Prologue
Taong 1865..
Sumasabay sa hangin ang kilos ng isang nilalang.Kapit nito sa isang kamay ang sugatang babae..at sa isang kamay naman ay ang isang sanggol!Tiyak ang direksiyon nito..Papunta sa pinakamalapit na ospital!Natigil ang mabilis na kilos nito ng magsalita ang babaeng tangan nito.
"Hin..di ko na ka..ya..Lixondro!hinang hina na sabi ni Faith..bumitiw ito sa pagkakapit sa akin at pabagsak na humiga na sa damuhan...Nagkulay pula ang kanina'y maberdeng damo dahil sa dami ng dugo na tumatakas sa katawan ng dalaga..Sugatan ito!Hindi biro ang pinsalang tinamo nito.Malalim ang mga hiwa nito sa ibat ibang parte ng katawan...Halos walang pinalampas na bahagi ng katawan nito ang salarin.Lalo na ang mukha nito.Sinigurado ng salarin na hindi na masisilayan ang akin nitong kagandahan.
Kagandahan na unang nakakuha ng pansin ko nung unang araw na makita ko ito.
Hindi ito tagarito sa aming lugar. Isa itong dayo na kinagiliwan ng lahat..Lalo na ng mga kalalakihan..maging ako!Kahit na may asawa na ako at dalawang anak nung una kaming nagtagpo ay hindi ito nakapigil sa akin upang madalas ko itong puntahan!Hindi lihim dito ang estado ko..Pero balewala iyon dito at hindi naging hadlang upang maging magkapalagayn kami ng loob..Likas na palatawa ito..Marami itong kwento na tiyak na iibiging pakinggan ninuman...sa dami nitong kwento..hindi kelan man ito ngkwento tungkol sa pinanggalingang pamilya nito o kung saan ito nagmula.Balewala sa akin iyon..nararamdaman ko na mabuti itong tao.Hindi miminsang nakita ko itong tumulong.Bukas ang bahay nito para sa lahat!Aktibo ito sa lahat ng proyekto sa aming bayan na layuning magbigay tulong sa lahat ng nangangailangan.Magaling din itong magpinta..Nabibigyang buhay nito ang anumang iguhit nito..Katunayan sa angking galing nito..madaming parokyanong nagnanais na iguhit sila ng dalaga na pinauunlakan naman nito..Hindi ito naniningil ng mahal..Ang kalahati ng napagbebentahan ng mga art pieces nito ay ibinibigay nito sa Foundation na itinatag ni Mayor na may layuning bigyang kabuhayan ang mga hikahos na mamamayan..Isa iyong sekreto!Walang sinumang nakakaalam niyon..Maging si Faith ay hindi alam na alam ko ang tungkol doon..Siguro dahil isa iyon sa mga kakayahan naming mga bampira!Ang makarinig kahit malayo pa!
Natatandaan ko pa noong unang malaman ni Faith ang tungkol sa katauhan ko..Kabilugan ng buwan noon..Naghanda ito ng isang salo salo dahil kakatapos lang nitong maibenta ang lahat ng naipinta nito.Medyo may kalakihan ang perang nakuha nito dahil pinilit ng bumili na kunin sa presyong gusto nito ang lahat ng gawa ni Faith..Hindi na iyon tinanggihan ng dalaga at bilang pasasalamat..nagpakaen ito sa buong bayan..Imbitado ang lahat..maging ang mga kalahi ko na nagtatago sa ibat ibang personalidad.Walang nakakaalam sa aming bayan tungkol sa totoo naming pagkatao dahil nanatili kaming tahimik sa loob ng mahabang panahon..Hindi namen kahit kelan binulabog ang mga tao..Nabubuhay kami sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo sa bloodbank o pag inom ng dugo ng mga hayop.Maraming naging tutol sa palakad kong iyon..pero walang nangahas na kumalaban sa akin..
