makikita ko siyang tumutulo ang mga luha nito sa kaniyang pisngi na ikinasakit ng aking dibdib.
"I want too, Ciara. Believe me, my love. I want to hear your explanation." Nakikita ko ang sakit sa kaniyang mga mata kung tignan ako. "But, I can't..." sunod niya.
"Sa tuwing tinitignan kita, bumabalik sa isip ko 'yung napanood ko. T-two guys f*****g you in one bed," sambit niya nang iiwas niya muli ang tingin sa akin. "Ciara, I love you so much, but this hurt so much. You took my world and shattered it." Inalis niya ang aking pagkakahawak sa kaniyang braso.
"Solo! Please... ginawa ko lang 'yon, dahil kailangan ni lolo ng pera. Kailangan ni lolo ng pampa-opera." Ngunit hindi niya na pinakinggan ang paliwanag ko. “Solo! Solo!” Habol ko sa kaniya nang yakapin ko ito sa kaniyang likod.
“Sorry… sorry, kung hindi ko sinabi sa ‘yo agad kung ano ba talaga ang kasalanan ko. Takot na takot ako na malaman mo ‘to kaya habang tinatanong mo ako ay hindi ko kayang sagutin agad.” Malakas ang iyak ko, habang sinasabi iyon sa kaniyang likod. “Alam kong winasak ko ang puso mo ngayon. Pero mahal na mahal na mahal kita, Solomon. Alam kong hindi mo na ako mapapatawad. Alam kong ayaw mo na rin ako makita…” Mas dumiin ang yakap ko sa kaniya ngayon.
“Tama talaga si Miss Karen. Hindi ako nababagay sa ‘yo. Baka talaga ang salitang pagmamahal ay para lang mga malilinis na tao….” Sunod ko pa. “At hindi ako ‘yon. Maraming salamat, Solomon. Babaunin ko lahat ng masayang pagmamahal na ibinigay mo sa akin sa loob ng ilang buwan na nakasama kita.” Hinalikan ko ang kaniyang likod at agad na kumawala sa aking yakap sa kaniya.