Dahil likas na mas doble ang uhaw na nararamdaman namen sa dugo tuwing kabilugan ng buwan..kaya naman wala sa mga kalahi ko ang pumunta dahil abala ang mga ito sa paghahanap ng makakaen sa kagubatan.Maging ako ay natatakam sa mga taong naglalabas masok sa bahay ng dalaga..Ibayong pagpipigil ang ginawa ko upang hindi matukso..Nang hindi ko na mapigilan ay dali dali akong pumunta sa likurang bahay nito..Alam kong may alaga itong mga manok na ibibigay nito sa kapiyestahan ng bayan bilang handa...Hindi na ko nagdalawang isip..binuksan ko ang kulungan..at naglabas ng isa..pero hindi sapat ang isa..kumuha pa ko ulit ng isa..at isa pa..at isa pa..hanggang sa tuluyan kong maubos ang lahat ng manok na nandoon..Dahil sa lakas ng ingay sa labas dahil sa tugtugan ng mosiko na kinuha ng kapitan ay walang sinuman ang nakarinig ng "krimen" na ginawa ko.Patapos na kong maglinis ng mga kalat ng sumulpot si Faith..
"Kanina pa kita hinahanap..andito ka lang pala.."naglipat ang tingin nito sa akin at sa kulungang walang laman..Lumapit ito sa akin..Tinitigan ako nito..Pinunasan nito ang natirang dugo sa ilalim ng labi ko. "Hindi ko man alam kung anong nangyari..pero heto..."iniumang nito ang leeg palapit sa akin..Naamoy ko ang bango nito..May isa pang amoy akong naamoy dito na sobrang nagpakalam sa tiyan ko!Lumunok ako ng ilang ulit pero lalo nitong inilapit ang leeg sa akin..Napapikit ako..Kung tatanggapin ko ang inaalok nito..tiyak na kamatayan ang kakapuntahan dahil hindi ko sigurado kong mapipigilan kong ubusin ang dugo nito..Naramdaman ko ang paglabas ng mga pangil ko..Sa natitirang katinuan ko..itinulak ko siya at dali dali akong umalis sa lugar na iyon..
Matagal bago ako nagpakita ulit dito...Pero hindi ko din napigil ang sarili ko..Isang gabi..pinasok ko ito sa kwarto nito..Pinagmasdan ko ang kagandahang nahihimbing sa harap ko..Nangulila ako sa kagandahang iyon na matagal ko din hindi nasilayan..Nang gumalaw ito ay tumalikod ako upang umalis na sana pero nagsalita ito..
"Hindi mo naman siguro kinahihiya ang sarili mo dahil lang sa nalaman ko kung ano ka talaga..hindi ba?"Nakaupo na ito sa kama ng humarap ako..
"Hindi ka ba natatakot sa akin?"lumapit ako at umupo sa harapan nito.Umiling ito..Hinawakan nito ang mukha ko..Ang malambot nitong palad ay humaplos sa aking pisngi.
"May pagkakataon ka..pero hindi mo ginawa..Isa akong pagkaen na nakahain sa harapan mo ng gabing iyon pero nanaig ang kabutihan ng puso mo.."inilapit nito ang mga kamay sa dibdib ko..Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi nito.."Nagawa mong kontrolin ang sarili mo..at labis ko iyong ikinahanga!"lumapit ito sa akin..Tumigil ito ilang pulgada lang mula sa akin..Tinitigan nito ang mata ko..Hindi tumitibok ang puso nameng mga bampira pero ramdam ko ang pagiinit ng katawan ko sa tinging ibinibigay nito sa akin. "Mabuti ka tatandaan mo yan..kahit ano ka pa!"Tiningnan ko ito ng mariin..makikita sa mga mata nito ang pagiging totoo sa mga sinabi..dahil dun..kahit alam kong mali at hindi matatapos dun lang ang mangyayari sa amin..tinawid ko ang natitirang pagitan namen..Sinunod ko ang matagal ko ng gustong gawin..at tama ako..ng maglapat ang aming mga labi..Ramdam ko ang lambot nito..maging ang bango ng hininga nito..Matamis ang nalalasahan ko ng matikman ko ang laway nito ng tumugon ito sa iginawad kong halik.
Dahan dahan noong una pero naging mapaghanap ang aming mga dila..Lumalim ang halik na iyon hanggang sa naramdaman kong parehas na kaming walang saplot.Sa natitirang katinuan ko ay tumigil ako sandali upang bigyan ito ng pagkakataong tumanggi..subalit tumango ito..hudyat ng pagpayag nito.Kaya naman ng gabing iyon...ang aming mga katawan ay naging isa..Masarap sa pakiramdam ang indayog ng katawan..Nakakagana ang ungol na lumalabas dito sa bawat pag ulos ko..Ramdam ko ang pagdiin ng mga kuko nito sa aking mga balikat pero wala akong pakialam dahil sa kaiga igayang naramdaman..At tulad ng lahat ng bagyo na humuhupa matapos ang mahabang pag ulan ay pagtatapos ng pagsasanib ng aming mga katawan..Humupa ang init pero nagbigay ito ng kasiyahan sa akin..Nakangiti akong bumagsak sa tabi nito..Nang yayakapin ko na ito ay bumangon ito at isinuot ang kamisetang tinanggal ko kanina lang..Umupo ito sa malambot na upuang nasa silid na iyon at hinarap ako..Diretso ang tingin nito sa akin "Hindi dapat maulit ito Lixondro!"maang akong umupo at akmang tatayo upang lapitan ito pero nagsalita ito.."Umalis ka na..inaantay ka ng pamilya mo!"
"Faith.."
"Ginusto ko din ang nangyari..pero hindi na dapat maulit..dahil mali ito..Alam nating pareho yan.."
"Pero Faith..maiitindihan naman ni "pinutol nito ang sinasabi ko.
"Maiintidihan man ng asawa mo..pero ayoko.Ayokong masaktan mo ang asawa mo dahil lang sa akin..Kaya tumayo ka na diyan"tumayo ito mula sa kinauupuan.."Maaari pa din tayong maging magkaibigan..Mahal kita!"yun yung huling araw na nakita ko ito.Nahirapan akong tanggapin na hanggang doon na lang kami.
Kung kelan naman natanggap ko na hanggang magkaibigan na lang kami ay tila huli na ang lahat..Naabutan ko itong duguan sa kama..Kung hindi lang marahil ako dumating ay tuluyan na itong napaslang ng hindi nakikilalang nilalang..Sayang at hindi ko na nagawang habulin ito dahil mas inuna kong daluhan si Faith..
"Malapit na tayo Faith..please...kapit ka lang!"tatawid na lang kami sa sapa at at ilang lakad pa ay mararating na namen ang hospital.
Umiling ito.Nakita ko ang pagbulwak ng dugo nito sa bibig!
"Faith..ayoko pero kung ito ang dahilan para mailigtas ka..pikit mata kong gagawin"iniangat ko ang kamay nito..Inihanda ko ang pulsuhan nito at ang aking sarili.
"Lixon..dro"mahinang mahina bigkas nito..na nagpatigil sa aking gagawin.Umiling ito..kinuha nito ang kamay na hawak ko.."Hang..gang di..to na lang a..ko!Ayo..kong..maging tu..lad ninyo!Ma..hal ki..ta..alam mo yan..pero..."huminga muna ito ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagsasalita "gus..to kong tuman..da..Ayoko takasan ang reya..lidad ng bu..hay.Lahat tayo mamamatay..at tingin ko....oras ko na!"
"Hindi..Faith..may magagawa pa nga tayo...I can turned you into..."tumawa ito ng pagak sa sinabi ko..at sumuka nanaman ito ng dugo.
"Hin..di ko yun gusto...Ma..buhay man ako..dahil sa gaga..win mo!Hin..di ako magiging masa..ya!Ipangako mo sa akin.."inabot nito ang mukha ko"Iinga..tan mo ang anak ko..Dont let him live like you please..."ibinaba nito ang nakahawak na kamay sa akin patungo sa tabi nito..Hinawakan nito ang ulo ng sanggol na walang kamuwang muwang sa nangyayari..Ni hindi ito umiiyak!Nakatingin lang ito sa duguang mukha ng ina nito..Napaiyak ako sa nasaksihan..Nakita ko ang pag ngiti nito nang ngumiti si Faith dito....
Nakita ko ang pagpupumilit ni Faith na tumayo kung kayat inalalayan ko ito paupo..Isinandig ko ito sa punong malapit sa amin..bago ibinigay ang anak nito..Pumuwesto ako sa harapan ng mga ito.Sa nanghihinang katawan ng dalaga..nakita ko ang paghalik nito at pagyakap sa anak..Nakita kong tila may ibinulong ito sa sanggol..bago dahan dahang iniabot sa akin. "Iparam..dam.. mo sa kan..ya ang pagmama..hal na hindi ko na maibi..bigay"sa hilam na mga mata..nakita kong unti unti itong pumikit..at kasabay ng huling hininga nito ay maririnig ang iyak ng isang sanggol sa kakahuyan..Ang pagtangis nito ay nagdulot ng kilabot sa lahat ng makakarinig!